Chapter 15: Lenarj Part 2

Start from the beginning
                                    

"Kumain ka na?" Tanong nya.

"You mean launch? Sabay tayo?"

"Uhm... kung pwede."

"Sure tara!"

"No! May baon akong food dito kasi..."

Shit! Hindi ako nagbabaon ng pagkain. Lagi akong nabili. Pero para sa future namin ni Ezra magbabaon na ako para makatipid. Biro lang.

"Teka bibili lang ako ng pagkain ko para naman may ambag ako! Wait mo ako rito!"

Habang kumakain kami ng lunch naiisipan kong sabihin sa kanya yung magazine na nakita ko. Sikat na talaga si Ezra. Ang dami nang billboards na about sa mga beauty products. Meron pa syang magazine na iba't ibang brands ng clothes and luxurious bags.

"Nakita ko yung magazine mo."

"Alin doon?"

"Yung latest mong magazine. You look stunning and beautiful." Deretsyong sinabe ko sa kanya. Nabulunan si Ezra kaya naman agad kong binuksan yung tubig na binili ko para sa amin.

"S-sorry, nabigla lang ako." Nauubo nyang tugon. Nahiya ako bigla. 

"No it's okay. Masyado ata akong straightforward. Naiilang ka tuloy." Mahina kong sinabe sa kanya. Sabay kaming pumasok sa room at sabay ding umuwe. Nakangiti akong kumaway sa kanya ng bumaba sya sa tapat ng bahay nila.

Nabalitaan kong lilipat na ng school si Thea. I'm not happy and I'm not sad. Maybe it's good for her to move on from me. Kahit baliktarin man ang mundo. I will never like her.

Pagkarating ko sa bahay deretsyo ako sa kwarto ko at nagpalit ng uniform. Nag scroll ako sa social media accounts ko at naiisipan kong isearch si Ezra.

Oh, she has a social media account pala.

Ezra Sanchez.

I added her on my Facebook account. Gabi na nya ako na accept. Kabado ako at iniisip kung mag chachat ba agad ako pero wala eh. Gusto ko syang makausap o makachat.

Ako:
Hi.

Busy ka ata?

Kumain ka na?

Sorry ang kulit ko.

Ezra:
May ginawa lang.

Ng makita ko na ng reply agad sya mabilis akong nagseen sa message nya.

Ako:
Ano yon?

Ezra:
Sa bagong shoot ko.

Ako:
What kind of shoot ba?

Ezra:
Isang beauty products ulit.

Napakagat ako sa labi ko. I really want to see her face in video call. Ang creepy naman kapag gusto ko agad na makita sya sa call pero I really miss her agad eh. Kahit walang kasiguraduhan

"H-hi..."

"Hi," napangiti ako ng sagutin nya, pinigilan ko ang pagngiti ng malala . "Tell me about your shoot."

"Uhm," and she tells me everything that happens in her shoot. I saw in her eyes that she was happy and wanted in her part-time job.

"Kapag naging sikat kana, huwag mo akong kalimutan." Pabiro kong tugon at natapos ang video call.

---

Maaga akong nagising dahil nag prepare pa ako lunch namin together ni Ezra. Oo tinotoo ko yung sinabe ko na magtitipid ako. Sayang din kasi kung bibili pa ako kung meron namang pagkain sa bahay. Nagulat pa si Mommy dahil ako ang nag prepare ng pagkain naming lahat. Nilagay ko sa isang paper bag yung lunch namin ni Ezra bago ako pumunta sa kwarto ko para mag ayos ng sarili at magpalit para sa pagpasok. Maaga ako o sadyang inagahan ko para sabay kaming pumasok ni Ezra. Oo sa tapat ng bahay nila ako tumigil at hinintay sya roon.

Center of Attraction [Melody Series 1]Where stories live. Discover now