CHAPTER 14

13 3 6
                                    

Simula ng dumating si ate Ava ay gumaan ang lahat sa akin.Nakaramdam ulit ako ng pagmamahal ng isang kapamilya.

Pinalipat niya ako sa tinitirhan niya sapagkat mas nakakalapit ito sa pinagtatrabahuhan niya.Nilisan na namin ang bahay na kung saan naging buo kami noon ngunit nawasak rin kalaunan.

Hindi ko inakalang mangyayari ang mga nangyayari ngayon.

Gusto kong tanungin kung paano nangyaring nalayo si ate Ava sa amin ngunit sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras.Ang mahalaga'y bumalik siya,kahit hindi na ulit kami buo.

Walong taon ang agwat naming dalawa. Sixteen na ako at twenty-four naman ito,may trabaho na at stable na sa buhay.Hindi ko pa alam ang kuwento ng buhay niya,hahayaan ko nalang na siya mismo ang mag kuwento sa akin.

Kaybilis lumipas ng mga araw kapag masaya ka ngunit kapag puno ng kalungkutan ay tumatagal.Gaya ngayon,parang hindi alintana ang mga araw sapagkat pasko na.

"Loviee"

'Yan na ang naging tawag sa akin ni ate Ava simula nang tumira ako sa puder niya .

Inilagyan ko muna ng malamig na tubig ang pitchel bago pumunta sa sala.

"Water break po muna ate."

Nilagyan ko ng tubig ang baso at ibinigay ito sa kaniya .Kanina pa ito naglalagay ng palamuti sa bahay.Paskong pasko talaga ang dating nito.

"Malapit na tong matapos,samahan mo'kong lumabas mamaya ha."

"Sige,tutulungan na po kita para madaling matapos to."

Ako ang tagaabot sa kaniya ng palamuti at siya naman ang tagalagay nito.Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang to nagawa sapagkat noon ay Christmas tree lang ang meron at walang palamuting makikita.Hinding hindi mo madadama ang pasko lalo na't lagi naman ako noong nag iisa.

"May Christmas party kayo sa school diba?"

Bigla kong naalala na may exchange gift pala akong dapat bilhin.

"Buti nalang talaga at nagtanong ka ,sa lunes na pala yun ."

Mahina nitong pinitik ang noo ko saka tumawa."Makakalimutin kana talaga."

Nakanguso akong hinila ang kamay nito papasok sa  C.A.A (clothing and accessories) section.

Kasa-kasama ko itong pumipili ng mga damit.
Natatawa nalang ako sapagkat kita ko sa mukha ang pagtataka nito sa kung ano ba talaga ang bibilhin ko.

"Para po sa lalaki ang bibilhin ko ate,kaso parang wala."kamot ulo kong sabi.

"Baliw ka beh,dito tayo oh,"sabay hila nito sa akin habang tinuturo ang "boy clothing section".

Napatawa nalang ako sa sarili ko,kaya pala hindi ako makahanap hanap ng damit na panlalaki eh .

"May bibilhin lang ako sa kabila,babalikan kita dito mamaya,"parang magulang ito kung magsabi sa anak na bibili lang saglit.

"Opo,nay."

"Sige nak."

Sabay kaming napatawa sa trip naming dalawa.

Dalawang damit ang napili ko,isang kulay black at isang white.Puro oversized sapagkat hindi ko alam kung para kanino ito sapagkat  ang nakalagay sa nabunot ko ay "loverboy" .

Tumingin tingin pa ako ng ibang accessories.Bibilhin ko sana ang isang kuwentas kaso may ka couple pala ito.

"Ate,hindi ba puwedeng isa lang ang bibilhin?"tanong ko sa sales lady.

"Ay ma'am,wait lang po,"sandali itong pumunta sa kasama nito at nagtanong.

"Puro naman to pang mag jowa,pano nalang kaming single,"reklamo ng isang lalaki habang nagtitingin din ng mga kuwentas.

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now