CHAPTER 19

1.3K 79 15
                                    

DELVIN's POV;

"OKAY! Now i got it. Step-brother mo pala si Fidel, Delvin. Kaya pala nagulat ako nang sabihin mong magkapatid kayo eh ang layo naman kasi ng pagkakaiba niyo sa isa't-isa eh."Saad ni Chiara habang pareho kami nitong pinasadahan ng tingin ni Fidel.

"Yeah, pero ako yata ang nasurpresa dito eh."Nakapamewang na sambit ko.

Hindi nalang umimik si Chiara pero panay iwas parin siyang saluhin ang titig ko.

I know na naiilang parin siya sa akin dahil sa alam kong may gusto siya sa akin.

Hindi naman dapat siya mahiya, ako dapat ang mahiya dahil kung ano-ano nang kalokohan ang nagawa ko sa harapan niya na hindi ko dapat ginagawa.

Ipinaliwanag namin ni Fidel ang lahat kay Chiara para malaman nito kung paano kami naging magkapatid ni Fidel.

Kanina pa hindi matanggap ng isip ko na matagal na pala magkakilala ang dalawa.

I really have no fucking idea!

"Guys, i think we need to go."Singit na anunsyo ng babaeng kasama ni Chiara.

"Malinaw na sa akin lahat. Kayo naman dalawang magkapatid ang mag-usap. Mukang may hindi kayo pagkakaintindihan eh. Sige mauna na kami Fidel!"Pagkwan ay turan ni Chiara at sumabay na ito sa kanyang kaibigan at nilingon lang niya ako pero agad siyang umiwas ng tingin.

Balisang-balisa parin ako. Hindi ko talaga ito inaasahan.

"Kuya, i have to go. May gagawin pa kami sa facilities eh. Usap nalang tayo sa bahay!"Paalam naman na saad ni Fidel at patakbong hinabol nito si Chiara at ng babaeng kasama niya.

And here i am, naiwan na walang imik. Nakatanaw lang ako sa likuran nila at ang daming pumapasok sa isip ko ng mga sandaling iyon.

Umalis ako doon na bagsak ang balikat at tulala bitbit ang lunch box na naglalaman ng bebenka.

Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe driving my car. Bumalik lahat sa isip ko ang mga nangyari a month ago.

FLASHBACK;

Noon ko lang napagtanto ang lahat ng kakaibang kinikilos ni Fidel.

Isang buwan siyang hindi umuwi sa bahay kaya sobrang nag-alala si Tita Paola.

Kahit ako ay sobra din nag-aalala sa kanya ng mga panahong iyon. Kung saan-saan ko na siya hinanap pero hirap niyang matagpuan at hindi siya ma-trace.

Hanggang sa isang araw nakita ko nalang siyang basang-basa na nakadapa sa front door ng bahay ni Dad.

He looks terrible and miserable. Nakita ko din ang mga pasa nito sa mukha at sa kamao nito.

Isang araw siyang nakatulog ng mga sandaling iyon. At paggising niya ay halos hindi ko na siya makausap dahil sa palagi itong tulala.

Pero kalaunan ay nakausap ko din siya ng maayos."Fidel, what's going on with you? Alam mo bang nag-aalala na si Dad at Tita! Where the hell have you been all this time?"

Nasa rooftop kami ng mga sandaling iyon. Madalas ko kasing napapansin ang pagtambay niya doon at mas gusto nalang niyang mapag-isa.

Pero sa mga oras na iyon ay sinamantala ko nang kausapin siya at alamin kung ano bang nangyayari sa kanya.

"Kuya, i find someone who looks like her."He says in a lower tone.

"You mean...your girlfriend who passed away 2 years ago?"I replied.

Nakita ko ang tipid na ngiti sa kanyang mukha pero mababakas mo parin ang lumukob na kalungkutan sa pagkatao niya.

Namatay ang girlfriend nito na kagagawan ng mga hindi kilalang kalalakihan.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKAWhere stories live. Discover now