Chapter 4

1K 21 3
                                    

Thadeo's POV


Maagang siyang nagtungo sa bakahan upang tingnan Ang mga bagong panganak na baka. Sumunod ay tinungo niya ang manukan at babuyan. Bago pa lang sila sa pag aalaga nang mga hayop dahil halos mga agricultural crops ang produkto ng hacienda.

Pagkatapos niyang mabisita ang buong hacienda ay agad na siyang umuwi sa mansion.

Excited siya sa pamamasyal nila ni Luella, kasama ang kambal. Alam niya na halos nalibot na ni Luella ang buong hacienda, ngunit mayroong isang lugar na alam niyang hindi pa nito napupuntahan. At iyon pinaka paborito niyang lugar sa buong hacienda. At excited siyang madala doon ang mag iina niya.

Bukod doon ay may balak siyang kausapin ng masinsinan si Luella. Dapat ay noon pa niya ito kinausap, noong unang beses na malaman niya na anak niya sina Miles at Goldie.

Na si Luella pala ang babaing hinahanap niya.

Muling bumalik sa kaniyang alaala ang nangyari nang umagang iyon. Nagising siya kinabukasan na mag isa na lang sa kubong iyon. Ngunit sigurado siya na hindi siya nag iisa nang nakaraang gabi na iyon.

He knew he shared an intimate night with someone. And he really felt that he knew her. Hindi lang niya matukoy kung sino.

Nang gabing iyon, may isang salu salo na ginanap sa mansion para sa mga manggagawa nang hacienda. Taon taon ay ginagawa nila iyon, usually after ng masaganang ani nila nang pinya, kung saan ang Hacienda Estevez ang isa sa pinaka may malaking produksyon ng pinya sa buong probinsiya nang San Diego.

He was so drunk that night that he didn't know what he's doing. He remember that he went to accompany Tatang Sergio to his home with some other workers.

Natatandaan niya na mag isa na lang siyang umuwi noon. Nag sisimula noong umulan. At nang bumuhos na nga ang ulan ay sumukob siya sa isang lumang kubo na malapit sa isang maliit na batis. Isa iyon sa lumang pahingahan ng mga nag tatrabao sa bakahan na malapit lang din sa lugar na iyon.

Ang gulat niya nang hindi pala siya nag iisa sa kubo na iyon.

There was this mysterious woman lurking on the dark corner of the hut. She seems to be drunk too. Naisip niya na isa din siguro ito sa trabahador nang hacienda dahil tinawag siya nitong sir.


They talked for hours and he felt something he never felt before. She was easy talk like, he's talking to a friend. Halata sa boses nito na naka inom din ito gaya niya.

Hindi niya alam kung paanong Ang simpleng pag uusap nila nang babaing iyon ay nauwi sa pag iisa nang kanilang mga katawan.

Saka lang niya na pagtanto na sa umpisa pa man ay nandoon na ang pagnanasa na pilit nilang pinaglalabanan ngunit hindi nila magawang paglabanan. Hanggang sa kusa na lang silang sumuko sa apoy ng pagnanasa.

They shared a passionate night together. Pakiramdam niya noon gabing iyon ay natagpuang na niya ang nawawalang bahagi ng pagkatao niya. Na tila ba napunan ang isang malaking bagay sa buhay niya.

When he woke up that morning and realize he's alone on the hut, he knew something has changed in him. He knew the night before was not a simple one night stand.
It was more than that.

Ibang iba ang mga naramdaman niya ng nagdaang gabi sa piling ng babaing iyon, kumpara sa ibang mga babaing naka one night stand niya. Sa ilang taon na hindi na sila nagsasama ni Anecka, mayroon na din siyang mga babaing naka hook up. Pero hindi siya kailanman nakipag relasyon sa mga iyon.

After that night, he tried to find the mystery woman. To the point na halos mag imbestiga na siya sa lahat ng mga kababaihan na nakatira sa loob ng Hacienda. But he realize that it's hard to find someone if you haven't got a single clue about the person.

Thadeo Alvaro EstevezWhere stories live. Discover now