CHAPTER 18

1.2K 69 13
                                    

"DO YOU LIKED ME? Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo just now?"Takang-taka at mapang-usisa nitong tanong sa akin.

Pero sa halip na tugunin ko siya ay dali-dali akong tumayo at nag dash ng takbo pababa patungo sa aking kwarto.

Agad kong isinara ang pinto. Inihagis ko ang sariling katawan sa kama at tsaka doon nagpagulong-gulong na parang nasisiraan na ng bait.

"Kainis! Nakakainis! Nakakahiya!"Halos hindi na ako mapakali sabay takip sa mukha ko gamit ang aking mga palad.

Ramdam ko na sa mga sandaling iyon ay pulang-pula na ang aking pisngi.

Mabilis akong pumasok sa bathroom para maligo ng malamig na tubig.

Kailangan kong kumalma dahil baka pag nanatili akong ganito ay hindi ko na siya magawang harapin pa dahil sa hiya.

Baka nga kutyain pa ako nun eh, or di kaya pagtawanan niya pa ako dahil sa nalaman niya.

I don't know kung paano siya harapin bukas. Sobrang hiyang-hiya na talaga ako.

Habang nasa bath tub ako ay sumasagi pa rin sa isip ko ang mga kaganapan kanina.

Napapansin ko na parang nag-iiba na ang nangyayare sa amin ni Delvin.

Lalo na iyong halikan namin kahapon.

That was so embarassing and unforgettable moments with him.

Kalahating oras akong nanatili sa loob ng bath tub at nagmumuni-muni.

Hanggang sa iginugupo na ako ng antok kaya agad din akong umahon para mag-ayos ng sarili.

Sa mga sandaling iyon ay hindi na talaga ako nagtangka pang lumabas ng kwarto.

Kasi alam kong baka nasa labas lang si Delvin hinihintay ang paglabas ako at for sure kukulitin nanaman ako nun.

Nang makapag ayos na ako para matulog ay nakuha ng atensyon ko ang aking selpon na tumutunog.

Pagtingin ko...

Calling from...Fidel A.

Agad ko naman iyon sinagot."Yes Fidel."

{"Sorry to bother you at this very late hour."}Tugon nito mula sa kabilang linya.

"Um. It's fine. Napatawag ka?"Saad ko habang naglalagay ng lotion sa aking braso.

{"Sunduin kita bukas, sabay na tayo puntang Uni."}Fidel.

"Naku wag na,ga-commute kasi ako sakay ng train isang sakayan lang from my house to Uni eh. Kung gusto mo mauna kana tapos sa Uni nalang tayo magkita."Sambit ko.

{"Train? Sounds interesting."}Dinig ko pang parang nagalak siya habang sinasabi yon.

"So anong plano mo?"I asked.

{"I want to try that."}Fidel.

"Ang sumakay ng Train?"Curious kong tanong.

{"Yeah, I have never tried that before."}He says.

Oo nga pala, parang anak mayaman ang isang ito eh. Sa porma palang at mga kilos niya malalaman mo talagang golden ang spoon nito.

"Ikaw bahala."Napakibit-balikat na saad ko."So paano, mauna na ako sayo magpahinga ah. Antok na kasi ako eh."Humihikab na sambit ko.

{"Alright! See you tomorrow Chiara.Get a plenty of sleep."}Paalam nito.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay marahan akong humiga sabay check ulit sa selpon ko.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKAWhere stories live. Discover now