Chapter 29

715 16 3
                                    

Lula's POV

Kusang napa atras ang mga paa niya palayo kay Thadeo. Halo halong emosyon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Saya, pananabik, kaba, lungkot at takot ang tila pumupuno sa dibdib niya. Alam niya sa puso niya na ganoon din ang nararamdaman ni Thadeo nang mga sandaling iyon.

Dapat ay masaya siya ngayong nagkita na sila ni Thadeo. Pero bakit lungkot at takot ang namamayani sa puso niya?

Parang nahihirapan siyang huminga habang pinipigilan niya ang mapaiyak. Ngunit wala siyang laban nang kusang bumagsak ang mga luha sa kaniyang pisngi.

Nakita niya ang mukha ni Thadeo na basa din sa luha. Kita din niya ang panginginig nang mga kamay nito. Ang mukha nitong punong puno nang pag suyo at pananabik para sa kaniya  ang siyang nag papagulo sa isipan niya ngayon.

Bakit ganito ang reaksyon ni Thadeo nang makita siya? Hindi ba dapat ay galit ito sa kaniya? Alam nito na nagtaksil siya dito pero bakit parang napakasaya nito ngayong nagkita sila?

Hindi ito dapat makaramdam nang pananabik na makita siya. Dapat ay mamuhi ito sa kaniya dahil sa mga malalaswang larawan na maaring ipinadala ni Bernice dito. Sigurado siya na hinding hindi na siya nito mapapatawad pa.

Pero bakit ganito ang reaksyon ni Thadeo?

"L-Love...." Humakbang palapit si Thadeo ngunit agad din siyang umatras. Nanginginig ang mga tuhod niya. Gustuhin man niyang tumakbo at lumayo ay hindi niya magawa. Bukod sa nanghihina ang mga tuhod niya ay mabigat na ang kaniyang tiyan. Mahihirapan na siyang makatakbo.

Love. Kay tagal niyang inasam na muling marinig iyon mula dito. Pero karapat dapat pa ba siya para sa pagmamahal nito?

Napa hawak siya sa tiyan niya nang makita niya na tumingin doon si Thadeo. Kita niya ang pagkinang nang kasiyahan sa mga mata nito habang nakatingin sa malaking tiyan niya.

"Please, Love...don't walk away from me...l-lets talk about what happen..." Nag susumamo ang boses ni Thadeo. Lumapit ulit ito sa kaniya ngunit umatras ulit siya.

Talk? Ano pang pag uusapan nila? Hindi na nga dapat silang nagkita nito. Malaki ang kasalanan niya dito pero bakit ganito pa ang ginagawa nito sa kaniya? Pinapahirapan lang nito ang kalooban niya.

Huminga siya nang malalim upang kumalma. Pinunasan niya nang kamay ang pisngi niya niyang basang basa nang luha niya.

"P-Para saan pa, Thadeo? Hindi pa...ba m-malinaw sayo ang lahat? Nakita mo naman siguro ang mga larawang ipinadala sayo ni Bernice diba? P-Pero bakit...b-bakit nandito ka? Hindi ka na dapat nag punta dito...." Muli siyang umatras ngunit lumapit lang muli si Thadeo.
"W-Wag kang...l-lumapit, please..." Nanginginig na itinaas niya ang mga kamay upang palayuin ito sa kaniya.

Malungkot na huminto naman ito sa paglapit sa kaniya. Ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kaniya. Napa kalapit na nito sa kaniya. Gustong gusto na niyang mayakap muli ito ngunit pinigilan niya ang sarili.

"Oo. I already saw the pictures. Ngunit naniwala ba ako sa mga nakita ko?" Umiling si Thadeo. Mapait na ngumiti ito.
"I don't believe any of  those bullshit, Lula. Alam kong pawang kasinungalingan ang lahat nang iyon."

"P-Paano mo sabing hindi totoo ang mga iyon, Thadeo? Kahit sinong makakakita sa mga larawang iyon ay malalamang nagtaksil ako sayo! Hindi mo ba naisip na maaaring niloloko lang pala kita simula noong una pa lamang? Na totoo ang mga sinabi ni Bernice sayo?!"

Muling umiling lang si Thadeo. Gusto niya nang sigawan at paalisin ito sa lugar na iyon. Napakabigat na nang dibdib niya nang mga sandaling iyon. Napaka layo sa naiisip niya ang naging reaksyon ni Thadeo nang mga sandaling iyon. Natanggap na niya sa sarili niya na Hindi na siya mapapatawad ni Thadeo. Natanggap na niya na kinamumuhian na siya nito. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyayari sa oras na muli silang magkita nito.

Thadeo Alvaro EstevezWhere stories live. Discover now