CHAPTER 39: POLICE STATION

4.6K 212 5
                                    

Quinn's POV

"Ma'am, mahirap po talagang makita kapag ganito karami yung tao." Saad ng staff ng amusement park.

Nandito kami sa headquarters nila kung saan makikita ang monitor ng CCTV. We are asking for a review around the time that Atarah went missing. Marami na rin akong pinadalang tao para maghanap dito sa amusement park pero hanggang ngayon wala parin kaming balita.

"Pa-check lang ulit please. Baka nakaligtaan lang natin." Pakiusap ko rito.

"Ma'am, ilang beses na po nating-"

"Just do it again, Sir. Please." Savi said with gentle yet authoritative tone. She's standing at my side, holding onto my arm for support.

"Sige," sukong wika ng staff.

For the last time, he reviewed the CCTV. Bumalik siya ng halos dalawang oras. That means Atarah is missing for two hours. Tila pareho na kaming nababaliw ni Savi. Nagkakaroon na rin ako ng kutob na hindi lang basta naligaw si Atarah. She's a smart kid. Hindi 'yon bastang mawawala.

"There, there," turo ko sa monitor. "Can you rewind that part?" I asked. Sa exit ito ng amusement park. May isang bata ang pilit nagpupumiglas sa pagkaka-karga ng isang lalaking nakasuot ng cap at facemask.

The staff rewinded the footage then paused it when we can see the face of the kid. Hindi nga ako nagkamali. It was Atarah.

"That's her. That's our daughter, Rae." Napahawak si Savi sa braso ko. I glanced at her and nod. Different emotions are lurking in her eyes.

"Let me just call them." Paalam ko saka nag-dial. I called all my people to tell them to stop searching the amusement park. Nakaalis na sila. Sa labas na kami maghahanap.

"What should we do?" Nanginginig na tanong ni Savi pagkatapos ng tawag.

"Let's go to the police station."

...

We went to the police station. Hindi ko binitawan ang kamay ni Savi kahit kausap na namin ang isang police officer. They are reviewing the CCTV footage we gave them.

"Mahirap pong i-identify ang suspect, ma'am." Pahayag nito. Naiintindihan ko 'yon dahil mataas ang angle ng CCTV. "Wala pa ba kayong natatanggap na tawag simula nang mawala ang anak niyo?"

Savi and I glanced at each other then shook our head.

"Are you saying this could be a kidnap for ransom?" Tanong ko nang marealize ang gustong sabihin ng police.

"It could be, ma'am." He answered. "I know both of you. Galing kayo sa mayayamang pamilya." He added.

Savi squeezed my hand. I caress her's using my thumb. Kidnap for ransom is no joke. Buhay ng anak ko ang nakasalalay doon. Buhay ng anak namin ni Savi.

"W-What should we do now?" Savi's voice cracked. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa'min ng pulis.

"Dito lang muna kayo hangga't maari, ma'am. Just incase the suspect call, maa-assist namin agad kayo. Magpapadala na rin kami ng mga tao malapit sa amusement park para mag-imbestiga. Makipagtulungan lang po kayo sa'min." Mahabang pahayag ng pulis.

I can't just stay here doing nothing while my child is missing but the police officer has a point. If the kidnapper called, the least thing we want to do is trigger them. We should stay here to be guided.

"We should stay." Baling ko kay Savi na hindi parin maipinta ang mukha.

She let go of my hand then stood up. Naglakad siya palayo kaya sumunod ako. Lumabas siya ng police station. She's covering her mouth and is walking back and forth.

Trapped [RWS #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon