Chapter 14

62 38 0
                                    

Pailey.

"Lika na pasok na tayo" hinila ako papasok ni Blossom sa gymnasium dun kasi gaganapin ang masquerade ball total malaki naman yun.

Pagpasok namin andaming nakatingin samin, lahat kami nakasuot ng maskara.

Pinagupitan ko yung buhok ko pero konti lang, medyo kinulot ng konti at may bangs. Sabi kasi sakin ni Blossom bagay daw sakin yung may bangs. Ewan ko dun trip ata ako, eh.

"Is she new here? Hindi kasi siya familiar." dinig kung bulong nung isang babae na nasa gilid lang namin.

Hinahanap ko sa paningin ko sila Kuya Dylan baka nakarating na sila. Hindi kasi ako nagpaalam kanina na aalis ako ng maaga. Baka magalit yun sakin at isumbong ako kay Mommy.

"Maybe. Bagay sa kanya yung suot niya. She looks arrogant and gorgeous."

May waiter na huminto sa harap namin at nag offer ng drinks. Kinuha ni Blossom yung dalawang baso ng red wine at binigay sakin ang isa.

"Here," sabi nito. "sinong hinahanap mo? Para kang giraffe dyan dahil nanghahaba 'yang leeg mo. Para kang kinakaliwa ng asawa." tiningnan ko siya ng masama kaso umiwas lang ng tingin yung loka at ininom yung hawak niyang wine.

Ngayon lang naman kami iinom nito kaya susulitin na namin.

"Oh my god! Nandyan na si Dylan Ramirez!" napalingon ako dun sa nagsalita and nakita ko si Kuya Dylan na papasok ng gymnasium kasunod niya lang nito sila Kuya Darren.

Bagay sa kanila iyong suot nilang tuxedo lalo na si Kuya Darren. Pero hindi ko maiwasan mapatingin kay Kuya Dylan mas lalong lumatand ang pagiging gwapo niya dahil sa suot nito.

"Hoy!" lumingon ako sa gawi ni Blossom na nakatingin kanila Kuya Dylan.

"Bakit?" tanong ko.

"Alam ko na kung sino ang hinahanap mo." ngumisi siya ng nakakaloko sakin sabay nguso sa direksyon nila Kuya Dylan. Pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Hell no!" sabi ko at umiwas sa kanya ng tingin.

"Ay chos, Cass!" sabi niya at siniko ako sa tagiliran pero mahina lang naman.

"Hindi nga, baliw 'to!" may dumaan na waiter at nilagay ko yung baso ko na wala ng laman at kumuha pa ng dalawa. Bakit nakakaadik 'tong wine?

Nilagok ko na ito ng may nagsalita mula sa likod ko.

"Hey, Cass!" nakita ko si Kuya Asher na nakangiti sakin.

"Uh... Kuya Asher, ikaw pala." pasimple kong pinunasan iyong bibig ko. "Paano mo ako nakilala eh, may suot akong mask?" tanong ko.

Tumawa siya ng mahina tsaka nilagay ang isang kamay sa bulsa habang yung isa may hawak na wine.

"Wala hinulaan ko lang na baka ikaw." ngumiti ako sa kanya.

"Uy, Asher, kung saan-saan ka nagsusuot gago k–" napatigil siya sa pagsasalita ng makita ako.

"Cassy?" sambit niya.

"Yes?" sabi ko

"Ikaw ba yan? Hmm..." sinuri niya ng maigi yung kabuuan ko. Manyakis! syempre joke lang. "Not bad, nagmukha kang tao!" What? So, ano ako sa palagay niya unggoy ako? Aba loko pala 'to eh.

"Don't be so rude, men! She's beautiful, right?" pang-aasar ni Kuya Asher, hindi siya makasagot kaya naman siniko siya ni Kuya Asher. "Hoy, i'm talking to you, tol!" nag iwas siya ng tingin at nagda-dalawang isip sa sasabihin niya.

ME AND MY FOUR EVIL KUYA'S (UNDER REVISION-SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now