Chapter 9

100 55 0
                                    

Pailey.


Nasa cafeteria kami ni Blossom habang nag-uusap tungkol sa Painting Contest na gaganapin sa school. Nag-iisip pa kami kung ano yung ipa-paint namin. Kaming dalawa kasi ni Blossom ang napili nila Miss December dahil sabi nila may potential naman daw kami sa pagpa-paint at tsaka may tiwala din daw sila sa amin. Gusto nga sana naming tumanggi pero ayaw naman namin madismaya si Miss December kaya pumayag nalang kami.

"May naisip ka na ba kung anong ipa-paint natin?" napatingin naman ako kay Blossom nang magsalita ito.

Abala siya sa pagkain nung inorder niya habang ako ay umiinom lang ng juice. Wala akong gana kumain, eh.

"Wala nga din akong maisip na pwedeng i-paint. Kanina pa ako nag-iisip pero walang pumapasok sa utak ko," sabi ko sa kanya.

"Ano balita?" tumaas naman ang kilay ko dahil sa tanong ni Blossom.

"Balita saan?" tanong ko naman sa kanya pabalik.

"May ginawa ba yung apat sayo? Si Dylan? May ginawa na naman bang kabalastugan?" lumingo-lingo ako sa kanya.

"Maaga silang umalis kanina, nakakapagtaka nga, eh." sabi ko naman sa kanya.

"Speaking of the devil," napaangat naman ako ng tingin sa tinitignan ni Blossom. Sila Kuya Dylan pala iyon, nagtilian ang ibang estudyante nung makita sila.

"Ang gwapo talaga ng mga Ramirez!" dinig kong sabi nung isa.

"Dylan! Anakan moko!" sigaw naman din nung isa.

"Darren, my babes!" napapailing nalang ako sa kanila.

Alam ba ng mga magulang nila iyong ginawa nila sa school? Maka-sigaw akala mo kung ano na. Geez!

Napatingin naman ako dun sa apat na kolokoy. Feel na feel naman talaga nilang pinagtitilian sila ng lahat eh, no? Kung alam lang talaga ng humahanga sa kanila kung gaano sila ka-bully. Kulang na nga lang isumpa ako ng mga 'yan, eh.

Nakatingin lang ako kanila Kuya Dylan nang biglang bumaling ang tingin nito sa direksyon ko. Walang emosyon ang mga mata nitong nakatitig sakin, ilang minuto lang iyon at agad din nitong binawa ang tingin at tsaka umupo na sila kung nasaan sila Elixir.

Napansin ko na madaming estudyante ang lumapit sa kanila para magbigay ng kung ano-ano. Sayang pinapaaral ng mga magulang nila sa kanila. Iniwas ko nalang yung tingin ko at nagpatuloy na kami sa pag-uusap ni Blossom.

Nakatunganga ako habang nakatingin sa labas ng bintana. May idea na kami ni Blossom kung anong ipi-pinta namin, nag suggest nga din siya sakin na doon nalang sa bahay nila kami gagawa mamaya nun dahil may mga gamit siya sa pagpa-paint pero dadaan pa din kami sa store dahil bibili kami ng panibagong brush. Tinapon na niya kasi yung ibang paint brush dahil masyado na daw luma.

Natapos yung pang-huling subject ay sinundo kami ng Kuya ni Blossom. Mag kasing edad lang yung Kuya ni Blossom at si Kuya Dylan kaso sa ibang school nag-aaral yun, eh.

"Ilagay mo nalang dyan yung bag mo, Cass." sabi nito sakin at tinuro iyong sofa doon sa loob ng kwarto niya. "Magpapalit muna ako pambahay ha?" tumango lang ako bilang sagot kaya pumasok na siya sa loob ng banyo niya.

Nilibot ko muna yung buong paningin ko sa kwarto ni Blossom. Wala pa ding ipinagbago, ganoon pa din medyo lumiwanag lang ng konti dahil siguro sa bago yung pintura. Napadako naman ang tingin ko sa may drawer niya, napangiti ako ng makita ko yung picture naming dalawa na kinuhanan nung birthday niya. Ang swerte ko talaga kasi siya yung naging bestfriend ko at wala na akong ibang hihilingan pa.

"Magbihis ka nalang din kaya?" napalingon ako sa kalalabas lang ni Blossom galing sa banyo.

"I don't have an extra tshirt," sagot ko naman sa kanya.

ME AND MY FOUR EVIL KUYA'S (UNDER REVISION-SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now