CHAPTER 18

5 1 0
                                    

"Good morning ,Sky!"

Pinapasok ko ito sa bahay."Ang aga mo ah."

"Wala man lang good morning?"

"Good morning JM!"pilit ko itong ningitian."Masaya kana?"

"Loviee,inaaway mo na naman ba yan!"saad ni ate Ava mula sa kusina.

"Oo ate,inaaway niya'ko,"sabi nito kay ate.

Sinamaan ko ito ng tingin saka niyayang pumunta sa kusina.

"Ano yun Loviee?"tanong ni ate habang nagtitimpla ng kape.

"Wala po,di ko naman yan inaaway."

Inilapag nito ang dalawang baso sa mesa."Oh,kape muna kayo."

Sabay naming kinuha ang baso,sabay rin kaming tumayo,sabay rin kaming nagtitigan..

"Ikaw na ang mauna,"pagpaparaya nito.

Hinaluan ko na ng malamig na tubig ang gatas saka ininom ito.Pagkabalik ko sa mesa ay ubos na ito.

"Hindi mo'ko hinintay na uminom?"

"Hindi ka naman nagsabi ah."

Nakasimangot itong pumunta sa ref para kumuha ng malamig na tubig.

Ganda ng trip namin no?Magkakape tas ayaw naman sa mainit.

Pagkabalik nito'y wala naring laman ang baso niya.

"Hindi ko na nakikita pa na pumupunta dito si Larvin ah"tanong ni ate.

"Pumupunta pa kaya siya dito ,kaso hapon na."

"Ha?Bakit hapon?"dagdag tanong pa nito sa akin.

Tiningnan ko si JM,tinaasan ako nito ng kilay.

"Nagsumbong yun,anong ginawa mo?"

"Wala ah,"agad na sagot nito .

"JM?"Alam kong pag si ate Ava ang nagtanong ay hindi ito makapagsinungaling.

"Sorry,ate.Sinabihan ko lang naman na ayaw kong makita siya dito."Kamot ulo nitong sabi.

"At bakit ayaw mong makita siya dito?"pang uusisa pa ni ate.

Napapangisi nalang ako sapagkat mukha na itong kinakabahan.

"Nakakainis mukha nun eh,ang hambog lang."Naiinis nitong sabi.

Kumindat si ate sa akin."Hindi naman yun hambog.Diba,Sky?"

"Oo naman po, gwapo niya din kaya tapos ang bait pa,masaya kasama."Kahit ang totoo'y nakakainis na sapagkat sobrang makulit.

Ngumiti si ate at seryoso ako nitong hinawakan sa balikat."Gusto ko siya para sa'yo ,Sky."

"Seryoso ka ate,Ava?"Gulat ako ng magkasabay kami ni JM sa pagtanong niyon.

Napatawa naman ito."At kung oo?"

"Ikaw bahala,"tanging nasabi ko.

Seryoso ba talaga siya?Gusto niya ko para kay Larvin?Sinakyan ko lang naman ang trip niya pero seryoso pala talaga siya.

Sandali kaming napatahimik.Nagtulong nalang ako sa paghiwa ng sangkap para sa lulutuin.

Mahina akong siniko ni ate kaya napatingin ako sa kaniya."Po?"

Lumapit ito sa akin at bumulong."Tingnan mo si JM."

"Bakit?"mahinang tanong ko.

Hindi na ito sumagot kaya bumaling nalang ako sa lalaki.Nakatingin ito sa malayo at parang malalim ang iniisip.

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now