Chapter Thirty-four

74 3 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon matapos makarinig ng sunod-sunod na katok sa labas ng bahay. Nagbabasa kasi ako ng libro sa sala namin habang nakahiga ng bigla na lang may kumatok.

Napakunot ang noo ko at napatingin sa orasan na nasa divider sa sala namin. Pasado alas otso imediya na ng gabi. Sino naman kaya iyo—

Si Seven! Pupunta nga pala siya.

As if on cue naman ay nagsalita ang kumakatok na iyon.

“Ami, nandito na ako. Gising ka pa? ”

Rinig kong sabi ng maamong boses ni Seven kaya napatayo ako kaagad at lumabas ng pintuan ng bahay bago mabilis ang mga hakbang na tumungo sa gate upang pagbuksan siya ng pinto.

“Ang bilis, ah? Hindi naman halatang hinihintay mo ako?” may panunudyo sa boses na aniya na ikina-pula ng muka ko sa reyalisasyon.

Yeah, ngayon ko lang napagtanto na hinihintay ko pala talaga siya.

“S-sabi mo kasi sabay tayong maghahapunan.” pagdadahilan ko na ikinatawa naman niya bago pumasok sa gate na siya na mismo ang nagsara para sa akin.

“Sinabi ko nga iyon.” Sabi niya habang sinasara ang gate at pagkatapos ay humarap siya sa akin at mabilis na dinukwang ang noo ko upang halikan iyon.

Napasinghap ako sa ginawa aniya at awtomatikong napahawak sa noo ko kung saan niya ako dinampian ng halik.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya ng nagtataka. Ramdam ko rin ang pag-init ng pisnge ko dahil sa ginawa niyang iyon.

B-bakit ba ang hiling niyang halikan ako sa noo?

“Magandang Gabi, Ami!” nakangiti ng malawak na aniya sabay hablot sa pulsuhan ko at marahan akong kaladkarin papasok ng bahay.

“Tama na ang pagkatulala at kumain na tayo. Bumili ako ng fried chicken sa kanto. Kakaluto lang nito kaya paniguradong masarap.” masayang bulalas niya pa habang iginagaya ako sa loob ng bahay namin na animo'y siya ang may-ari niyon.

Hindi ako nakapag-salita at nakatingin lang sa likuran niya habang kinakaladkad niya ako papasok sa loob ng bahay namin. Dumaan kami sa salas at basta niya na lang inihagis ang bag sa sofa roon bago niya ako dinala sa kusina at saka ipinag-hila pa ng upuan bago niya ako paupuin ron.

He affectionately pat my head multiple times before smiling. Nakatingala ako sa kaniya at nakatulala pa rin habang ginagawa niya iyon. Wala pa rin ako sa tamang wisyo dahil sa ginawa niya kanina at sa inaakto niya ngayon.

“Sit still okay? Ako na ang maghahain. Let me serve you. Pambawi sa hindi pagsabay sayo kanina pag-uwi.” ngiting anito bago ako talikuran at galawin ang mga gamit sa kusina namin at nagsimula ng maghain.

“O-okay.”

Pinanood ko lang siyang kumilos habang naghahain sa hapag-kainan. Alam na alam niya na kung saan kukuhanin ang mga kagamitan na gagamitin namin. Gamay na gamay niya kung saan nakalagay ang mga iyon na animo'y bahay niya talaga ang bahay namin.

Well, technically, parang bahay na nga niya ito dahil madalas siya sa amin simula pa noong Junior high year namin matapos mag-krus ang aming landas.

Pumangalumbaba ako habang pinapanood ang likod niya. Nagsasandok na siya ng kanin ngayon sa isang malaking lalagyan.

His broad back is facing me. Kung makikita niya ang titig ko ngayon sigurado akong mabubuki niya ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Pero come to think of it, ano kayang nakain niya para umakto ng ganito. Hindi lang naman siya nakasabay sa akin ng pag-uwi pero palong-palo naman sa pag-bawi sa akin.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon