Chapter Thirty-five

52 3 0
                                    


PANAY ang tingin ko sa relo ko at sa pintuan ng classroom namin kanina pa. Halos limang minuto na kasing late si Seven,e. Ang sabi niya kasi kanina ay susunduin niya ako para sa building nila ako mag lunch break pero limang minuto na ang nakakalipas ay wala pa siya. Ayaw naman niya akong papuntahin doon ng ako lang mag-isa dahil ayon sa kaniya, siya na ang pupunta sa akin.

“Nasaan na kaya iyon?”  napapabuntong-hiningang tanong ko sa sarili.

Hindi ko rin naman makakasabay si Nadia dahil pati siya ay hindi pa bumabalik. Ang sabi niya ay may bibilin lang siya sa cafeteria pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Marami kayang tao ngayon doon kaya siya natagalan?

“Escuse me? Nandito po ba si Amethyst Verone Esquivel?” rinig kong ani ng isang masiglang boses na nanggagaling sa pintuan ng classroom namin.

“Oo, ayun siya oh.” sagot ng pamilyar na boses ng isa sa mga kaklase ko.

“Amethyst! May naghahanap sayo.” sigaw ng kaklase ko kaya naman napatingin na ako ron.

Saktong patingin ko naman doon ay ang paglingon din sa akin ng dalawang estudyante. Napakurap-kurap ako habang ino-obserbahan silang dalawa.

Base sa suot nilang uniform ay sigurado akong junior high ang mga ito. Iba kasi ang yari ng palda ng batang babae sa palda namin na pa-skirt style at above the knee lang ang haba na kulay gray at iba rin naman ang kulay ng slacks na suot ng lalaki sa slacks na suot ng mga Senior high. Mas darker kasi ang kulay ng suot ng mga Junior High kaysa sa Senior, e.

Makikita mo talaga ang difference ng dalawa at saka sa polo pa lang halata ng junior sila. Plain na white kasi iyon samantalang ang sa Senior high ay medyo manilaw-nilaw ang kulay ng polo na may kasamang necktie.

“Hayun na siya, Dan!” masayang turan ng isang masiglang boses na rinig kong ikina-asik bahagya ng kasama niya.

“Nakikita ko siya Daphnie. What are you getting so excited about? Parang i-a-abot mo lang iyan, e.” puno ng pagkasarkastiko sa tonong ani ng isang lalaking boses.

“Umayos ka nga! Dapat ay hindi na kita isinama, e. Panira ka.”  inis na panenermknng batang babae sa lalaking kasama niya na halata namang hininito sangayon na pumunta rito.

“Sino ba kasing nagsabing isama mo ako?” hirit naman pabalik ng kasama niya.

“Argh! Nakakainis ka talaga! Isusumbong kita kay Kuya jade!” inis na sambit nung batang babae na ikinalaki naman ng mata ng lalaking kasama niya.

Pinaningkitan siya nito ng mata na matapang namang sinalubong nung batang babae na sa pagkakarinig ko ay Daphnie ang pangalan.

“You wouldn't.” madiing panghahamon ng lalaking kasama ni Daphnie.

Ano nga ulit ang pangalan niya? Tan? Shian? Pan? Ah, Dan! Pandan? Sheesh! Nag-aaway na yung mga bata, Ami! Manonood ka lang?

“Try me then.” panghahamon naman ni Daphnie kay Dan na ikinatitig nito ng seryoso sa kaniya.

Ilang minuto pa silang nagtitigan ron sa pinto habang kami ng mga kaklase ko ay na nonood lang din. Pati sila ay hindi naisip na awatin ang bangayan ng dalawang junior.

“Tsk! Ibigay mo na nga lang iyan ng maka-alis na tayo.” angil ni Dan na ikinangiting tagumpay naman ni Daphnie at saka nagmartiya papalapit sa akin na patayo na sana upang pumagitna sa kanilang dalawa.

May nabubuo na kasing kuryente sa paraan ng pagtitig nila ng nanghahamon sa isa't-isa, e. Balak ko na sanang pumagitna ang kaso lang nagparaya nama na si Dan kaya hindi ko na natuloy.

“Ate Amethyst, hi!” masayang bati nito sa akin ng makalapit sa akin saka ako malawak na nginitian.

“H-hello! Anong maipaglilingkod ko sa inyo?” bati ko rin pabalik saka sila mabait na nginitian.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon