Chapter 17

166 1 0
                                    

"Bye, Reigna! Mag-ingat kayo ni Arjin, lalo ka na, baka hindi grades mo ang ma-fall kun'di ikaw." Humagikgik siya bago sumakay sa jeep. Napahimas na lamang ako sa aking sintido at ikinaway ang aking kamay sa kaniya bilang paalam.

"Ingat ka rin, at magreview ka ng maigi." Bago muli ihakbang ang aking mga paa ay nagpaalam din sa kaniya si Armiel na bagama't sumabay sa amin maglakad palabas ng campus dahil may ite-take pa raw na quiz na kulang si Ben ay napansin ko ang pagiging tahimik niya.

Nag-umpisa na kami na pumanhik sa overpass patungo sa kabilang kalsada, dahil pakiramdam ko ay nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin sa kabila ng boses ng konduktor na nagtatawag ng pasahero para mapuno at makaalis na ang jeep. Paghakbang namin sa dulo ng overpass ay doon ko naisipan na magsalita.

"Kumusta second day ng exam?" tanong ko sa kaniya. Inayos naman niya ang strap ng bag niya sa kaniyang balikat.

"Hmm, ayos lang." Nanatili sa daan ang kaniyang tingin.

"Last day na bukas, isang subject na lang ang ire-review. Iyong libre mo sa akin ah!" pabiro kong sambit sa kaniya. Sa pagkakataon na ito ay tumingin siya sa akin at saka ngumiti.

"Oo naman, hindi ako nakakalimot sa pangako ko." Pagkatapos niya itong sabihin ay muli na niyang ibinalik ang tingin sa aming dinaraanan.

Hindi ko natanggal sa kaniya ang aking tingin, kahit na hindi pa man umaabot sa ilang taon kung gaano na kami katagal na magkakilala, pakiramdam ko ay mayroon siyang problema.

Hanggang sa makarating na kami sa apartment na aming tinutuluyan ay hindi na siya kumibo pa, maliban na lamang ng bago kami magpaalam.

"See you around," sambit niya at tumalikod na sa akin, nanatili akong nakatitig sa kaniya bandang likuran habang binubuksan niya ang pintuan ng kaniyang kwarto.

"Armiel," pagtawag ko sa kaniyang pangalan, huli ng mapagtanto ko iyon dahil napalingon siyang muli sa akin.

"Bakit?" tanong niya, ilang sandali lamang ay lumapad ang ngiti sa kaniyang labi.

"Huwag mo sabihin na kulang pa ang haba ng pathway para matitigan mo ako." Namilog ang aking mga mata ng bahagya.

"Wow ah! Ang hangin mo naman, Armiel."

"Ito naman, napikon kaagad. Bakit nga, may sasabihin ka ba?" tanong niya, ngunit sa dulo ay napailing na lamang ako.

Pasado alas-nuebe na ng gabi, kakatapos ko lamang maligo at ngayon ay pinapatuyo ko lang ang aking buhok at matutulog na rin ako. Umupo ako sa dulo ng aking kama, pagkatapos ay napatitig lamang sa may pader habang kinukusot ko ang aking buhok ng tuwalya.

Ilang sandali lang ay napa-isip na naman ako kung bakit tila ba may bumabagabag sa isipan ni Armiel. Madalas kasi tuwing nakikita ko siya ay palagi siyang nakangiti, ngunit ngayong araw ay parang mayroon kakaiba sa kaniya.

"Masiyado kaya siyang na stress sa exam?" bulong ko sa aking sarili ko.

Kinabukasan ay matagumpay din namin na nairaos ang finals, maliban na lang kay Marielle na ipinagpaalam ko sa aming proctor dahil hindi siya nakapasok dahil bigla naman siyang nagkaroon ng lagnat, kaya naman ang plano namin na pagpunta sa McDo ngayon ay hindi matutuloy.

Nakipagsiksikan naman na ako sa mga grupo ng estudyante na naglalakad na sa exit ng COED, dahil baka maubusan ako ng tribike na pwede masakyan palabas ng campus. Mayroon pa naman akong naabutan na isa, ngunit natigilan ako ng mahagip ng aking tingin si Armiel.

Nakaupo siya sa waiting shed malapit sa MIS-Building, at tila ba nakikipagtitigan lang sa puno na nasa tapat ng UCC-Street. Ang kaniyang kanan na paa ay nakapatong sa bandang tuhod ng kaniyang kaliwa na paa, naka-de-kwatro na posisyon ang mga iyon habang ang kaniyang mga braso ay mariin na nakapirmi sa magkabilang gilid niya.

"Hindi ba kaya siya uuwi?" Napangiwi ako, at natagpuan ang aking mga paa na naglalakad patungo kung nasaan siya.

"Armiel," pagtawag ko sa kaniyang pangalan ng malapit na ako, ngunit mukhang hindi niya ako narinig, kaya naman naglakad pa ako palapit sa kaniya.

"Oy, Armiel!" Pansin ko na nagulat pa siya ng lakasan ko ang aking boses at nakatayo na ako sa kaniyang bandang gilid.

"Hindi pa ba tapos ang exam niyo?" tanong ko sa kaniya, habang tinanggal naman na niya ang pagkaka-de-kwatro ng kaniyang mga paa.

"Ikaw pala 'yan. Hm, tapos na, kanina pa." Tumango ako at sandaling sumulyap muli sa kung saan lang siya nakatitig kanina.

"Hindi ka naman siguro nae-engkanto?" Nagtataka siyang napatingin sa akin. Umangat ang gilid ng kaniyang labi at mahina na natawa. Iyon ang isang bagay na gusto kong nasisilayan sa kaniya, dahil nakakahawa iyon. Simpleng bagay na nagustuhan ko rin kay Joseph, dahil kahit wala siyang ginagawa ay napapangiti rin ako.

"Halika nga rito!" Nagulat ako ng marahan niyang hawakan ang aking palapulsuhan, at hilahin ako, dahilan upang mapa-upo na rin ako sa tabi niya.

"Ano ba ibig mo sabihin na nae-engkanto ako?" May himig ng tuwa sa kaniyang boses. Tumikhim ako, at bahagya na umusog palayo sa kaniya, para magkaroon kami ng espasyo, alam ko na napansin niya iyon, pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin dahil sa tingin ay mas mahalaga na malaman kung may problema ba siya.

"Ang totoo niyan, sasakay na ako dapat ng tribike kasi absent naman din si Marielle dahil nilalagnat, kaya 'di rin kami matutuloy sa McDo. Tapos nakita kita na nakatulala lang dito."

"Nakita o hinanap?"Bahagya akong natawa.

"Ha? Syempre, nakita nga 'di ba?" Mahina siyang tumawa, at bahagya na ginulo ang kaniyang buhok, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa kaniyang mukha na tila ba malalim talaga ang kaniyang ini-isip.

"May problema ba? Hindi naman sa chismosa ako ah, pero pansin ko lang kasi tuwing nagkikita tayo nitong mga nakakaraan na araw ay parang—"

"Parang may gumugulo sa isip ko?" Napangiwi ako at napatango. Napangisi naman siya, ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig ang malalim na pagbuntong hininga niya.

"Natatandaan mo ba iyong araw na nasa bahay ka namin para magreview sa final exam?" Tumango ako sa kaniya.

"Anong mayroon?" Muling siyang gumalaw, upang mas maging magkaharap kami ngayon.

"That day, pumunta si Mommy at Daddy sa presinto about sa on going case sa pagkaka-hit in run kay Dad..." Hindi ko tinanggal sa kaniya ang aking tingin.

"Tapos?"

"Akala ko nga katulad ng dati ay uuwi sila na wala pa rin balita, halos magta-tatlong taon na rin kasi pero mukhang wala talaga balak magpatalo sa konsensya niya iyong nakabangga sa kaniya, iyon ay kung may konsensya siya, pero nang gabi na iyon, mayroon na raw update."

"Nakakuha na sila ng impormasyon sa isang junk shop kung saan iniwan pala ng suspect iyong kotse. Pagmamay-ari raw iyon ng pamilya, De Leon."

"Ibig sabihin mag- De Leon iyong nakabangga sa Daddy mo noon? Ano, nahuli na?" Umiling siya, habang nangunot naman ang kaniyang noo.

"Iyan din ang tanong ko sa kanila, dahil hindi na ako makapaghintay na makita at masuntok iyong tao na naging dahilan kung bakit muntik ng mamatay si Dad, kung bakit... kailangan magkalayo kami ni Jeliah." Napalunok ako, ang aking tingin ay bumagsak sa semento.

"Pero ang sabi ay hindi raw isa sa mga pamilya na iyon ang nakabangga sa kanila kun'di ang driver nila na nagtra-trabaho na pagkatapos din ng mismong araw na iyon ay hindi na nila nakita."

"So, sino nga raw iyong suspect?" Muling nagtama ang aming paningin, pansin ko sa kaniyang mga mata na kahit siya ay hindi alam ang kasagutan.

"Hindi ko alam. Makailan ulit ko tinanong si Dad, pakiramdam ko ay alam naman na nila, pero wala silang sagot sa tanong ko." Dahil sa kaniyang mga sinabi ay tila ba napa-isip na rin ako.

"Baka... may dahilan sila kung bakit may mga hindi sila sinagot sa mga tanong mo, pero for sure, darating din iyong point na masasagot lahat ng katanungan mo," sambit ko sa kaniya at marahan na tinapik ang ibabaw ng kaniyang balikat. Napatingin siya roon, at ako naman ay napatitig na rin sa aking kamay na tila ba nanigas na sa ibabaw ng kaniyang balikat.

"Thank you, Reigna. Thank you for sitting here with me and listening," sabi niya, at saka bumagsak muli ang aking tingin sa aking kamay na hindi ko pa rin natanggal ang hawak sa ibabaw ng kaniyang balikat na ipatong niya ang kaniyang kamay roon at bahagya iyong tapikin, habang nanatili sa akin ang kaniyang tingin.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now