CHAPTER 1

5.2K 150 36
                                    

10 YEARS LATER...

("Wow, ang galing. Napaka ganda ng pagka disenyo sa higanteng cake na ito. As expected from the young and handsome professional chef ng isa sa pinaka sikat na Cake Industry sa ibang bansa at pati na rin dito sa pilipinas.") TV VARIETY SHOW

"Hanggang ngayon hindi parin nila pinapakita sa tv ang mukha ng taong yon."Nadismaya na ani lola habang namimitas ng malunggay sa palanggana na nasa harapan nito at ang kanyang atensyon ay sa telebisyon natuon."Inaabangan ko pa naman palagi ang palabas na ito dahil sa gusto kong makita ang gumagawa ng cake na yon pero wala parin."

Napapangiti nalang ako sa inasal ng aking mahal na lola. Di na bago sa'kin na ganyan maging reaksyon niya sa pinapanood nito.

Paano ba naman kasi ganyan nalang palagi palabas nila, ilalabas ang bagong hitsura at desensyo ng cakes pero ni minsan hindi pa nila pinapakilala ang gumagawa ng cake na yon.

Masyadong special ang taong yon para patagalin ang pagpapakilala sa kanya sa mga viewers nila.

"Baka ayaw lang magpakita sa tv ng taong yon la."Saad ko nalang.

Napapailing nalang siya at talagang dismayado.

Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Inihahanda ko lang itong mga bibingka na ginawa ko para ihatid sa maliit naming store na nasa first floor lang naman nitong maliit na apartment na tinitirhan namin.

"Finally tapos na. La, baba na ako ah para dalhin at ayusin tong mga bibingka sa store natin."Agaw pansin ko kay lola na panay lang sa panonood ng tv.

Lumingon siya sa akin at pinilit tumayo para lumapit sa gawi ko. Nakatungkod nalang ngaun ang lola ko dahil na rin sa katandaan. Pero malakas parin naman siya, yun lang nakatungkod nalang siya.

"Kaya mo ba lahat yan? Ang bigat niyan apo. Nasaan pala si Brando?"Ani lola.

"Parating na din yon La, may pinuntahan lang ata siya."Tumayo nako at inayos malaking basket na puno ng bibingka.

"Aba'y kanina pa siya dapat nandito para tulungan ka."Di parin mapakali na ani lola.

Nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ang taong kanina pa hinahanap ni lola.

Hinihingal itong pumasok sa loob at halatang sa hagdan nanaman ito dumaan at hindi sa elevator. Like usual gawain na niya yan para daw pagpawisan siya palagi.

Ewan ko ba sa trip ng isang 'toh.

"O, heto na pala siya."Saad ko.

"Saan kaba galing bata ka? At bakit ngayon kalang?"Sunod-sunod na tanong sa kanya ni lola.

"Lolabels naman, saka niyo nalang ako sermonan ah. Huh grabing pawis ko, ang sarap sa pakiramdam."Bagsak siyang naupo sa sahig at panay parin ang paghingal nito.

Kinaltusan siya ni lola sa ulo dahilan para mapadaing ito.

Heto nanaman sila, wala talagang umaga na hindi ito nangyayari sa dalawang ito.

"Lolabels naman masakit yan, nababawasan tuloy ang beauty ko."Maarting saad pa nito."Aaaaray."

Muli siyang napadaing pero this time napatili na siya dahil sa kurot ni lola sa tainga nito.

Ako naman natatawa nalang.

"Oy Brando umayos ka ah, tigilan mo nga yang pagtitili mo. Daig mo pa ang babae. Pati yang klase ng pagsasalita mo ayusin mo. Kalalaki mong tao..."

Hindi na pinatapos ni Brando ang iba pang sasabihin ni lola nang maarte itong humarap kay lola na nakapamewang pa.

"Lolabels naman, sirang-sira na nga beauty ko tapos pati pangalan ko sisirain niyo din. Lolabels, Brenda...it's Brenda at hindi Brando...iww charot lang! Brenda lolabels! Brenda. Okay?"Pagtatama nito sa kanyang pangalan at panay ang suklay niya sa kanyang medyo mahabang buhok at bawat suklay nito sa kanyang buhok gamit ang mga mapilantik nyang daliri ay syang pag-ikot ng bilog mata nito sa kaartehan.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKAWhere stories live. Discover now