CHAPTER 11

12 2 13
                                    

Umuwi na ako ng bahay kasama si JM.Bumili nalang kami ng pagkain sapagkat wala na si manang na makapagluluto para sa amin.

"Salamat sa pagsasama sa'kin,"nakangiti kong tugon sa kaniya."At sorry."

Ginawadan lamang niya ako ng ngiti at inakbayan papuntang kusina.Pinihit nito ang upuan at pinaupo ako.

Tatayo na sana ako upang ayusin ang mga pagkain ngunit agad nitong kinuha sa akin.

"Ako na,umupo ka nalang muna jan."

Kumuha ito ng lalagyan,ganun din ng pinggan,kutsara at tinidor.Isinalin nito ang mga pinamiling pagkain sa lagyanan at inaayos sa lamesa.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang galaw nito.Ibang iba siya sa JM na inaakala at iniisip ko.

"Ningingiti mo jan,"puna nito sa akin.

"Angganda lang ng panaginip ko,"tugon ko naman.

"Baliw ,"Kinuha nito ang pinggan at nilagyan ng pagkain.Kumuha na rin ako ng akin ngunit bigla nitong ipinatong sa harapan ko ang pinggan.

"Kumain kana ha,"parang magulang itong binibigyan ng pagkain ang anak.

Bigla kong naalala si papa.Hindi parin kami nakapag usap hanggang ngayon.Napatahimik ako habang iniisip kung ano na kaya ang ginagawa niya ngayon.Kung okay lang ba siya o meron bang problema.

"Uy,anong meron?"

Gulat akong napatingin sa taong nagsalita.Pabalik balik ang tingin nito sa amin ni JM.

"Anong kaluluwa ang sumapi sa inyong dalawa?"gulat nitong tanong .

Inakbayan naman ito ni JM at kinaltukan."Hindi kami sinapian,"nakangiti itong tumingin sa akin."Diba,Sky?"

"Ewan?,"kabado kong sagot.Tumawa naman si KC at inasar ang kaibigan.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.Nakisabay narin si KC sa amin.Panay ang pabalik balik tingin nito sa amin ni JM  at kapag nahuhuli ko ay ngumingisi ito.

"Sinapian ka ba?"tanong ko ng weirdo itong ngumiti.

"Ayieeeee,"bigla itong tumili."Kakaibang ispiritu tong sumapi sa atin,sana habang buhay na,"saad nito habang tinataas ang kamay.Hinawakan nito ang kamay ko ganun din ang kamay ni JM."Espiritu,pakiusap huwag kang lumayo."dagdag pa nito saka pumikit.

Sabay namin itong kinaltukan at tinawanan.
Kinuhanan din ito ni JM ng pinggan at sabay kaming tatlo ang kumain.

"So, magkaibigan na kayo niyan?"tanong ni KC na nagpatigil sa'kin sa pagkain.Tiningnan ko si JM at nakatingin din ito sa akin,bigla itong ngumiti.

"Yata?"patanong nitong sagot at ngumisi.

"Bakit hindi ka sigurado tol?""pang aasar ni KC.Bumaling ito sa akin,nakataas pa ang isang kilay na para bang tinatanong ako.

"Siguro?"ganun din ang tono ko sa pagsagot.

Umiling iling naman si KC at pabalik balik ang tingin sa amin ni JM."Big deal ba ?"kamot ulo nitong sabi.

Hindi ko alam.Siguro?Sa ngayon ay hindi ko pa talaga masasagot ang katanungang yan.Napatahimik nalang ako at tinapos na ang pagkain.

Hinintay ko nalang ang dalawang matapos .Tahimik lang silang kumakain habang ako ay nililibang ang sarili sa pagtingin tingin sa labas ng bahay na makikita sa bintana.

Tumikhim si KC kaya napabaling ako sa kanila."Ako na ang magliligpit nito,"pagvovolunteer niya."Hintayin niyo nalang ako sa sala,"sabi pa nito kaya tumayo na ako.

Nauna akong tumungo sa sala at sumandal sa sofa.Kumuha ako ng unan at niyakap yakap ito.

Umupo naman si JM sa tabi ko."Okay ka lang?"

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now