Chapter 15

202 3 0
                                    

"Ano mali ako?" tanong ko muli, dahil sa kaniyang pag-iling.

"Hm, hindi pa ako nakaka-move on..."

"K-Kita mo na, sabi ko na nga ba, tama—"

"...ng tuluyan. Pero alam ko, unti-unti ay nakakayanan ko ng umusad."

"It's not easy to forget our greatest love, aren't they?" Bahagya siya tumawa at sumandal siyang muli sa kaniyang kinau-upuan. Kinuha niya ang isang libro, ngunit may nalaglag roon na bahagya naman naitangay ng hangin sa aking banda. Pinulot ko iyon, inakala pa na isa lamang iyong papel na wala ng halaga, ngunit ng natigilan ako ng mapagtanto ko na isa pala itong larawan, ni Armiel at ng isang babae na nakita ko na rin sa mga post niya sa kaniyang Facebook pati na rin sa kaniyang YouTube Channel.

"Ano 'yan?" tanong niya at saka ko pa lang na alis ang tingin ko sa larawan at inilahad iyon pabalik sa kaniya. Kahit siya ay napatitig doon bago niya iyon kuhanin sa akin at muling iipit sa kaniyang libro.

"Siya si... Jeliah, hindi ba?" tanong ko.

"Iyong greatest love mo?" dagdag ko pa at ngumiti sa kaniya, tumango naman siya sa akin. Bagama't may kaunti naman na akong nalalaman tungkol sa past nila ay hindi pa rin talaga malinaw sa akin ang lahat kung bakit nauwi sila sa hiwalayan.

Dahil sa naging tahimik na rin naman siya ay ibinalik ko na rin ang aking tingin sa aking libro, ngunit hindi ko mapigilan na kung minsan ay mag-angat ng tingin sa kaniya, habang siya ay may ilang mahahalaga na impormasyon na binibilugan sa kaniyang libro.

"Ahm, Armiel?" Mabilis siyang nag-angat sa akin ng tingin, ngunit tila biglang naipit sa aking dila ang dapat ko na sasabihin.

"Bakit? Nagugutom ka na ba?" pabiro na tanong niya pa.

"Hindi pa naman, sinigurado ko kaya na marami akong kinain sa amin bago ako pumunta rito."

"Ah, to make sure na kapag nagutom ka ay hindi mo ako makakakain?" Naningkit ang aking mga mata at napa-irap sa kaniya.

"May ganiyan ka pala talaga na side 'no? Mukha ka inosente, pero ang wild pala ng isip mo." Napuno ang sala ng kanilang bahay ng kaniyang tawa, ilang sandali lamang ng kumalma na siya ay seryoso niyang sinalubong ang aking tingin.

"Don't you like a man who's caring and have a sense of humour? A man who can make you  laugh even though you're upset?"

"Bakit, anong klase ba ng personality ang mayroon si Joseph?" Naitagilid ko ang aking ulo at naisara ko muli ang hawak ko na libro.

"Do you still remember the deal we had back then on the rooftop of the apartment we are staying in at Sumacab?" Tumango siya.

"Of course, though we both confessed about our past heartbreaks, there's still have unknown things for me, because telling each other's past that time only seemed like a summary."

"Paano kung... sagutin ko ulit ang mga katanungan mo tungkol sa amin, handa ka rin ba sagutin ang sa akin?" Mula sa pagkaka-krus ng kaniyang mga paa ay umayos siya ng kaniyang pagkakaupo at inilapag ang hawak niyang libro sa ibabaw ng lamesa.

"Deal," sambit niya sa pagkakataon na ito.

"Since ako ang una nagtanong, ikaw ang unang dapat sumagot." Tumango ako sa kaniya at tila ba nagbalik tanaw na naman sa nakaraan.

"Joseph's not showy, but he's caring. Hindi siya vocal sa nararamdaman niya, pero iyong pagka-clingy niya, doon ko mas nararamdaman kung gaano ako kahalaga sa buhay niya," nangingiti ko na pagkwento.

"Though he's not a funny person, he can make me laughed. He can make me feel complete, kaya nga nang nawala siya, ramdam na ramdam ko na may malaking parte na nawala rin sa akin." Mula sa malayo ay muli kong itinuon ang tingin sa kaniya na bumagsak ang tingin sa lamesa na pumapagitna sa amin.

"Basta, Joseph's everything for me," dagdag ko pa.

"Everything? That's bad, seems like you're blocking someone to make you feel special again in your life," mahina lamang ang pagkakasabi niya nito, ngunit sapat lamang para marinig ko. Magsasalita pa sana akong muli ng hindi na iyon matuloy pa.

"Sige na... Ano ba ang gusto mo itanong sa akin?" Hindi ko mawari kung bakit pansin ko na tila bigla naman siyang hindi naging interesado sa aming usapan, bigla na naman tuloy akong naga-alinlangan.

"W-Wala..."

"Tsk. Sige na, ano ba 'yon? Tungkol ba sa amin?" Muling nagtama ang tingin namin nang dahan-dahan siyang nag-angat muli ng tingin. Tumango ako sa kaniya.

"Pwede mo na hindi talaga sagutin kung hindi ka kompartable—"

"I'm always comfortable when I'm with you." Naiwan na nakaawang ang aking labi ng dahil sa kaniyang sinabi.

Mariin ko na naitikom ang aking bibig, tila ba unti-unting umaalsa sa init ang aking magkabilang pisngi, kaya naman nagsalita na rin akong muli.

"Base sa kwento mo, parang masaya naman ang relasyon niyo ng ex-girlfriend mo. Sino ba talaga ang may kasalanan? Bakit ba nauwi kayo sa... hiwalayan?" Bahagya pang nanginginig ang aking boses habang sinasabi ang mga ito.

"Pwedeng hindi mo sa—"

"Our relationship isn't perfect, like other relationship, we still have some misunderstandings. Minsan may mga pinagseselosan din kami, nagkakatampuhan, tapos magkakabati. We can actually considered our story, like enemies to lovers."

"Pero alam mo... iyong sa amin hindi naman katulad ng iba na nagkaroon ng third party o mayroon nagloko. Hindi rin dahil sa may isang mas pinili iyong pangarap kaysa sa pag-ibig."

"Kung ganoon, ano ang rason?" Halos pabulong na dagdag na tanong ko sa kaniya.

"Kung ako lang? Wala naman akong balak na mapunta sa punto ng hiwalayan. Kaya lang napagod siya, hiniling niyang palayain ko siya."

"Kaya... pinalaya mo?" Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata, sa kabila ng ngiti sa kaniyang labi. Tumango siya sa akin.

"Mukhang mahal mo pa naman pala, bakit mo pinalaya. Eh 'di sana, parte pa rin siya ng present mo." Mula sa aking dala na bag ay kumuha ako ng candy, at saka iyon binuksan habang hinihintay kung mayroon pa ba siyang sasabihin.

"Dahil ayoko na maulit lang ang nangyari kina Mommy and Daddy."

"Ayokong manatili siya sa tabi ko, kung hindi na siya masaya sa akin. Kahit na masakit na palayain siya, sa tingin ko mas masakit kung pipilitin ko na mahalin ako ng tao na gusto ng lumaya sa pagmamahal ko para sa kaniya."

"Besides... Even she's no longer a part of my present. Jeliah's not only a fragments of my past memories, but also a special chapter in my life." Tila ba nanlambot ang aking kamay na noon din ay binubuksan pa rin ang candy na aking hawak.  Masiyadong maganda ang mga salita na lumabas sa kaniyang bibig na marahil naging dahilan iyon kung kaya't tila tumagos iyon sa aking puso at nakaramdam ako ng kung anong kirot.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora