Chapter 13

59 37 0
                                    

Darren.

Kanina ko pa tinatawagan si Dylan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Inutusan kasi ako ni daddy na tawagan siya at kamustahin silang dalawa ni Pailey. Napanood kasi namin sa news na may bagyo daw ngayon sa Manila.

"Answer the phone!" sabi ko habang nagpaikot-ikot sa paglalakad.

Makailang ulit ko na siyang tinawagan at sa pang-huli kong tawag ay tsaka niya sinagot.

"Goodness, bro! Bakit ang tagal mong sagutin?" tanong ko kaagad sa kanya pagkasagot niya ng tawag.

"Pasensya na bigla kasing nawala iyong kuryente dito. Hinahanap ko pa yung flashlight." sagot naman nito sa kabilang linya.

"Kinakamusta kayo ni Dad. Nasaan si Pailey?"

"H-Ha?" sabi nito.

"Sabi ko, nasaan si pailey?" ulit ko.

"Malay ko ba." sagot naman nito.

Anak ng tokwang sagot 'yan.

"Siraulo ka! Check mo nga sa kwarto niya."

"Maayos lang yun. Mukhang natutulog na ata." yun nalang ang tangi niyang sinabi at napatango-tango na lamang ako.

"Oh, sige. I'll call you back, later." kumakatok na kasi si Asher sa pinto. Pinatay ko na ang tawag at pinasok na sa loob ng bulsa.

"Palabas na!" sabi ko.

Nag check in muna kami sa hotel nila Tito Adrian. Lumabas na ako at naglakad na patungong elevator. Pero bago pa man ako makarating sa elevator ay may nabangga akong babae at nahulog iyong mga dala niya.

"Oh– i'm sorry." sabi ko at tinulungan siyang kunin yung mga dala niya.

"Nah, It's okay." sabi nito, binigay ko na sa kanya yung mga dala-dala niya.

"Hindi kita nakita." ngumiti lang ito at yumuko tsaka umalis na. Tinignan ko lang siya habang naglakad papalayo.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungong elevator.




Pailey.


"Umagang-umaga nakatulala ka dyan. Problema mo?" tanong sakin ni Blossom at tsaka umupo ito sa tabi ko at nilabas ang kanyang laptop mula sa kanyang bag.

"Wala." bored kung sabi sa kanya, sumandal ako sa upuan at nag cross arms.

"Wala daw? Wag ako, Cass. Alam kung meron, c'mon sabihin mo, I'm willing to listen." tinabi niya muna yung laptop niya tsaka tumingin sa akin.

"Aish, wala nga sabi, baliw 'to." nagkamot ako ng ulo at inirapan siya.

Andito kami sa Canteen habang nakatingin sa labas. Madaming dumadaan na mga students at nagkalat pa sa buong campus yung mga may jowa.

"Mabuti pa sila no, may boyfriend? samantalang ako wala kahit ni isa." hindi ko alam na nakatingin din pala siya sa labas.

Bumalik ulit sa isipan ko yung nangyari kagabi. Ano ba yan! Tama na utak, please! Hindi na nga ako nakatulog ng maayos kagabi.

"Gala tayo." sabi ko kay Blossom.

"Huh? Pinayagan ka na ba nila Tita gumala?" tanong naman niya sakin, umiling ako.

"Don't worry kasama ko naman yung isang bodyguard, eh. Tsaka papayag naman si Mommy gumala ako kapag kasama ko yung bodyguard ko." tumango-tango siya.

Inayos na namin yung mga gamit namin tsaka lumabas ng canteen. Half day lang kase may teachers meeting ulit. Syempre happy yung mga students kase wala masyadong klase nagpa-plano kase sila for the upcoming masquerade ball na gaganapin this Saturday.

ME AND MY FOUR EVIL KUYA'S (UNDER REVISION-SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon