Umabot din ng mga twenty minutes ang byahe namin sa tubig na halos asaran ang nangyari. Sobrang thankful naman ako doon. Ayaw ko lang sabihin sa kanya at baka lumaki ang ulo niya.


"Mr. Matsunagi?" tanong ng isang lalaki habang pababa kami sa sinakyan naming bangka, barko, speedboat, ewan kung anong tawag doon. Basta iyon!


"Ako po!" hiyaw ni Ravi habang nakataas ang dalawa niyang kamay. Wala talagang hiya itong lalaking to. At mukhang napapatingin din ang mga babaeng kasama namin kanina, kulang nalang lumabas ang mga hugis puso sa kanilang mga mata. Halata naman kasing minamata nila si Ravi. Well, I can't blame him. May itsura naman siya, hindi ko lang talaga type.


Halos isang oras din ang travel time namin mula sa port papunta dito sa hotel kung saan kami magst-stay. Gusto ko ng humiga, nanginginig na ang pwetan ko sa ilang oras na nakaupo. 


Sobrang daming tao dito sa hotel, buti nalang talaga at nakapag-reserve na kami ng rooms. First time kong pumunta sa ganito kagarang lugar. Sana maganda rin ang rooms nila. May bathtub kaya? Nabasa ko kasi sa ibang magazine na masarap daw magbabad sa bathtub na may maligamgam na tubig at may bubbles. 


"Miss, ang binook ko ay two rooms with one bed each!" napatingin ako sa gawi ni Ravi habang kausap ang isang receptionist. Ano kayang nangyayari?


"Pasensya na po Sir, ang nakalagay po kasi rito sa aming reservation ay double size bed, in one room"


"Imposible ang sinasabi mo, Miss. Ako mismo ang nag-book ng reservation kaya paanong two beds, in one room? Ang pinindot ko sa app niyo is two rooms, one bed!"


"Pasensya na po talaga Sir, pwede ko naman po kayo ilipat pero after two days pa po kasi fully booked na po kami ngayon."


Gusto pa sanang sumbatan ni Ravi iyong receptionist na pulang pula na ang mukha sa kahihiyan nang tapikin ko ang braso nito. Hindi lang kasi si Ravi ang nagagalit ngayon kundi iba pang turista. Nakakaawa naman. 


"Ravs, okay lang sa akin" Wala naman kasi kaming choice kundi kunin iyong room. Kung tatanggihan pa namin baka wala na kaming matuluyan. Gusto ko na rin kasi magpahinga and I know Ravi is also tired kaya inaaway niya iyong receptionist.


"Sure ka ba, Nyx? Pwede naman sa iba nalang tayo." 


"Oo, Ravs. Baka wala na rin tayong mahanap. Ilang araw lang naman e" I could sense him eyeing me like he's not believing what I said. Pagod na talaga ako, baka dito na ako sa sahig ng reception area humiga 'pag hindi pa namin kunin ang room.


"Sige," matipid nitong sagot at  kinuha na ang susi ng room namin. Ngumiti nalang ako sa receptionist ng bulungan ako nito ng Thank you po ma'am.


Tahimik kaming umakyat sa room habang si Ravi lahat ang may bitbit ng dala namin. Wala talaga akong energy. Gusto ko nalang humiga buong hapon at maligo dahil tagaktak na ang pawis ko.


Pagbukas ni Ravi sa pintuan ng room namin. Natawa nalang kami kasi ginawa nilang pang bagong kasal ang ambiance. May dalawang tuwalya na nakahugis swan na gumagawa ng puso gamit ang leeg ng mga ito. Tapos puno pa ng pulang petals ang kama saka sahig nito.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Where stories live. Discover now