Chapter 22

153 1 1
                                    

Sa harapan pa lamang ng NEUST Sumacab ay may ilan ng nagtitinda ng mga bouquet of flowers, kaya naman langhap sa hangin ang halimuyak nito. Ganoon pa man marami rin bulaklak at iba pa na mga paandar ang gawa sa nauuso sa na crochet.

"Happy Valentine's, Reigna!" Nangingiti ako na tinanggap ang yellow tulips crochet at isang box ng kitkat kay Marielle. Sadyang hinintay niya na talaga ako dito sa waiting shed na nasa dulo lamang ng overpass.

"Thank you, Marielle. Happy Valentine's din. Mayroon din akong ibibigay sa iyo!" Tatanggalin ko na sana sa aking balikat ang aking bag ng pigilan niya ako.

"Mamaya mo na ibigay kapag nasa loob na tayo ng campus. Mamaya niyan may mapadaan na bitter ngayon tapos maitulak pa tayo rito ng wala sa oras."

"Sira ka talaga! Oh siya sige, mamaya na lang." Kaagad din naman siyang nagsalita muli. Nagtaka pa ako sa klase ng tingin niya sa akin.

"Anong kulay 'to?" Hinawakan niya ang laylayan ng aking suot na t-shirt.

"Ha? Kulay ng pink hindi mo alam?" Tinawanan ko pa siya.

"Malamang alam ko, Reigna. Ibig ko sabihin bakit hindi ka rin nagpula katulad ko?" Naguguluhan akong napatingin sa kaniya.

"Bakit naman ako magpu-pula? In love ba ako? Hindi naman. Para lang iyan sa mga umiibig sa tao na buhay pa." Naging mahina na ang aking boses sa huling mga salita na aking sinabi. Mahina niya akong siniko.

"Araw ng mga puso ngayon, Reigna ah. Hindi araw ng mga patay."

"Oo na lang. Sakay na tayo tribike?" Tumango siya sa akin kaya naman para hindi kami maunahan ay tinakbo na namin ang natitira na pagitan para makasakay pa sa natitira na tribike na naghihintay ng sakay, ngunit naunahan din kami ng apat na engineering students.

"Ano ba 'yan! Ang layo ng lalakarin natin, baka maging watercolor itong make up ko sa mukha," reklamo niya.

"Halika na, sumakay na lang tayo kapag may nadaanan tayo," sabi ko sa kaniya at saka na siya hinila patawid sa kabilang kalsada para diretso na kami sa may entrance.

"Balak ko sanang hindi na pumasok ngayon. Makikipag-meet up kasi ko sa ka-talking stage ko. Iyong naga-aral sa Wesleyan University," pagsisimula niya. Halata pa masiyado na kinikilig siya.

"Bakit naman hindi ka papasok? Hindi naman holiday ngayon. At saka, wala naman talaga nag-announce sa mga Professor natin ngayon na hindi sila magtuturo. Tanda mo last year, Valentine's na Valentine's ay may quiz tayo." Pabiro niyang inirap ang kaniyang mga mata.

"Kill joy na lang talaga magtuturo ngayon, o baka walang love life. Pero feeling ko talaga wala ng magtuturo na Professor ngayon. Hindi mo ba nakita iyong mga nasa post sa ilang Facebook page ng campus natin, iyong mga activities ngayon?"

"Nakita naman, pero hindi lahat," tugon ko sa kaniya.

"Eh iyong Valentine's Day Contest, alam mo?" Napalingon ako sa kaniya at dahan-dahan na napailing.

"Iyon 'yung aabangan ko. Baka naman pwede makitulog muna sa apartment mo? Balita ko mamaya pa mga alas-singko 'yon. Sa may closed gym gaganapin."

"Nagpaalam ka kina Tita at Tito na hindi ka uuwi?"

"Syempre naman! Ayoko naman isipin nila na nakipagtanan ako sa mismong araw ng mga puso." Humalakhak siya, ako naman ay napakamot sa bandang dulo ng aking ilong.

"Marielle, umuwi ka na lang kaya kasabay ko mamaya? Huwag ka na manood sa contest na 'yan."

"Ha? Bakit uuwi ka yata ngayon? Tiyak ako na magi-isa ka lang din sa bahay niyo, kasi sigurado na may date iyong si Tita at Tito." Iniwas ko na sa kaniya ang aking tingin.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now