CHAPTER 12

12 2 7
                                    

"Hey!"

Patuloy akong naglalakad at hindi pinansin ang kung sinong tumawag . 7:25 na at limang minuto nalang ay magsisimula na ang klase.

"Miss Hernandez!"

Napalingon ako ng narinig ko ang apelyido ko.Kunot noo kong pinagmasdan ang babae,hindi pamilyar ang mukha nito sa akin.
Nakangiti ito habang lumalapit sa akin at bigla ako nitong niyakap.Hinapulas nito ang pisnge ko na para bang matagal na niyang gustong mahawakan.

Biglang nag bell kaya napabuntong hininga nalang ako."Ahh,papasok na po ako sa room,"pagpapaalam ko kahit naguguluhan sa inasta nito.

Agad na hinanap ng mata ko ang dalawa.Kumaway ang mga ito sa akin habang nakangiti .Kumaway rin ako pabalik ngunit lumingon si Ferachi kaya agad kong itinago ang kamay ko at tipid rin itong ningitian .

"Late ka na,"puna ni Jin ng umupo ako sa tabi niya.

"Napasarap lang ang tulog,"sagot ko habang inilabas ang papel at ballpen sapagkat nakita kong halos lahat ay may papel na sa lamesa.

"Wala kang masasagot sapagkat absent ka."Kinuha nito ang notebook at inilagay sa table ko.

Tiningnan ko naman ito,magtatanong pa sana ako kung paano ang process sa pagsosolve ngunit nandun na ito sa tabi ni Carlo.

Napasandal nalang ako sa upuan.Hindi lang ako pumasok ng ilang araw,ganito na pala ang nangyayari.Noon lowkey lang ngunit ngayon ay pinapakita na nila sa ibang tao.Akala ko pa naman....nag assume lang pala ako.

Tinuturuan ni Jin ang jowa nito kung paano mag solve.Titig na titig ito habang sumusulat si Carlo at kita sa mga mata nito ang pagmamahal niya sa lalaki .

Nagulat ako ng may tumapik ng balikat ko."Tama ng titig yan,"seryoso nitong saad at inilapag ng nakatiklop ang bondpaper sa lamesa ko.

Napatingin ako sa harapan ko,abala na ang mga ito sa pagsasagot.
"Bakit nakatiklop to?"

"Baka kasi magulat ka ,"seryoso parin ito."Math equation pa naman 'yan."

Binuklat ko ang bondpaper at puro numbers nga.Tiningnan ko ang binigay ni Jin na notes ngunit hindi ko ma gets.Napakamot nalang ako sa ulo ko habang kunot noong tinitingnan kung paano ito makuha .

"JM,bigyan mo na kami ng copy ng equation!"

"President,pakibilisan naman."

Napatingin ako sa gilid ko at takang tiningnan si JM."Bakit nakatayo ka parin jan?"

"Babalikan kita,"tanging sagot nito at nagdistribute sa iba pa naming kaklase.

Muli kong binuksan ang notes ni Jin at inaral ito.Hindi ko parin ma gets ang process nito sapagkat wala naman itong nilagay na explanation sa gilid.

Tiningnan ko si KC,abala ito sa pagsasagot at walang bahid ng kahirap hirap sa mukha nito.
Mabilis ang pagkasagot nito at ngumingiti ngiti pa.Sa kaniya nalang ako magpapaturo,sinarado ko na ang notebook ni Jin at kinuha ang papel at ballpen ko sa mesa.

Tatayo na sana ako ngunit biglang may humawak sa braso ko kaya nabalik ako sa pag upo.

"Sabing babalikan kita eh,"saad nito .Umayos ako ng upo at inilapag ulit ang papel ko.Binuksan nito ang notes ni Jin at tiningnan."Kulang naman to,"halata ang panunuya sa boses nito.

"Edi yung sa'yo nalang,"sagot ko at kinuha ang notebook nito na nakalapag sa table.

Kompleto ang process nito at may explanations pang nakalagay."Kompleto yan,"saad nito .

"Syempre,si JM ka eh,"bigla bigla nalang na sabat ni KC.Pa simple nitong nilapag ang papel sa harap ko tsaka kumindat "Kopyahin mo na."sabi nito saka bumalik sa upuan.

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now