Chapter 8

208 1 0
                                    

Napa-upo ako sa dulo ng aking kama, habang kinukuskos ko ng tuwalya ang aking buhok, hanggang sa mapahinto ako at maalala ang mga nasabi ko kanina.

"Assumera ka naman kasi, Reigna," sambit ko sa aking sarili.

Pagkatapos ko matuyo ang aking buhok at magbihis ay kinuha ko ang uniporme na aking lalabhan, ngunit napagtanto ko na wala pala akong gagamitin na sabon. Kaya naman hinanap ko ang aking tsinelas at sandali na sumilip sa bintana. Hindi naman na umu-ulan kaya naman hindi na rin ako nag-abala pa na maghanap ng payong.

Pagkabukas ko naman ng pintuan ng aking apartment ay nagtama ang paningin namin ni Armiel na natigilan. Umawang ang aking labi.

He's topless, and wearing a black jersey short, while he's holding a towel. I immediately feel my cheeks  heat up when I see him with this kind of situation.

"Gagala ka?" Tumikhim ako, at itinuon ang aking tingin sa hagdanan.

"Hindi. Mayroon lang ako bibilhin diyan sa tindahan. Maglalaba kasi ko, ubos na pala iyong sabon."

"Samahan na kita." Muli akong napalingon sa kaniya, ngayon ay bahagya naman ng natatabingan ang kalahati ng kaniyang katawan ng tuwalya na hawak niya kanina.

"Magbibihis lang ako," dagdag niya pa. Natawa ako at umiling.

"Ano ako bata? Hindi na kailangan totoy." Umangat ang gilid ng kaniyang labi, at saka siya napahimas sa kaniyang kanan na sintido.

"Magkasing tanda lang tayo, Reigna. May dalawang taon din ako huminto. Graduate na nga sana ako ngayon, kung hindi lang na aksidente si..." Napansin ko ang pagbitin niya sa kaniyang pagsasalita. Hindi na rin naman ako nagtanong pa.

"Magbihis ka na lang at baka magkasakit ka pa. Alis na ako," paalam ko at hindi na siya hinintay pa na makatugon.

Nang makarating na ako sa dulo ng hagdan, sa may first floor, ay sandali akong huminto dahil sa ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng aking puso.

He has the same body build as Joseph. Even though I can say that it's not as well-built, it still looks firm. And in that scenario, I remembered Joseph. It's not the first time that I've seen a man's naked body; I'm not too innocent. I've also had my first kiss, actually. And in this kind of weather, it triggers my mind to think about Joseph's clinginess.

Lumipas ang mga araw, ang buhay ko na akala ko ay mananatiling wala ng sigla madalas ay unti-unting nag-iba.

"Pumasa ang thesis proposal natin, deserve natin magwalwal mamaya. Sabado naman bukas, tara sa Gapan Night Market!" masigla na sambit ni Marielle. Sandali ko nilingon ang iba pa namin na ka-group, at hinayaan muna siya sa mga binabalak niyang gala.

"Hintayin na lang muna natin iyong next instruction ni Ma'am. Though, mabuti na rin na magsimula na tayo kagaya ng ibang group, mahirap na, baka masayang ang effort natin kasi mali pala."

"Sige, Reigna! Sa gc na lang tayo magusap-usap kapag may announcement na si Ma'am Zeina." Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanila. At tuluyan na akong lumabas sa classroom kung saan ako muling sinalubong ni Marielle at ipinagpatuloy ang sinasabi niya sa akin kanina.

"Ano, tara mamaya? 'di ba uuwi ka rin ngayon sa H. Romero?"

"Wala ka ba mapaggamitan ng pera mo Marielle?" Humalakhak siya, at saka pabiro ako na siniko.

"Come on, Reigna! That's true life is. I know you're already familiar with it before right? You even like travelling. Ikaw nga ang gastador sa ating dalawa." Napatitig ako sa kaniya, mariin kong naitikom ang aking bibig.

"Oh sorry!"

"Ay, not sorry pala." Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya.

"Until when you're going to act like this, Reigna? Nakakasawa na ah. I'm sure aware ka naman na ang boring na ng life mo."

"Puro ka sabi ng magmo-move on ka na, pero ang totoo, wala ka naman talaga ginagawa para mapalaya sa lungkot iyong sarili mo."

"Puro ka, hindi ko na siya iisipin, gusto ko na sumaya, pero nasaan ka pa rin hanggang ngayon?" Sa pagkakataon na ito ay inalis ko na sa kaniya ang tingin ko.

I must admit it to myself, I'm scared to move on. The memories of him are like a part of my breathing. Sa tuwing tinatanong ko ang sarili ko, kung kaya ko ba, nauuwi iyon sa mga katanungan na paano? Hanggang saan hindi ko na mahanap ang tamang kasagutan.

"Bahala ka nga riyan, Marielle. Uuwi na ako." Inihakbang ko ang aking mga paa, ngunit sa mismong pagtalikod ko kay Marielle ay mayroon akong nakabunggo.

It's Armiel. I found myself lost in his eyes. I felt my knees start to shake as flashbacks started to flood in my mind as he simply smile at me. A soft yet powerful and beautiful smile that I failed to see on my own lips.  It didn't last long, but it left me breathless in the same moment.

"Armiel..."

"Sorry." Bahagya ako kaagad na lumayo sa kaniya, at natagpuan ng aking mga mata si Marielle, na hinahampas na si Ben na nasa bandang likod ni Armiel.

"Not a big deal. Pasensya na rin, hindi kita nakita kaagad. Ito kasing si Ben ay masaya masiyado."

"Parang ikaw naman ay hindi p're!" Mas lumaki ang ngiti ni Armiel.

"Bakit, ano ang mayroon?" tanong ko naman at hindi na muna pinansin si Marielle na may nanunukso na naman na ngiti sa akin.

"For the first time kasi ay pasado kami sa long quiz sa math!" Sabay sila humalakhak ni Ben. Tumabi naman sa akin muli si Marielle, at sumingit na siyang muli sa usapan.

"Tamang-tama pala! Sumama kayo sa amin ni Reigna. Pupunta kami sa Gapan Night Market bukas." Napangiwi ako.

"Pumawayag na ba ako?" Yumakap siya sa aking braso, habang nanatili naman na nakatingin sa amin ang dalawa.

"Oo, syempre papayag ka na niyan lalo na at kasama si Arjin. Hindi ba? Sasama kayo 'di ba?" Tingnan ko ang dalawa na sabay tumango. Napahimas ako sa aking sintido.

"Oh siya sige, para naman matahimik ka na."

"Yes! Iba na talaga kapag may Arjin na kasama." Sinamaan ko siya ng aking tingin, at iniwas ang aking tingin kay Armiel na nangi-ngiti habang kagat ang pang-ibaba niyang labi.

"Halika na umuwi na tayo," anyaya ko kay Marielle.

"Hindi ka sa apartment tutuloy ngayon?" tanong ni Armiel, umiling naman ako at sinagot ang kaniyang tanong.

"Bakit, Arjin? Mami-miss mo?" Hinala ko na palayo si Marielle.

"Sige, uwi na kami. Ingat kayong dalawa ni Ben!" sambit ko at saka ko pa lang binitawan sa kaniyang braso si Marielle na nagpatuloy sa panga-asar niya sa akin kay Armiel.

"Galing din ng pagkakataon kanina 'no! Kailan kaya ako mabubungo sa kasing gwapo ng isang Armiel Jino Marquez?" Inirapan ko siya. Itinuon ko ang aking tingin sa mahaba na pathway palabas ng campus at isang tipid na ngiti ang gumuhit sa aking labi.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now