CHAPTER 19

8 2 0
                                    

Sari saring paputok ang nag iingayan sa labas.Sa buong buhay ko,ngayon ko lang nadarama ang pakiramdam na masayang nagcecelebrate ng bagong taon.Noon kase ay wala naman akong pakialam kahit nga kaarawan ko ay normal na araw lang para sa'kin.

Sana sa pagsapit ng bagong taon magiging masaya na'ko.Sana maiwan ko na ang lahat ng hinanakit ko sa taong ito.Sana hindi na ko maiwan pang muli...

May kumakatok sa pintuan kaya dali dali ko itong binuksan.

"Hi!"

Kaagad ko itong niyakap."KC,angtagal mong hindi nagpakita sa'kin ah."

"Busy lang.Hindi mo ba ako papasukin?"

Pinapasok ko na nga ito at pinaupo sa sala."Ate,si KC po."

"Good evening po ate,"bati nito kay ate Ava.

"Good evening din,bakit ngayon ka lang nagpakita?"

"Magkapatid talaga kayo,pareho kayo ng tinanong."Saad nito na nagpatawa sa'min.

"Darating din si JM dito."Pinakita nito ang chat ng kaibigan .

"Uuwi ka pa mamaya sa inyo?"tanong ko naman.

"Oo,mga 11:30."Tumayo ito at nagtingintinginsa labas."Excited naman ng iba masyado."

"Hi,good evening!"

Sabay kaming napatingin sa nagsalita.

"Tol,"sabay yakap nito sa kaibigan.Bigla ako nitong hinila at isinama sa pagkayakap nila.

"Group hug,"saad ni ate Ava at yumakap din.

Ako yung pinakamaliit sa kanila at ako pa ang napagitnaan.Siksik na siksik pa ako sa dibdib ni JM dahil sobrang higpit na yakapan nila.

"Luwagan niyo naman ang pagyakap,"saad ko ngunit tinawanan lang nila.

Para akong nakalaya sa pagkakulong ng
bumitaw na sila.

"Group hug ulit."Akmang yayakapin na ako ni kC ng tumakbo ako.Tawang tawa naman si ate ng pumunta ako sa likuran nito.

"Kinukulong niyo'ko eh!"reklamo ko sa kanila.

--

Handa na ang pagkain sa mesa.Wala naman kaming gagawin pa kundi ang maghintay ng oras.

Bago palang mag alas onse ng matapos naming mapanuod ang isang movie.

Tumawag na ang mama ni KC kaya nagpaalam na itong umuwi.

Tatlo nalang kami ang nandirito sa bahay.Wala na namang magawa pa.

"Baka gusto niyong umakyat sa taas?"tanong ni ate.

"Saang taas po?"

"Rooftop."

Pagkarinig palang nun ni JM ay agad na niya akong hinila paakyat sa rooftop.

Ngayon palang din ako naakyat dito kahit dito naman ako nakatira.

"Ang ganda naman dito,"puna ko sa paligid.

"Maganda nga,"saad din nito ngunit sa akin nakatingin.

Umiwas ako ng tingin."Yung view ang maganda."

"Alam mo ba ang pinakamagandang view?"saad nito sa likuran ko.

"Ano naman?"Bigla ako nitong pinaharap sa kaniya.

"I love view,I love you,"mahinang saad nito.

Biglang nang init ang mga pisnge ko ng hindi ko alam.Tinitingnan nito ang mukha ko,dahan dahang nilalapit niya ang mukha sa mukha ko.Para akong nanlalamig na hindi ko naiintindihan.

Patuloy parin ang pagtitig nito sa akin.Sa mata ko pababa sa mga labi ko.Palapit ng palapit ang mukha nito sa akin.

"Tingnan mo yun!"Hinawakan ko ang mukha nito at itinuon sa fireworks.

May sinabi ito pero hindi ko narinig."Anong sabi mo?"

"May sinabi ba'ko?"pagtatanggi nito.

"Gusto mo'ko?"Hindi ko alam kung bakit ko natanong iyon.Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto ang sinabi ko.
Napatalikod nalang ako sa kaniya at napapikit

"Hindi kana pala manhid?"

"What do you mean?"

"Napansin mo na eh."Niyakap ako nito mula sa likuran.Ba't ganito kabilis ang tibok ng puso ko?

Inalis ko ang kamay nito."B-biro ko lang naman yun."

"Ngunit ako seryoso."

Bigla ko nalang naramdaman ang pagdampi ng labi nito sa labi ko.Hindi ako makagalaw,hindi ko magawang umatras man lang.

Hindi ko siya gusto..peroooo...pero bakit hindi ko magawang lumayo?

"Happy New Year!"

Sabay kaming napalayo sa isa't isa ng sumigaw si ate .

"Happy New Year,"nakangiting bati nito sa akin.
"New beginning."

"H-happy New Year din,"bati ko sa kaniya at dali daling pinuntahan si ate.

"Happy New Year ate!'sabay yakap ko sa kaniya .

"Baba na kayong dalawa,kakain na tayo,saad nito at nauna ng bumaba.

Hindi parin umaalis si JM sa kinatatayuan niya.
"Baba na tayo!"pagtatawag ko sa kaniya.

Makailang beses ko ng tinawag ngunit hindi man lang lumilingon kaya nilapitan ko na.

"Baba na ta—

Kaagad ako nitong niyakap at binuhat.

"Ibaba mo'ko!JM! Isusumbong na talaga kita kay ate!"Kahit anong gawin ko ay hindi parin niya ako binibitawan.

"Papalag ko o hahalikan ulit kita?"

Nanahimik nalang ako habang binubuhat niya.Ibinaba naman ako nito ng pababa na kami ng hagdan.

Bababa na sana ako ng hinawakan ako nito sa palapulsuhan."Sana walang magbago pagkatapos kitang hinalikan ah?"

Hindi ako sumagot.

"Magkaibigan parin tayo diba?"Hindi mo naman ako lalayuan diba?"

Inignora ko ito,bumaba ako ng hagdan at hindi naman ako nito pinigilan.

Nakababa na'ko ngunit nandun parin siya sa taas.

"JM!Baba na jan !"tawag ko sa kaniya ngunit hindi ito sumagot.

"Magkaibigan parin naman tayo kaya bumaba ka na jan!"Kahit nasa malayo ay kitang kita ang pagngiti nito.Siraulo talaga!

"Gusto mo'ko?"Gulat ako ng sinambit niya ito.

"Hindi ko alam."Lumungkot naman ang mukha nito.

"Ikaw na nga naka first kiss ko tas gaganyan kapa!"Napatakip nalang ako sa mukha ko ng masabi ko yun.Ano ba to,pinapahamak ko lang ang sarili ko eh.

Hinawakan ako nito sa kamay at hinila papasok ng bahay.

"Kanina ko pa kayo hinihintay ah,"saad ni ate.

"Ahh,nanuod pa po kami ng fireworks eh,"siya na ang sumagot ."Happy New Year po!"nakangiting bati nito kay ate.

"Happy New Year ulit,"saad ni ate."Group hug!"Wala akong magawa kundi ang yumakap.Bakit ako naiilang?.

Pati sa pagkain ay naaalala ko parin ang halik na yun lalo na kapag nagkakatitigan kami ni JM.

Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagkain dahil nadidistract na talaga ako.

Hindi ko siya gusto.Hindi ko siya gusto.Malabo.Malabo.Malabo.


(Happy New Year guysss💚💚💚)
                              -Jammieee17

STORY ABOUT YOU AND MEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt