“Don't mention that good for nothing man!” sigaw ni lolo kay Elizabeth. “Wala na siya at sino ka ba? you have your own son.”

“Pero–”

“Shut up woman!”

Nalilito ako, baka nanaginip pa ako.

“Gusto mo bang tumira kay lolo?” tanong ni lolo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Dahil alam kong malungkot pa rin naman ako kahit kunin niya ako at ilayo dito.

Isa pa, nandito ang lahat ng alaala ko kay mommy at daddy.

“Of course you do!”

Why is he doing this right now? kung gusto niya akong tumira sa kanya dapat matagal na diba?

I raised both my hands but I quickly stopped from doing sign language.

“Kung may gusto ka pang dalhin sige, I’ll give you this day to pack your things. Ethan will come here to get you tomorrow morning.”

Wala akong maintindihan kay lolo. Pero wala rin akong nagawa hanggang sa makaalis siya.

“Malas!” sigaw ni Elizabeth pero hindi naman niya ako sinaktan at lumabas lang rin siya ng bahay.

“Kukunin ka na ng lolo mo?” Napalingon ako sa likuran ko at nandito pala si Kuya Kean. Ngayon ko lang rin naalala na it's already summer!

Marami akong gustong itanong sa kanya dahil sa ginagawa ng mommy niya pero mas nangibabaw sa akin ang saya na baka makita ko na ulit ngayon si Crescent.

“Hi Kean's sister!”

His friends are already here but Crescent is not here…

“Hindi raw makakarating si Crescent alam mo naman ating girl, masipag yon, maraming mall shows.”

Natigilan ako sandali nang marinig ko ang sinabi ng isa sa mga kaibigan niya.

“How about Chelsea?”

“Nasa Canada siya ngayon, as a vlogger.”

“Aurora?” Lumingon ako kay Kuya. “Lumalabas ka na naman ng walang suot sa paa. Your feet might get hurt.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Are you looking for someone?” tanong niya nang makarating kami sa loob. Umiling lang ako bilang sagot.

She said she'll come back.

Hindi ko alam kung ano ba dapat iisipin ko ngayon, wala si Crescent. Dumating si lolo at kukunin na ako dito.

Dumiretcho na ako sa taas at hindi pinansin si Kuya. Pagkarating ko ay agad kong kinuha ang phone ko.

Rora: You're not coming?

sent

Huminga ako ng malalim at umupo sa gilid ng kama.

Rora: I have something to share with you.

sent.

She's busy again. Wala pa kasi siyang message kahapon pa at nasa isip ko dahil baka naghahanda siya papunta dito. Pero wala siya ngayon.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid.

Iiwan ko ba talaga ang bahay na ‘to? at sasama kay lolo?

Hindi ko alam pero parang mas gusto kong manatili dito.

I paint with my emotions for today hanggang sa naabutan ako ng gabi at nakaramdam ng pagod.

Nakita ko rin ang mga iniwang pagkain nila yaya na hinanda nila para sa akin. Nakalimutan kong kainin ang almusal at tanghalian ko. Hindi ko man lang sila napansin.

Nakarinig ako ng busena at sumulip ako sa bintana. Aalis na naman sila kuya. Kahit man lang dito sa probinsya namin hindi ako makapaglibot.

Niligpit ko na ang mga gamit ko then I took a shower. Nang matapos ako ay napansin kong kinuha na ang almusal at tanghalian ko. All that is left is my dinner.

I’m hungry now.

Napaigtad ako sa gulat at napalingon sa bintana ko. I halted when I saw Crescent outside on my window ledge!

Natulala ako sandali at naghanap sa paligid kung ano ang gagawin ko. Naalala ko tuloy nong una siyang bumisita dito.

Nakita ko siyang kumaway.

Is she for real? Totoo ba siya? O baka masiyado ko siyang iniisip.

I slowly opened the window for her. Humakbang ako paatras at tumalon siya papunta dito sa loob.

Hi, long time no see, she said using her hands.

Do you still remember me? I asked and placed my palm upward near my forehead.

“Of course,” sagot niya. “Aurora.”

Pakiramdam ko ay nag-init ang magkabilang pisngi ko nang tawagin niya ang pangalan ko. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

Isang taon na ang lumipas malaki ang pinagbago niya. Mas lalo siyang gumanda. Her hair is now gray.

Umupo siya sa gilid ng higaan ko at tinitigan lang ako habang nakatayo sa harapan niya.

And there's something different with her smile, she used to smile so brightly now it's cold, distant and insincere.

May mga gusto pa naman akong sabihin.

Are you okay? I asked using my hands.

“No.”

Why?

“I’m just tired…how are you? kumusta ka na? you still paint huh… pagaling ng pagaling ka yata,” sabi niya habang inililibot ang tingin sa kwarto ko.

Wala naman akong magagawa kung malungkot siya.

“Ah…Rora…”

Tumingin ako sa kanya at itinaas ang isang kilay ko. Humawak siya sa batok niya at umiwas ng tingin.

“Can…Can I…”

Kumunot ang noo ko dahil bakit hindi siya makatingin sa akin at hindi siya makapagsalita ng maayos?

“Can I see your…”

Napansin ko ang pagtingin niya sa dibdib ko.

“Your chest.”

I froze at what she said and I’m only wearing a nightgown the same gown I wore the night when I first met her, hindi kasi ako nakapaghanda dahil akala ko hindi na siya dadating.

Pero…teka, ano?!

The Silent Canvas (GL)Where stories live. Discover now