Chapter 7

76 75 0
                                    

Pailey.

Lumabas ako ng kwarto ko at hinanap kaagad ng mga mata ko ang hinayupak na walang modo maliit utak na isip bata na gagong yun. Pero hindi ko sila mahagilap dito sa may sala kaya pumunta ako sa pool area at huli ka balbon, madami silang mga kasama. Mukhang mga kaibigan ata nila dahil namumukhaan ko yung iba sa kanila dahil ito yung mga kasama niya nung nasa canteen sila. May mga babae pa silang kasama na nakasuot ng two piece.

Tumigil ako saglit at hinanap si Kuya Dylan, ikinuyom ko yung kamao ko at naglakad sa direksyon kung nasaan siya.

Lagot ka sakin!

"DYLAN PHOENIX RAMIREZ!" sigaw ko, napalingon silang lahat sakin at walang sabi-sabing tinadyakan ko siya dahilan para mahulog siya sa swimming pool.

Napasinghap ang mga kasama niya sa ginawa kong pag tadyak sa kanya. At pati ang mga babaeng kasama nila ay nagbubulungan at ang sama pa ng tingin sakin.

Bagay lang sa kanya yun!

"What the fuck, Cassy!" gulat niyang bigkas.  Tumayo siya at hinilamos ang sariling mga kamay sa basa nitong buhok.

"Gago kaba talaga?!" sigaw ko sa kanya.

"Ano na naman bang kasalanan ko, ha?!" galit na galit yung mukha niya habang nakatingin sakin.

"ALAM MO, NAGTITIMPI LANG AKO SA MGA SINASABI MO SAKIN. LALO NA YUNG PANGTRI-TRIP NA GINAGAWA NIYO SAKIN. ANONG AKALA NIYO SAKIN BOBO? ABA, KUNG GANYAN NAMAN PALA ANG GUSTO MO, EH DI SIGE HINDI KITA UURUNGAN! KAHIT PA PAGALITAN AKO NI MOMMY WALA AKONG PAKIALAM DAHIL KAYO NAMAN YUNG NAUNA!" hindi ko na na-kontrol ang sarili ko. Sumusobra na kasi siya, hindi ko naman hahayaan na pagtripan nila ako lagi.

"Tapos ka na?!" sarkastiko niyang tanong sakin at tsaka umahon sa tubig at lumapit sakin. Hinawakan niya ako sa braso ng sobrang higpit, masakit yung pagkakahawak niya pero di ko pinahalata.

Buong tapang ko siyang hinarap.

"Nakakatawa ka naman, Cassy. Pilit mo pa ding pinagsiksikan yung sarili mo dito sa Mansion kahit hindi ka welcome. What do you want? Car? Beautiful Dresses? Phone? Jewelries? What else? Ibibigay ko! Basta't magbalot-balot ka na kung ayaw mong ako mismo ang kakaladkad sayo palabas ng gate!" nanggagalaiting niyang sabi.

Nasa amin ang buong atensyon ng lahat, kahit isa ay walang gustong umawat.

"Kuya Dylan, that's enough! Nakakahiya sa mga bisita natin!" dinig kung sabi ni Kuya Alexander.

Tinignan niya lamang ito ng masama at tsaka muling binalik ang tingin sakin.

"Shut up, Alex!" mas lalo pa nitong hinigpitan yung pagkakahawak sakin at kahit sobrang sakit na ng braso ko pinipilit kung wag siyang makahalata na nasasaktan na ako. "She should be the one to get embarassed. Pilit niya pa ding ipinagsiksikan yung sarili niya dito. So, that only means, mukha kang pera kaya hindi mo magawa-gawang umalis, diba? Diba?!"

Buong lakas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at sinampal siya ng sobrang lakas sa mukha. Napasinghap ang lahat dahil sa ginawa ko. Napaharap sa tagiliran si Kuya Dylan at napahawak sa gilid ng labi niya. May nakita akong maliit na likido roon, humarap ito sakin at doon ko lang napagtanto na napalakas nga yata yung pagsampal ko dahil dumugo iyong gilid ng labi niya. Hindi naman siya masasampal kung matuto lang sana siyang mag preno ng bibig niya.

"Damn!" mura nito at akmang lalapit sakin nang magsalita si Kuya Darren sa gilid.

"That's enough. Dylan, nakakahiya sa ibang kaibigan natin. Dito pa talaga kayo nag-aaway?" tanong nito sa kanya.

"So? Wala akong pakialam, nandidilim ang paningin ko sa babaeng 'to!" sabi nito at tinuro pa ako.

"Hindi mo naman matatanggap 'yan kung hindi lang pasmado 'yang bibig mo! Ilang beses ko na bang sinabi sayo, diba? Wala kang karapatan na paalisin ako dito. Katulad mo, anak din ako nila Mommy at kahit pa ipagtulakan mo pa hinding-hindi moko mapapaalis dito, kayong apat! Sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo uurungan, lalo ka na!" pagkasabi ko nun ay tinignan ko mula ulo hanggang paa si Kuya Dylan bago sila tinalikuran at nagtungo sa kwarto ko.

ME AND MY FOUR EVIL KUYA'S (UNDER REVISION-SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now