Nakahiga lang ako habang hinahaplos ni Aling Clara ang ulo ko. Huminga ako nang malalim at tumalikod sa kan'ya. Unti-unting tumulo ang luha ko, anong gagawin ko ngayong nakakulong na si Arturo?

Pumikit nalang ako at nagpahinga. Kailangan kong magtiwala kay Arturo. Alam kong may plano siya at tutuparin niya ang kasal na pangako niya sa akin.

Nang magising ako ay kasama ko parin si Aling Clara. Nakahilig ang ulo niya sa kama ko habang natutulog. Tumingin ako sa orasan at alas tres na ng madaling araw. Bumalik ako sa pagkakatulog ko dahil masyado pang maaga.

Kinabukasan ay naabutan ko si mama na nakaupo sa sala, wala sila papa at Gabriel dahil may inasikaso na trabaho. Natitiyak kong illegal nanaman iyon.

Hindi ko na pinansin si mama dahil alam ko kung ano ano nanaman ang sasabihin niya. Balak kong pumunta sa prisinto para makita si Arturo, para makita ang kalagayan niya roon.

Nagpasama ako kay Peter para hindi sila maghinala. Nang marating namin ang presinto ay agad kong hinanap si Kapitan.

"Maghintay lang po kayo dahil may inaasikaso pa po si Kapitan," sabi ng isang lalaking officer. Naghintay kami ni Peter sa labas ng opisina ni Kapitan hanggang sa lumabas siya kasama ang partner niya.

"Oh, Ms. Ezcurra? Anong sadya mo rito?" gulat na tanong ni Kapitan sa akin.

"Nais ko po kayong makausap. Nais ko pong sabihin sa inyo ang buong katotohanan," paliwanag ko at nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"About ba ito sa kidnapped for ransom na nangyari sa iyo?" tanong niya at dahan-dahan akong tumango.

Pinapasok niya ako sa opisina niya at naiwan sa labas si Peter. Naupo siya sa swivel chair niya at naupo naman ako sa tapat niya.

"Hindi po talaga si Arturo ang kumuha sa akin," paninimula ko at tumango-tango siya.

"Alam ko ang bagay na iyan, sinabi niya iyon sa akin," paliwanag niya. "Sa'yo ko lang ito sasabihin. Dating partner ko ang tatay niya sa serbisyo. Kaya malaki ang tiwala ko sa batang iyan, alam ko na rin ang illegal na gawain ni governor dahil siya ang asset namin," dagdag niya pa at nanlaki ang mga mata ko.

Alam ko na sa mga oras na ito ay dapat ko rin sabihin ang katotohanan tungkol sa mga maling ginagawa ni papa.

"Si Gabriel po ang kumidnapped sa aming dalawa ni Arturo. Inutusan niya po si Arturo na humingi ng pera kay papa kapalit ng buhay ko. Siya rin po at ang kapatid niyang si Margaret na nagtatrabaho sa Gitzie Bar ang pumatay kay Andrea na kapatid ni Arturo. At totoo pong may illegal na gawain si papa, kasabwat po niya si Gabriel sa lahat ng illegal na transaksyon niya," mahabang salaysay ko at tumango-tango naman si Kapitan.

"Huwag kang mag-alala, tinatrabaho nanamin iyan. Gumagawa na kami ng warrant of rest para sa sa lahat ng sangkot, lalo na kay governor. Mabigat na kaso ang kahaharapin niya," paliwanag niya at tumango naman ako.

"Kailan po makakalaya si Arturo?" tanong ko at bahagya pa siyang nag-isip.

"Hindi ko basta pwedeng palayain si Arturo dahil mahahalata nila ang plano. Magugulat ka nalang sa mga mangyayari," paliwanag niya at doon natapos ang pag-uusap namin. Agad niyang tinype ang testimonya ko para gawin din ebidensya.

Pinayagan ako ni kapitan para makita si Arturo. Nakita kong nasa maayos naman siyang kalagayan, hindi naman siya sinasaktan dito.

"Klare, what are you doing here? Baka malaman nila na narito ka," nag-aalalang sabi niya at hinawakan ko ang kamay niya sa pagitan ng rehas na bakal.

"Magiging maayos din ang lahat. Sinabi ko na kay kapitan ang lahat ay may plano sila para hulihin sila Gabriel at papa, kasama ang mga tauhan niya," paliwanag ko.

"Mag-iingat ka, lalo pa't malapit sa iyo si Gabriel. Gagawin ko ang lahat para makalabas nang maaga," paliwanag niya at hinalikan niya ang kamay ko.

"Kailangan ko ng bumalik. Kasama ko kasi si Peter, baka madamay pa siya," paalam ko at tumango naman siya.

Bago ako tuluyang umalis ay nilingon ko pa siya. Nakangiti siya sa akin at bahagya pang tumango.

"Magiging maayos din ang lahat, señorita. Naniniwala rin naman po akong hindi ganoon kasama si Arturo," paliwanag ni Peter.

"Maraming salamat at naniniwala ka sa kan'ya, Peter," nakangiting sabi ko.

"Hindi naman siya talaga ang dumakip sa iyo, hindi ba?" tanong niya at tango lang ang naisagot ko. Baka kapag sinabi ko ang totoo sa kan'ya ay idamay pa siya ng hayop na Gabriel na iyon.

"Oo nga pala, si Apollo? Kumusta siya?" tanong ko.

"Bumalik po siyang mag-isa sa rancho, nagtataka nga po ako dahil mag-isa siyang bumalik at para bang umiiyak. Magdamag po talaga akong hindi pinatulog ni Apollo," paliwanag niya. "Iyon po pala ay nadakip kayo," dagdag niya pa.

Bumuntong-hininga naman ako, mabuti ay maayos nakauwi si Apollo.

Nang makabalik kami ay naroon na rin sila papa at Gabriel, "Saan ka galing?" tanong ni papa at mama sa akin.

"Kasama ko po si Peter sa Angano Falls. Huwag po kayong mag-alala dahil wala naman po akong ginawang hindi maganda," paliwanag ko at nanliit ang mga mata ni mama sa akin, para bang sinusuri niya ako.

Bumalik na sa rancho si Peter para pakainin ang mga kabayo, lumapit naman sa akin si Gabriel nang mawala sila mama at papa.

"Saan ka nanggaling?" matigas na tanong sa akin ni Gabriel habang hawak niya nang mariin ang braso ko.

"Ano ba?! Bitawan mo ako dahil nasasaktan ako!" sigaw ko sa kan'ya. Pero imbis na bitawan ako ay mas diniinan niya pa ang pagkakahawak sa braso ko.

"Uulitin ko, oras na kumanta ka sa mga pulis ay hindi mo na makakasama pa ang pamilya mo. Hinding-hindi mo na rin makikita pa ang Arturo na iyon, naiintindihan?" pananakot niya sa akin.

"Hindi ako natatakot sa'yo," matapang kong sabi at itinulak niya ako nang bitawan niya ako. Bahagya akong napaatras at matapang akong tumingin sa kan'ya. Kahit pa malabo na ang paningin ko ay nakikita kong nag-uusok siya sa galit.

"Binabalaan kita, kaya kitang patayin sa sarili mong pamamahay," banta niya pa at umiling ako.

"Hindi ako natatakot mamatay, Gabriel. Higit sa lahat ay hindi rin ako natatakot sa'yo. Ikaw ang matakot, dahil alam ko na magiging kakampi ko ang batas!" sigaw ko sa kan'ya.

"Ano bang kaguluhan ito?!" pasigaw na tanong ni papa nang maabutan niya kaming nag-aaway ni Gabriel.

"Pinagsasabihan ko lang po si Klare na huwag masyadong naglalalabas, dahil maraming panganib sa labas," paliwanag ni Gabriel. "Pero minamasama niya po ang pagiging concern ko," dagdag niya pa.

"Wala naman sa labas ang panganib. Narito sa loob, nasa harapan ko pa mismo," matapang kong sabi ko at kumuyom ang dalawang kamao niya. Pinigilan niya ang galit niya sa harap nila mama at papa.

"Tama na iyan. Magkasundo na kayo dahil malapit na kayong ikasal. Ilang araw nalang ay magiging mag-asawa na rin kayo. Kaya ikaw Klare, matuto ka nang sumunod sa magiging asawa mo," paliwanag ni mama at nakita ko ang mapang-asar na ngisi ni Gabriel sa akin.

Padabog ko silang iniwan sa sala at ibinagsak ko ang pinto ng kwarto ko. Tingnan natin kung makangisi kapa ng gan'yang kalawak oras na lagyan kana ng posas, Gabriel.

Hayop ka talaga, may kalalagyan din ang isang kriminal na katulad mo. Hindi ko hahayaang matali ang sarili ko sa isang hayop na katulad mo.

Hintayin mo ang karma mo, Gabriel. Ikaw din mama at papa. Hintayin niyo ang karma ninyo. Magsasama kayong lahat sa kulungan.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now