CHAPTER 13

1.1K 64 19
                                    

KINABUKASAN maaga palang gising na ako 4 am, kasi nagluto pa ako ng bibingka dahil maraming naghahanap ng bibingka tuwing umaga.

Lalo na yung mga nagkakapi na papunta sa kani-kanilang trabaho. Napapadaan pa sila dito para magkapi.

Pababa na ako para magpaalam kay Lola. Naabutan ko silang tatlo sa kusina nakaupo sa harap ng bilog na table.

Napansin ko agad si Lola at Brando na nilalantakan yung ice cream cake na binili ni Kenji pero dahil halos matunaw na eh binigay nalang niya sa akin.

Sayang daw. Napangiti ako ng maalala ang tawanan namin kahapon dahil sa ice cream cake na yun.

Sinamahan ko pa siya ulit sa bakery store para ituro sa kanya ang pagkakaiba ng ice cream cake at nang normal na cake.

Ako na din ang pumili ng cake para sa pamangkin niya.

After that umuwi na kami pero hindi na siya bumaba ng kotse matapos niya akong maihatid sa tapat ng apartment.

Ihahatid pa daw niya kasi yung cake na binili niya sa pamangkin niya.

"Lola, ang aga naman niyan. Ice cream cake na agad kinakain niyo."Untag ko sa kanila.

"Masarap eh, binili mo ba ito kagabi apo?"Pagkwan ay baling na tanong sa akin ni Lola.

Umupo ako sa tabi ni Rosela at Brando.Habang panay subo ng cake si Brando ay kalmado namang humihigop ng kape si Rosela.

"Bigay yan ni Kenji!"Tugon ko.

Bigla naman napatili ng tayo si Brando nang marinig nito ang pangalan ni Kenji."O.M.G! Seryoso ka bakla? Si Kenji? Siya ba iyong gwapo na at matcho pang guy na dumaan dito nung isang araw dahil hinahanap ka? Siya yun, tama?"Napapalundag sa tuwa nitong sabi.

"Oo, siya nga yun. Bakit ka naman kinikilig dyan bakla?"Kunot-noo ko siyang nilingon.

Daig pa kasi niya ang nilalanggam kung makalundag eh.

"Crush ko siya, grabii i really like him. Type ko siya bak...AAAAWWWWTS!"Napalitan ng sigaw ang pagtitili niya ng hampasin siya ni Lola sa pwet nito gamit ang tsinelas.

"Jusko ko ginoo kang bata ka! Umayos ka Brando ah, mahiya ka nga kay Rosela. Ang laki mong lalake pero kung umasta ka para kang ewan."Suway sa kanya ni Lola.

"Lolabels talaga oh! Hampasin ba naman ako ng tsinelas, sa pwet pa talaga. Ang sakit ah."Nakanguso pa ito sabay bagsak ng upo sa tabi ni Rosela na tahimik lang habang nagkakape.

Parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari sa paligid. Ni hindi man lang makikitaan ng pagkagulat or pagkabahala.

Talagang seryoso lang siya. Hindi naman siya bingi, sadyang hindi lang talaga siya nagsasalita.

"Buti nga sayong bata ka!"Naiinis na ani lola."Nga pala apo, iyon bang si Kenji...siya ba yung nagturo sayo ng martial arts noon?"Baling na tanong ni Lola.

"Opo lola,dito rin siya nakatira sa apartment. Same floor din pero medyo nasa dulo pa iyong room niya malayo sa atin."Sabi ko.

"Ganun ba! Ay naku sana dumaan ulit siya dito para makapag pakilala naman ako sa kanya. Siya ba ang naghatid sayo kagabi?"Lola.

"Opo lola. Kapag nagkita ulit kami sasabihin kong gusto niyo syang makilala."Sambit ko.

"Naku mabuti naman. Pero teka, anong oras naba kayo nakarating? Hindi ko man lang namalayan pagdating mo. Nakatulog na ako kakahintay sayo kagabi eh, nag-alala ako."Bakas sa medyo nangungulubot nang mukha ni lola ang pag-aalala.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKAWhere stories live. Discover now