Chapter 6

1K 23 0
                                    

Lula's POV

Kita niya ang pag sisisi at lungkot sa mukha ni Sir Thadeo. Bakas din ang paghihinayang sa boses nito.

"You know that time I'm still with my ex wife right? Kahit na wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa nangayri sa atin, alam ko naman na hindi iyon ang gusto mo. I want to protect you and our children."

Hindi niya alam na ganoon pala ang tingin nito sa kanilang mag iina. Na iniisip din pala nito ang kapakanan niya at nang kambal.

" I waited for the right time to talk to you about our children. Naisip ko na kausapin ka pagkatapos maibaba ng korte ang annulment namin ni Anecka.
And here we are, Lue. Nandito na ako. Nandito na ako para sayo at sa mga bata." He said seriously.

Gusto niyang maiyak sa mga sinabi nito. Dama niya ang sinseridad sa bawat katagang sinasabi nito sa kaniya. Ramdam niya ang hindi maitatangging pangungulila nito sa mga anak nila.

Alam niya noon pa man na magiging mabuti itong ama sa kambal.

"Honestly the job offer is just a part of my plan , Lue. Of course I don't want you to work for me at the mansion. I invite you to live with me so that I can take care of you and our children." Ang seryosong pag amin nito sa kaniya.

Agad na nakaramdam siya nang pag iinit ng mukha. Hindi niya maiwasang kiligin sa tuwing binabanggit nito ang salitang "Ikaw at Ang kambal" at hindi ang "kambal" lang.

Hindi tuloy niya maiwasang isipin na importante din siya dito at hindi lang ang kambal.

Totoo ba Ang lahat ng ito? Hindi ba siya nangangarap lang nang gising? Ang lakas nang kabog Ng dibdib niya nang mga sandaling iyon. Parang hindi yata totoo Ang mga nangyayari sa kaniya nang mga sandaling iyon.

Pero heto siya ngayon at kasama si Sir Thadeo, ang ama ng kaniyang kambal. Nakatitig sa kaniya ang mga nangungusap nitong mga mata na tila nagsasabi na paniwalaan niya ang lahat ng sinasabi nito. Na lahat ng sinasabi nito ay pawang katotohanan lang.


At sino Naman siya para pagduduhan ang intensiyon nito sa kaniya at sa kambal?

"H-Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..." Nalilito pa rin na sagot niya sa mga sinabi nito. Sa totoo lang ay nabibilisan pa din siya sa mga nangyayari. Parang kahapon lang ay nag iisip siya kung tama bang ipag tapat na dito ang katotohanan ngunit heto sila ngayon at papasok sa bagong yugto ng buhay nila bilang magkatuwang na mga magulang sa kanilang mga anak.

Hinawakan ni Sir Thadeo ang mga kamay niya na nasa kandungan niya. Hindi niya maiwasan ang pag iinit ng mukha sa ginawa nito. Dama niya Ang init na nag mumula sa mga kamay nito.

"Alam ko na naguguluhan ka pa. But I want you to know that I'm just right here. We're going to do this one step a time. I'm not going to rush you. What's important is I am here now for you and for the twins. Just say yes, and I take care of everything." Ang sabi nito sa masuyong boses. Puno ng sinseridad ang bawat kataga nito.
At wala siyang nagawa kundi ang tumango dito. Hindi niya alam kung para saan ang pag sagot niya nang oo dito pero iisa lang ang alam niya at gusto niya. Iyon ay ang maranasan ng kaniyang mga anak kung paano mag karoon ag Isang ama.

Kung ano man ang plano nito para sa mga anak nila ay magiging katuwang siya nito sa lahat mg iyon. Gagawin niya ang lahat ng iyon para sa mga anak niya. Dahil alam niya na deserve naman ng mga anak niya na makasama ng mga ito ang ama ng mga ito.

Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ni Sir Thadeo. Parang masisilaw siya sa kinang ng ngiti nito sa mga labi. Ngayon lang niya nakita na ngumiti ito nang ganoon. Kilala ito sa buong hacienda na isang seryosong tao, at hindi palangiti. Pero ngayon, tila nakuha na nito ang pinaka magandang regalo sa buong mundo.

Thadeo Alvaro EstevezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon