CHAPTER 21

11 3 0
                                    

Last period na at hindi nagklase ang subject teacher kaya nagbasa basa nalang ako ng libro.

Kahit maingay ay sinusubukan kong mag concentrate kaysa pansinin tong nasa tabi ko.
Buti nalang at walang gumugulo sa'kin.

Nakakantok naman magbasa kaya isinarado ko na ang libro at inilagay sa ilalim ng mesa.

Sinulyapan ko ang lalaki,nakasubsob ang ulo nito sa mesa,mukhang tulog kaya pala hindi nanggugulo.Humarap ako kay Jenny ngunit abala ito sa cellphone,kaya pala hindi nag iingay.

Umayos nalang ako ng upo at pinagkrus ang kamay sa dibdib.Sumandal ako sa upuan at tumingala sa kisame ,wala namang tanawin kaya pumikit ako.Trip ko lang mag chill ng biglang may pumitik sa noo ko .

"Kainis naman!"reklamo ko ngunit pagmulat ko'y si KC pala."Kailangan mo?"

"Badtrip ah,"kamot ulo nitong sabi.

"Kailangan mo nga?"kalmado kong tanong.

Agad ako nitong hinatak .Hindi na ako nakapagtanggi pa.Hatak hatak niya ako ngayon palabas ng room.Heto na nga kami ngayon sa garden,hindi ko alam kong bakit dito niya 'ko dinala.

May upuang kahoy sa garden kaya umupo ako.
Bigla akong napalingon ng marinig ang sigaw ni KC.Napangiti ako ng mabatid ang rason ng pagsisigaw nito.Tumatalon talon ito sa saya at hindi na napigilang mapayakap sa'kin sa sobrang kasiyahan.

"Congratss!Ipapakilala mo na ba sa'min?"galak kong tanong .

Napaisip ito ."Hindi pa."

"Kayo na diba,kaya dapat ipakilala mo na siya sa'min." Kung mangyari ay maging kaibigan ko ang jowa nito at magkakaroon na ako ng babaeng kaibigan.

Maayos naman si Ferachi sa'kin ngunit hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yun bilang kaibigan .Hindi ako ganun ka komportable sa kaniya kahit na pinagkakatiwalaan ito ni JM,ng kaibigan ko.

"Galit kaba, Sky?".

Taka akong napatingin kay KC.

"Huh?"

"Kanina pa kita kinakausap pero tulala ka hindi mo'ko sinasagot."

"M-may naisip lang ako pero hindi ako galit sa'yo."

"Yan talaga pag inlove."

"Huh?"

Ginulo nito ang buhok ko saka tumakbo paalis.

"Balik kana sa room,pupuntahan ko pa muna si Elle!"sigaw nito sakin habang ngumingiti.

Pabalik na ako sa room,hindi pa ako nakarating sa pintuan ay sinasalubong na ako ng mga tingin ng isang lalaking kaaway ko noon.
Nakasandal ito sa pintuan habang hinaharang ang paa sa daraanan.

"Excuse me po."Nanatili lamang itong nakatingin sa akin,hindi kumikibo kahit nag eexcuse na ako.

"Hello!"Kinawayan ko ito sa mukha ."Nakaharang ka po sa pinto."Pilit ko itong ningitian ng ngiti na para bang baliw ngunit pinag krus lang niya ang kamay sa dibdib.

"Mr. Jonel Mattheio Reyes,excuse me po!"Dahan dahan kong  pagkasabi sa mukha niya.

Sumilay ang ngiti sa labi nito.Parang baliw,bigla bigla nalang niya akong inakbayan papunta sa seat namin.

"Kanina pa kita hinihintay,bakit ngayon ka lang?"Hindi ko gets ang turnilyo ng utak nito.Isa siyang lalaki na lalaking lalaki ngunit ang boses niya ngayon ay mas malambing pa sa babae.

Nagpapababy ba?

"Tampo ako sa'yo."Ngumuso ito na parang bata.Yumuko ito ,huling huli ko ang pagngiti niya.

Napatakip nalang ako ng mukha ko.Natatawa rin ako sa inaasta nito.

Bigla nalang tumawa ang ibang kaklase namin.Kanina pa pala sila nakatingin.

"Tiklop President natin!"

"Ganun ka pala Pres?"

"Pababy hmpp!"

Pulang pula na ngayon si JM.Nakisabay naman ako sa tawa ng mga kaklase namin sapagkat nakakatawa naman talaga ang mukha ni JM ngayon.

But I find him cute.

Oo,cute ng kamatis.

"Hintayin mo'ko!"

Pabuntong hininga akong napatigil.Pinagkrus ko ang aking kamay sa dibdib habang hinihintay ito.Habang minamasdan ko ay pabagal ng pabagal naman ang paglakad nito.Kunwari'y hindi pa ako nito nakikita sapagkat hindi ito tumitingin sa'kin buhat ng nilingon ko ito para hintayin.

Ang akala ko'y nagkukunwari lang ito ngunit hindi pala ito saakin papunta.Napangiwi nalang ako habang lumalakad.Sinampal sampal ko pa ng mahina ang pisnge ko.

"Napaka assuming naman,"mahinang daing ko sa sarili .

Bigla nalang akong nabunggo sa isang maliit na poste ngunit hindi naman ako nakaramdam ng sakit sa noo ko,ngunit may kamay na nakahawak rito.

"Ano bang iniisip mo?Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?"Hindi ko ito sinagot.Inalis ko ang kamay nito na nakahawak sa noo ko at nilampasan.

"Hala,epekto ba yan ng pagkabunggo mo sa poste?"

Hindi ko ito pinansin.

"Hoy!"

Nilingon ko ito ."Hoy ka rin!"

Kita ko ang pagsilay ng ngiti nito kaya agad ko itong tinalikuran.Patuloy parin itong nakasunod sa'kin.

"Nagtatampo ka?"Bigla ako nitong inunahan sa paglalakad  saka hinarangan."Binibiro lang naman kita kanina ,ikaw naman talaga yung tinawag ko."

Nanatili akong walang kibo.

"Hihintayin mo pala talaga ako kapag tinatawag kita,"pilit nitong tinatago ang pag ngiti.

"Ha?"pagmamaang maangan ko.

Umiba ang ekspresyon nito."Ha?"tila naguguluhan rin ito.

"Sinasabi mo?Akala mo ba ikaw yung hinintay ko?"

Ginulo nito ang buhok ko."Magpapalusot kapa talaga."Ngumiti ito saka inakbayan ako.

Pilit kong inaalis ang pagkaakbay nito ngunit binabalik parin niya ito.

Tiningnan ko ito at sinamaan ng tingin."Ginagawa mo'kong tanga eh no?"

Ngumisi ito."Akala ko pinapa-inlove."

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now