CHAPTER 4

12 4 0
                                    

"one,two,three,action!"

Kasalukuyan kaming nagt-taping ngayon dito sa bahay.Nasa part na kami kung saan hihiwalayan na ng babae ang kasintahan nitong lalaki.

"Ang galing mo!Sa loob ng halos isang taon ginawa mo akong tanga!"sigaw ni Jenny habang umiiyak.Totoong totoo talaga ang luha nito,ang galing talaga niya.

Tiningnan naman ito ng masakit ni JM."Kasalanan ko ba kung tanga ka?Kasalanan ko bang mas better siya kesa sa'yo?"Tinulak nito ang babae at natumba talaga ito.Totoong totoo rin ang emosyon nito .

Muling tumayo si Jenny."Oo kasalanan mo!,"sigaw nito habang tinuturo si JM."Dahil sa'yo naging tanga ako,"sinusuntok suntok nito ang dibdib ng lalaki."Ginawa ko ang lahat ngunit hindi parin yun naging sapat para sayo,"Pinunasan nito ang luha gamit ang kamay.Akmang hahawakan na ito ni JM ngunit umatras ito."Ayoko na,pagod na ako,"huling salita nito bago tuluyang nilisan ang lalaki.

"And cut!"Nakangiting saad ni Kurt.

Nagpalakpakan naman kaming lahat ."Ang galing mo talaga Jenny,"pagpupuri namin.

"Ang galing rin ng male lead,"saad ko pa.Tinapik tapik naman ni KC ang balikat ng kaibigan."Ngayon ko lang nalaman,may talent ka palang ganun?"parang sira nitong sabi.

"JM, sorry sa suntok,"naka peace sign na saad ni Jenny.

"Ayos lang,hindi naman masakit,"nakangiting tugon nito.Ang plastik talaga.

Natapos na kami sa pagt-taping,umuwi na rin ang iba maliban sa tatlo.Hinayaan ko na lamang sila sa sala at tumungo naman ako sa banyo para maligo.

Pagkababa ko ay tahimik naman sila at tutok na tutok sa mga cellphone nila.

"Jin,"tawag ko sa lalaki ngunit tatlo sila ang tumingin."Ay,si Jin kayo?"taas kilay kong tanong.

Ngumisi naman si KC ngunit ang kaibigan nito'y walang emosyon akong tiningnan ngunit agad din namang ibinalik ang atensiyon sa cellphone.

Sinenyasan ko si Jin na pumunta sa kinaroroonan ko ngunit nagmamatigas ito.

"Dali na,may ipapakita ako,"pamimilit ko pa ngunit parang tinatamad talaga ito kaya ako nalang ang nag adjust.

Tumabi ako sa kaniya at halos mamatay matay ito sa tawa ng makita ang mga epic pictures kanina.Nakisilip din si KC at halos sumakit din ang tiyan nito kakatawa.Nakakahawa ang tawa nila kaya pati ako ay sumasakit na din ang tiyan kakatawa.Para kaming mga baliw maliban kay JM na parang may sariling mundo.

Gabi na at may dalawang minuto ng nakaalis sila .Umakyat ako sa kwarto at inedit na ang video kanina.

"Sa wakas,natapos ko rin,"inaantok kong tugon .Tiningnan ko ang orasan at alauna na ng umaga.Humiga na ako sa kama,sinend muna ang video sa GC bago natulog.

Habang naglalakad ay rinig na rinig ko na ang ingay ng kapwa ko din estudyante .May nagsisigawan,nag aasaran,may nagmamadaling tapusin ang school works ngunit may naakakuha talaga ng atensiyon ko.

May narinig akong hindi ko sigurado kung tama ba talaga ang napakinggan ko o hindi.May grupo ng mga kababaihang nagtutumpok-tumpokan  na para bang may pinag uusapan.

Tiningnan ko ang ear pods sa bag,buti nalang at nadala ko.Isinuot ko ito sa tenga at nagkunwaring nakikinig ng musika.Umupo ako malapit sa mga kababaihan at palihim na nakikinig .

"So mayaman kana pala ngayon ha?"rinig kong boses ng isang babae."Of course,"mataray na sagot ng tinanong nito.

"Ano nga yun beh,Helyendez,Hermendez?"

Baka Hernandez,pagmumuni muni ko.

"Tanga!Hernandez,"malakas na sagot ng babae.

Hernandez,ka apelyido ko .Anong meron sa Hernandez?Bakit pinag uusapan ?Kahit kinakabahan ay nanatili ako sa kinaroroonan ko at patuloy na nakikinig.

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now