Sixteen

61 3 0
                                    

Sixteen

Umuwi ako ng unit nang balisa sa mga nangyare. Kanina pa rin tunog ng tunog ang phone ko pero hindi na ako nag-abala pang silipin kung ano 'yun. I'm so tired of all the drama in my life. Gusto ko nalang itulog ang pagod, gutom, sakit at reyalidad at magbabakasakaling pagbangon bukas ay mawala na ang lahat. Maglaho na lahat.

Nasa hallway palang ako ng floor nang makita ko na ang isang lalaking nakahilig sa aking pintuan. Naghihintay sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. He's still wearing his clothes earlier when I left them in the hotel. May dala siyang supot ng pagkain at halos mamuo ang luha ko habang pinagmamasdan ito. Suddenly I felt very hungry. Parang ngayon lang ako nakaramdam talaga ng gutom sa maghapong walang gana.

Naglakad ako palapit sa kanya at ngumiti. Binuksan ko ang pintuan ng condo unit at pinapasok siya. Isa-isa kong tinanggal ang stilletos ko at nagpalit ng pambahay. Nasa likod lang siya, nakasunod sa akin. Nilapag ko ang aking bag sa mesa at nilahad ang kamay sa kanya. Nagtaka pa siya noong una pero nung nginuso ko ang pagkain na dala niya ay agad niya rin namang nakuha.

I look at him, kitang-kita ko ang pagtataka niya sa ginagawa ko. Pinilit kong maging normal ang kilos. Inayos ko ang pagkaing dala niya at hinanda ito sa hapagkainan. Kahit may pagtataka sa mukha ni Augustus, alam kong naninimbang siya sa lahat ng kilos ko.

Pareho kaming napaupo sa dining table. Nagsimula na akong kumain.

"May gagawin ka bukas?" tanong ko sa gitna ng katahimikan.

Halatang-halata ang gulat sa mga mata niya dahil sa tanong ko. "Wala. Why?"

"I'm planning to go to Rizal tomorrow." sagot ko habang sunod-sunod ang subo ng pagkain. Ngayon palang talaga ako nakaramdam ng gutom.

"Rizal?" nagtatakang tanong niya. Wala nga pala siyang idea sa usual na ginagawa ko every sunday.

"Yeah. I'm exploring... you know for my hobbies. Do you want to join me?" Nagtama ang mata naming dalawa at kahit napakaraming bumabagabag sa kanya ay nakitaan ko ng pagkamangha ang mga mata niya. Mangha dahil hindi niya inaasahang isasama ko siya ng kusa. O mangha dahil umaakto akong walang nangyareng mabigat kanina.

"I'll come with you." sagot niya na tinanguan ko kaagad. Ramdam na ramdam ko ang napakaraming katanungan sa isip niya pero hindi niya nagawang isatinig ang mga ito and I'm thankful for that. Hindi ko 'rin alam kung paano siya sasagutin sa lahat ng mga tanong na ibabato niya. After we eat our dinner, he insist to wash the dishes. Hinayaan ko siya, nagtungo ako sa kwarto upang makaligo at makapag-bihis ng pantulog. After I change to my night sleepwear lumabas ako ng kwarto only to see Augustus looks so miserable in my couch. Tulala habang ang lalim ng iniisip. Napalunok ako ng makita siya sa ganuong ayos. Parang kumirot ang puso ko nang magtama ang mata naming dalawa. I saw the pain in it, not for him but for me. I smiled at him to say it by my own eyes- that I'm okay and theres nothing to worry about.

He held his hand. Gusto niyang hawakan ko ito at lapitan. Sinunod ko ang gusto niya, dahan-dahan akong lumapit at hinawakan ang kanyang kamay. Nang maglapat ang kamay naming dalawa. He slowly hug me from my stomach. Ilang minuto siyang nakayakap sa akin na parang iyon lang ang magiging paraan para mawala ang problema niya.

I played his hair using my bare finger. And then he let me sit on his lap. Ang pang-upo ko ay nasa kanyang kandungan habang naka-alalay naman ang kanyang kamay sa aking nakatabing binti.

He slowly tilted his head and examine my face. Kitang-kita ko parin ang pait sa mata niya ng makita ang pasa sa aking mukha. I smiled gently at him.

"Hindi ka ba uuwi? Madaling araw tayo aalis bukas." Tanong ko habang pinaglalaruan ang maliliit na balahibo sa braso niya.

"I'm sleeping here. Magpapadala nalang ako ng damit rito." I slowly nodded.

Turned to DustWhere stories live. Discover now