CHAPTER 32

1.1K 36 21
                                    

"EAT UP, Chances like this don't come often. So go on and make yourself comfortable."

Masayang anunsyo ni Evanzy nang mailatag na ang lahat ng pagkain pati narin ang barbecue na inihaw nila kanina.

Ang lahat ay nakaupo na sa harapan ng bilog at mababang mesa sa pinaka gitna.

Mabilis naluto ang kanilang inihaw sa tulong ni Fidel, Seth at Delvin kanina.

Iyon agad ang trabahong bumungad sa kanilang pagdating dahil sa utos ni Lola Donita at Evanzy.

Kaya hindi rin kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag usap ng maayos ni Delvin.

Tanging kamustahan lang at pagyakap nito sa akin ng mahigpit ang napagsaluhan namin.

Pinaalalahanan naman niya ako na mamaya na kami mag-usap kapag wala nang ibang tao.

Lubos ko naman iyon nauunawaan kahit pa hangad kong marinig agad ang pagpapaliwanag nito ukol sa mga bagay-bagay na kailangan kong malaman.

Tumulong din ako maghanda ng mga pagkain para mas mapadali ang lahat.

Isa pa, bigla akong nakaramdam ng gutom ng mga sandaling iyon kaya naman atat na din akong kumain.

Umupo na din ako sa bakanteng space malapit kay Joly at lola Donita.

Habang sa dulo naman ay magkatabing kumakain si Evanzy, Seth at Aling Maita.

Sa kabila naman malapit sa gawi ko ay si Fidel, Brando at Brett ang magkatabi.

Natatawa nalang ako sa walang katapusang pagpapanggap ni Brando na lalakeng-lalake siya kumilos kapag sa harapan ng dalawang adonis na katabi nito.

Panay kwentuhan naman si Evanzy at Seth tungkol sa mga bagay-bagay at halatang tawang-tawa si Evanzy sa kapilyuhan ng kaniyang uncle Seth.

Habang si Delvin ay nagpaalam kanina para tingnan si Noah dahil namimis daw niya ang bata.

Maya-maya pa ay natanaw ko na siya kagagaling lang sa loob ng mansion nito bitbit ang isang basket.

Subalit bahagya siyang napahinto sabay lingon sa kung saan nakaparada ang tatlong kotse na sinakyan nila kanina.

Ilang sandali pa ay humakbang siya paliko papunta sa pinaka huling kotse na para bang may kung anong nakaagaw ng atensyon niya sa gawing iyon.

Anong meron don?

Pagtatakang tanong ng aking isipan.

"Joly look at me, open your mouth please."Agaw pansin na saad ni Brett sabay angat nito sa kanyang kamay na may hawak na loose-leaf lettuce at may lamang inihaw na meat with ingredients on it.

Napalunok ng bahagya si Joly at hindi alam kung ibubuka ba nito ang kanyang bibig or hindi.

"Ah, eh! Salamat pero...!"Naudlot ang sasabihin ni Joly nang biglang hinila ni Brando ang kamay na iyon ni Brett sabay sakmal nito sa pagkaing nasa kamay ni Brett gamit ang kanyang bibig.

"Hmmm, yummy bro. Thanks!"Punong-puno ang bibig na usal ni Brando kay Brett.

Halos napatunganga nalang si Brett sa ginawang iyon ni Brando.

Sumilay naman ang labis na pagkainis sa mukha ni Joly at pinanlakihan nito ng mata si Brando.

"Are you hungry bro?"Baling na saad ni Brett kay Brando."Want more?"Paanyaya niya pang tanong sabay lahad nito ng plato na maraming loose-leaf lettuce with meat.

"Yes please, subuan mo ako este make one for me again."Giggle namang tugon ni Brando.

Napailing naman si Brett at walang reklamo nitong ipinagbalot ng lettuce si Brando with meat at kasabay nun ay sinubuan niya nga si Brando.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن