"Oo naman,delikado kasi ang mission mong yun eh. Nag-aalala din ako sayo ano kaba!"Deretsahang pag amin ko pa.

"But why?"Curious parin niyang tanong na para bang hindi nito inaasahan ang sagot ko.

Pagkwan ay hinampas ko ang braso niya sabay sabing..."Anong bakit? Syempre dahil kaibigan kita. Normal lang na mag-alala ako sayo diba? Bakit bawal ba?"Paglilinaw kong sabi sabay irap sa kanya.

Napakamot naman siya sa ulo at napanguso."Ah yeah, definitely."He says sa mahinang tinig.

"So, paano mo nga nalaman na nandito ako?"Muling tanong ko.

Pagkwan ay nasundan ng paningin ko ang marahan nitong pag-ayos sa duyan hammock na nasa sahig.

"Nakausap ko si Blake kanina and he told me na dito kayo dinala ng mga taong kabilang sa NONEM ORGANIZATION."Panimula niyang paglalahad at kampanteng tinali ang naputol na lubid ng duyan hammock."Remember them?"Tanong pa nito sa akin."

"You mean...yung nabanggit mo sa akin na pinamumunuan ng tinatawag nilang Monster?"Pa inusenteng tugon ko.

Ayaw kong magpahalata na alam ko na ang totoong personality at identity ng Monster boss na yun.

"Oo, yun nga. Sa madaling salita ay may ugnayan din sila kay Blake Monterelaos, ang pinaka big boss ng mga police station sa bansa."Pagpapaliwanag pa nitong anito.

Kaya pala dito kami dinala ni Mr. Roof at gaya ng sabi niya ay utos ng isa sa mga malalapit na tao kay kuya Ahmon ang dahilan kung bakit niya kami dito dinala.

Ibig sabihin, si Blake Monterelaos pala ang tinutukoy nito, ang ama ni Evanzy.

"Actually nagkausap kami ni kuya bago ako pumunta dito."Tugon nito habang abala parin sa pagtali ng mahigpit sa lubid upang hindi na iyon ulit maputol pa.

Pagkwan ay marahas ko siyang hinawakan sa balikat nito upang makaharap sa akin." Ano kamo? Nagkausap kayo? Tell me, where is that idiot? Bakit hindi niya sinasagot mga tawag ko?"Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Hey easy lang Chiara."Kampante lang nitong pagpapakalma sa akin.

"Tingin mo makakapag isip ako ng matino knowing na hanggang ngayon wala parin akong balita sa kanya?!Nakakainis lang kasi yang Delvin na yan eh!"Atungal ko sa paraang pagtatampo at labis na pagkadismaya.

Narinig ko pang napa tawa ng mahina si Fidel dahil sa inasta ko.

"Galit kaba dahil nag-aalala ka or galit ka kasi namimis mo lang siya?"Sinilip nito ang aking mukha.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya."H-hindi ah! Nagagalit ako kasi...kasi wala man lang siyang consideration. Ni hindi man lang nagawang tawagan ako kung asan naba siya or kung ano naba ginagawa niya! Sinong di maiinis?"Nakangusong pangangatwiran ko.

Maya-maya pa ay hinawakan ako ni Fidel sa braso at pagharap ko sa kanya ay seryoso lang itong nakatitig sa aking mga mata na para bagang pinag-aaralan nitong maigi ang laman ng isip ko.

"I can clearly see it through your eyes! You were greatly offended."He says and smirk at me.

"I'm deadly worried right now!"Hindi maitago ang lungkot sa aking tinig.

Pagkwan ay namulsa siyang napalabi ng tingin sa akin na para bang natatawa pa ang gago.

"Don't worry, he's okay. Susunod din siya later, okay? Calm down please!"Pagkatapos ay kalmado pa niyang dagdag na saad.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant