Chapter 27

113 2 0
                                    

The summer's wind didn't take away his determination to win my heart. The day was as hot as I expected it to be. We are here at their mango plantation. Beside the small pond, we put a blanket and sat there.

"Wait..." Inangat ko ang aking ulo upang tingnan siya na tila may ina-alala.

"Parang may kulang," pagpapatuloy niya. Humagikgik naman sa aking bandang gilid si Marielle na sadyang inaya ko rito dahil nitong mga nakakaraan na araw ay hindi ako matahimik sa mga gumugulo sa aking maging desisyon na bigyan siya ng pagkakataon na manligaw.

"May kukuhanin lang ako sa kotse," paalam niya sa amin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Malalim ako na napabuntong hininga habang pinagmamasdan siyang papalayo sa amin.

"Sheesh! Sabi ko na nga ba at dito rin kayo mapupunta. Alam mo ba nang sinabi mo sa akin na nanliligaw siya sa iyo ay napatili talaga ako, nakipagsayawan pa ako kina Mama at Papa sa sobrang tuwa. Akala nga nila ay ako na iyong may manliligaw," aniya at saka bumaling na siya sa akin.

"Ay... Bakit hindi ka naman yata masaya na nandito ako sa date niyo ni Arjin?" Napangiwi ako.

"Hindi naman, Marielle. Mabuti nga at pumayag ka na samahan kami ngayon." Nanatili siyang nakatingin sa akin, tila hindi siya nakuntento sa naging tugon ko sa kaniya.

"Eh bakit nga ganiyan iyong itsura mo? I mean, yes! Nagiging blooming ka lalo, pero may something talaga. Don't tell me..." Umangat ang kaliwang kilay niya, halata na mayroon ng ideya na tumatakbo sa kaniyang isipan, ngunit nagkamali ako ng marinig ko na ang kaniyang mga sumunod na sinabi.

"Omg! May nangyari na ba sa—" Nangunot ang aking noo.

"Marielle!"

"Ito naman, biro lang! Alam ko naman na hindi ka marupok. Kay Joseph nga ay hindi mo sinuko ang bataan," kaagad na sambit niya. Napaiwas naman ako ng tingin, dahil alam ko na lingid sa kaniyang kaalaman na mayroon ng nangyari sa amin noon ni Joseph. Ilang sandali lang ay nagtama na muli ang aming paningin, ang kaniyang mga mata ay namimilog.

"Wala ka balak sagutin si Armiel." Hindi iyon tanong, kun'di tila jsang katotohanan, kaya naman hindi ako kaagad nakakibo.

"Reigna naman! Ito na iyon oh, chance na tuluyan na alisin iyong kirot diyan sa puso mo ng saya at kilig." Halata ang pagka-dismasya sa tono ng kaniyang boses. Sandali naman akong lumingon sa aking bandang gilid upang siguraduhin na hindi pa pabalik si Armiel.

"Ang unfair mo naman Reigna kung papaasahin mo lang si Armiel. Ang bait kaya nang tao. Sa tingin ko ay tunay talaga ay nararamdaman niya para sa iyo." Napakagat ako sa aking pang-ibaba na labi, pagkatapos ay nagsalita ng muli.

"I admit that I'm wrong, Marielle. Mali ako na hinayaan ko pa siya na ituloy iyong panliligaw niya, pero... pumasok din kasi sa isipan ko nang mga panahon na iyon 'yung kagustuhan ko na subukan din, na baka pwede pa pala ulit ako magmahal."

"Eh 'yun naman pala, Reigna. Malamang malaya ka naman ulit na magmahal, baka nga i-cheer ka pa ni Joseph doon sa langit." Napangiwi ako at itinuon ang tingin sa mga prutas sa basket na nasa aming bandang gitna.

"Pero Marielle, ako nga iyong problema. Pagkatapos ko hayaan siyang ligawan ako ay hindi na natahimik iyong utak ko. Mahal ko pa si Joseph, siya pa rin ang nilalaman ng puso ko. Siya pa rin, at hindi ko pa rin makaya na magmahal ulit ng iba."

"Sure ka?" Napatitig ako sa kaniya ng dahil sa naging tugon niya sa akin.

"Sigurado ka ba Reigna sa mga sinasabi mo? Sure ka ba na hindi mo lang pinapaniwala ang sarili mo?"

"W-What do you mean?" Tipid siyang ngumiti sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

"Ang gusto ko lang sabihin sa iyo, Reigna..."

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant