Chapter 14

888 18 0
                                    

Lula's POV

Ipinasa niya kay Thadeo ang dalawang bath towel. Isa para kay Goldie at isa naman para kay Miles.

Nag sabi si Thadeo na siya daw ang mag papaligo sa kambal ngayong umaga. Kaya naman nandito sila ngayon sa banyo na karugtong lang ng silid nang kambal. Si Thadeo ang nag paligo sa mga bata. Kasama nito ang kambal sa bath tub habang masayang naglalaro ang dalawa nang mga laruan na binili pa ni Thadeo para sa mga anak.

Naka suot lang nang swimming short si Thadeo habang naka hubad sa pang itaas. Nahihiya pa rin siyang titigan ito kahit na nakita na naman niya ang lahat lahat dito.

Hindi niya maiwasang maalala ang mga nangyari sa kanila ilang  araw na rin ang nakakalipas.
Tandang tanda pa niya kung paano siya ikulong ng matitipuno nitong mga bisig. Kung paanong nadama niya ang kapanatagan habang yakap siya nang mga bisig nito. Ang malapad nitong mga balikat at tila nag bibigay sa kaniya nang seguridad sa tuwing nakasandal siya dito. Hindi niya maiwasang pamulahan habang naiisip ang mga iyon. Napa buntung hininga tuloy siya. Nandito siya ngayon sa banyo kasama ang kaniyang mag aama, naliligo habang kung ano ano naman ang pumapasok sa isip niya. Napa iling iling siya sa sarili.

"Baby, are you okay?" Ang naka kunot noong tanong ni Thadeo sa kaniya. Naka titig ito sa kaniya habang nasa kandungan nito ang kambal.

Tumango siya dito at nahihiyang ngumiti.

"O-Okay lang ako." Ang sabi niya dito. " Akin na si Goldie, ako na ang mag tutuyo sa kaniya." Aabutin sana niya si Goldie, ngunit agad na umiyak si Miles. Tila gusto din nitong mag pa buhat sa kaniya.

Napatawa naman sila ni Thadeo dito.

"You know what? I can really say, that Miles is definitely a Mama's boy." Ang natatawang sabi ni Thadeo habang iniaabot si Miles sa kaniya.

"Siya nga anak? Hmm? Love na love lang ni Miles si Mama, diba?" Pinupog niya ang halik si Miles na ikinatawa na nito.

Umahon na din si Thadeo sa tub habang buhat nito si Goldie.

Nang mapunasan nila nang towel ang kambal ay binihisan na din nila ang dalawa. Nag tuloy naman si Thadeo sa silid nila upang mag shower.

Mayamaya ay may kumatok sa silid. Sumungaw sa pinto ang mukha nina Mila at Hanna.

"Good morning!" Ang masayang bati ni Mila at Hanna sa kanila.

"Good morning din sa inyo." Ang nakangiti niyang bati sa dalawa.

Lumapit si Mila sa kama nang naka halukipkip.

"Hay, Lula. Mabuti at magaling ka na. Aba, marami kang dapat ikuwento sa amin, hindi ba, Hanna? Kung sa tingin mo ay makakatakas ka sa Amin, nagkakamali ka." Nakataas ang Isang kilay na kinuha nito si Goldie.

Napangiwi siya sa sinabing iyon ni Mila. Alam naman niya na binibiro lang siya ni Mila. Ngunit Hindi para rin niya maiwasang mahiya dito. Napatingin siya kay Hanna at alanganing napangiti.

"Tumigil ka nga diyan, Mila. Hayaan mo si Lula na kusang magkwento sa atin. " Inirapan ni Hanna si Mila bago nakangiting Tumingin sa kaniya. " Ang totoo niyan ay hindi mo naman kailangang mag paliwanag sa amin, Lula. May kaniya kaniya tayong kwento nang buhay at iginagalang namin ang sa iyo."
Ang sabi ni Hanna sa kaniya.

Nginitian niya ang dalawang babae. Masaya siya na nauunawaan ng mga ito ang naging sitwasyon nila ni Thadeo.

"Maraming salamat sa inyo, Hanna, Mila. Salamat sa pang unawa ninyo sa amin." Nakangiti niyang sabi sa dalawa." Tama naman si Mila. Marami talaga akong dapat ikuwento sa inyo."

Thadeo Alvaro EstevezWhere stories live. Discover now