5 (Crush)

3.1K 93 1
                                    


"Come on let's dance more." yaya ni Elle ang make up artist ko na babae. Sama sama kaming nagsasayaw nila Shane at ng iba pang staff sa gitna. Nakainom na din kami pero di naman ganoon karami. I never done this before but Chantal's body is so used to this. She is a party goer.

" I'm kinda tired e. Balik lang ako sa table. Papahinga lang ako saglit."
Agad namang humawak si Shane sa braso ko.

"Sama ako, pagod na rin ako."

"Ano ba 'yan. Sige na nga basta balik  kayo mamaya ha." Medyo lasing na sya pero di naman ako ganong nag aalala dahil kasama nya naman ang long time boyfriend nya sa gitna.

Pagkabalik namin sa aming table ay tumayo ang dalwa naming kasamahan na nagmemake out lang kanina.

" Magpapahinga ba kayo? Uupo lang kami sa bonfire." Ngumiti lang kami at nagpaalam sa kanila. All in all ay nasa 15 kaming lahat kasama na lahat mg staff. 7 babae at 4 gays and 4 na lalaki. Naging malapit kaming lahat dahil di naman sila mahirap pakisamahan.

7 pm pa naman kasi ang sched ko bukas para magjudge sa isang fashion competition kaya ok lang na magsaya kami.

" Nakakapagod. "Reklamo naming dalwa. May mga lumalapit din kasi sa aming mga lalaki kanina at sinasayawan kami and nakakapagod tumanggi.

Maya-maya ay may lumapit sa aming apat na lalaki. Mukha namang di sila lasing.

"Miss, ikaw ba si Chantal? Ikaw ba yung model ng sikat na magazine?"
I nodded at them. They seem harmless naman and if they are to do bad things madami namang bouncer sa paligid.

"Wow. Ikaw nga! crush na crush ka ng kaibigan namin." agad naman syang siniko ng isang lalaki at bahagya silang nagtawanan.

"Sorry where are my manners. My name is Kio." maputi sya at kulot ang buhok halos magkasingtangkad siguro kami.

"I am Tristan." Payak na sabi ng isang lalaking nakasalamin.

"I am Neil and may I know the name of the gorgeous lady beside you?"
Tiningnan ko si Shane at medyo natatawa sya, mukhang ok lang naman din sya sa presensya nila.

"My name is Shane and stop with the flattery. That won't work on me." umakto naman syang nasaktan at hinawakan ang dibdib.

"Ouch, but I'm serious."Tiningnan ko naman ang lalaking kinakantwayan nila kanina dahil mukhang nahihiya sya.

" Ano na pre? Akala ko ba maghahi ka sa kanya? " pang aasar ulit ni Kio.

" Natameme na sa crush nya. " dagdag ni Neil.

" Stop you two. Magbibirthday yan 'wag nyo ganyanin." sinamaan naman nya ng tingin ang tatlo.

"Hi I am Radon. It's nice to finally meet you." inabot ko naman ang kamay nya at marahan tong inalog.

"Nice to meet you too." ngumiti naman sya habang nakatingin pa rin sakin. He's very good looking. He has a tan skin and his muscle is showing from his shirt. Matangkad din sya and he has a small mole under his lips na nagpapaganda lalo sa ngiti nya.

"Can we join you? If ok lang naman."
Tumingin ako kay Shane and tumango lang sya.

"Can I sit beside you?" He shyly asked. Wow he's exactly my type. Tall, dark and handsome na mabait.

"Of course." umisod ako ng kaonte. Si Neil naman ay tumabi kay Shane habang yung dalwa pa nilang kasama ay magkatabi sa kabilang sofa. Nung una ay medyo awkward kami pero habang nagtagal ay naging natural na lang pag uusap namin. Tumatagay din sila pero kaonte lamang.

"So what do you do for a living Mister?"
He sipped a drink and answer me.

"I'm a civil engineer." wow type na type ko na talaga sya.

"Nako Miss, Haciendero din yan madami lupain yan sa Quezon kaya pag nagkatuluyan kayo di ka na lugi." Napatawa naman ako dahil full support talaga mga kaibigan nya.

"What brings you here pala Miss Chantal?"

"Wag ka na masyadong pormal. Chantal na lang. May photoshoot kasi ako dito and nagkayayaan lang kami magclub. What about you? "

"Okay, Chantal you can call me by my name too. Like they said magcecelebrate ako ng birthday maya maya. "
I look at my watch and saktong 12 am na.

"Happy birthday Radon!" I said as I smile at him natigilan naman sya at bahagyang umawang ang bibig.

"Hey are you ok?" ngumiti naman sya sakin.

"Of course, I am more than ok. To think na ikaw pa ang unang bumati sakin buo na araw ko." i wanna pinch him he is so cute.

"Uy bro 12am na pala happy birthday. Siguradong happy ka talaga." sunod sunod syang binati ng kaibigan nya maging na din si Shane.

"Pwede ba tayong lahat magpicture? Remembrance lang." tumango naman ako at nagsimula kaming magtake ng ilang groupie.

"Can I have a picture with you? If it's all right." He shyly asked. this birthday boy is so cute. I really wanna pinch him.

"Of course." I lean over him a bit and his tropa started taking picture of us.

Maya maya pa ay dumating ang iba naming kasamahang naiwan sa gitna kanina. We took a group picture again ng magpakilala sila sa isat isa.

Nagpahinga lang ang iba naming kasamahan at makalipas ang kalahating oras ay bumalik ulit sila sa gitna habang kami ay nagpaiwan sa table kasama sila.

"Can I message you on social media?"

"Of course! Send mo na lang din sa aking ig ang mga pictures." tumango sya at nagkwentuhan lang ulit kami. Hindi sya  nawawalan ng sasabihin and he doesn't make me feel bored.

"Let's dance?" alok ka sa kanila dahil ayaw ko na uminom.

"Tara!" tumayo kami at sama samang pumunta sa gitna. We face each other and dance to the beat. He's never touchy, di nya pinagsasamantahalan ang pagkatipsy ko ganoon din ang kasama ni Shane.

Bandang alas tres na ng bumalik kami sa hotel na tinutuluyan namin. Hinatid nila kami and it's a good thing na wala talaga silang masamang intensyon. They are all pretty well off too. Kio is a dentist. Tristan is a lawyer. Neil is a chemical engr. 

Nang tumigil kami sa entrance ay nagpaalam na sila sa amin. I smile and hug Radon. I really enjoyed their company.

"Thank you and Happy birthday again."
Bahagyang namula ang tenga nya.

"No need to thank me because I am the thankful one. Thank you, Chantal."
Kinantyawan ulit sya ng tropa nya. We bid each other good bye and we head back to our room.

Twisted Reincarnation Kde žijí příběhy. Začni objevovat