Chapter 12

45 35 0
                                    

Darren.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Masama sayo ang magpuyat." sabi ko kay Pailey ng madatnan ko siya.

Galing ako sa labas, bumili lang ako ng ilang kakailanganin tsaka pagkain at tubig. Naubos kasi yung pagkain na dinala ko, inubos nila Alex. Naiwan si Asher dito pero tulog naman ang mokong.

May mini-sofa kasi dito sa hospital na pwedeng gawing higaan. Nilapag ko sa mesa ang mga pinamili ko at nilabas sa supot.

"Ano yang binili mo, Kuya?" napalingon ako kay Pailey. Umupo ito paharap sakin habang nakatingin sa mga pinamili ko.

"Nagugutom ka ba?" tanong ko sa kanya.

Tumango-tango ito na animoy bata.

"Alright." kinuha ko yung pagkain na binili ko sa jollibee. Alam kong magugutom siya dahil hindi siya kumain ng tanghalian at hapunan.

Inayos ko muna iyon tsaka bago ko ibigay sa kanya.

"Eat well." sabi ko. Sinimulan na niyang lantakan yung pagkain. Napangiwi ako dahil sa sobrang lakas niyang kumain, ibang klase.

Kinuha ko yung tubig na binili ko ng bigla siyang mabulunan.

"Dahan-dahan kasi sa pagkain." sabi ko.

"Asdfghk" hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

"Don't talk while your mouth is full." sabi ko, uminom siya ng tubig pagkatapos at ngumiti sakin.

"Sorry.." mahina nitong sabi at tsaka pasimpleng ngumiti. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain siya, ilang araw na din siya dito sa hospital. Pero sinabi naman sa amin ng doctor na baka sa susunod na araw ay makakalabas na siya.

Pagkatapos niyang kumain ay niligpit ko na yung pinagkainan niya. Ginising ko na din si Asher para makakain, bibisita ulit sila mommy bukas.

"Kuya Darren, pwede ka naman pong umuwi. Kaya ko na sarili ko." biglang sabi ni Pailey kaya naman napalingon ako sa gawi niya.

"Hindi mo pa kaya. Baka nakakalimutan mong hindi ka pa pwedeng maglakad? Hindi pa magaling 'yang paa." sabi ko naman at tinuro yung paa niya na may benda.

"Ay oo nga pala," ngumiwi lang ang mukha nito na ikinatawa ko ng mahina. Ang kulit.

In-on niya yung TV at nanood. Napatingin ako sa wrist watch ko, mag aalas onse na pala ng gabi.

"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko sa kanya. Medyo inaantok na din kasi ako.

"Hindi pa. Gusto mo ba matulog? Tulog ka lang dyan, nandyan naman si Kuya Asher."

"Oo naman, tol." sabi ni Asher habang nakaupo sa sofa.

Hindi na ako sumagot pa at sumandal sa pader tsaka ipinikit ang mata ko.

Sobrang nakakapagod pala dito sa hospital. Sumakit paa ko kakalakad patungo sa botika kanina dahil may binili akong gamot na kakailangan ni Pailey. At tsaka, bukas pa babalik sila Dylan dito.

Minulat ko ang mga mata ko at lumingon ulit ako sa gawi ni Pailey, abala ito sa panonood ng tv. Napangiti nalang ako, makapagpahinga na nga lang.




Pailey.



Hindi ko namalayan yung oras dahil nag enjoy ako sa panonood ng tv. Tsaka lumabas saglit si Kuya Asher dahil may bibilhin daw siya, pinatay ko na din iyong tv ng makaramdam ako ng antok. Pinatong ko yung remote sa mesa na katabi ng kama ko at tsaka napadako naman ang tingin ko kay Kuya Darren na mahimbing ng natutulog sa sofa. Nakaupo lang siya habang naka-cross arms at nakapatong yung ulo niya sa head rest ng sofa. Kaagad ko naman hinahanap yung cellphone ko, inutusan ko kasi si Kuya Darren na dalhin yung cellphone ko dahil nabo-bored na ako dito sa hospital.

ME AND MY FOUR EVIL KUYA'S (UNDER REVISION-SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now