Chapter 20

738 9 0
                                    



Lula's POV



Gusto ni Thadeo na ipasyal nila sa mall na nasa bayan ang kambal. Dalawang araw na ang nakaka lipas simula nang makabalik sila mula sa Maynila.



Na missed sila nang husto nang kambal lalo na siya halos hindi na humiwalay sa kaniya sina Goldie at Miles. Sobrang na missed din niya ang mga anak kahit na isang araw lang naman silang nawala ni Thadeo sa mansion.



Kaninang umaga lang ay sina Gon at Zar naman ang nag tungo sa Maynila. Mag sisimula ang bagong project nang kumpaniya  nila kaya kailangan nang mag tungo nito doon. Habang si Zar naman ay may kakausapin ding kaibigan sa Maynila kaya sumabay na ito sa kapatid.



Nag iiyak sina Miles at Goldie nang umalis ang mga nakatatandang kapatid. Talagang napalapit na ang loob ng mga anak niya sa mga kuya nito. Labis din siyang nag papasalamat sa mga ito dahil sa pag aalaga at pag babantay ng mga ito kina Miles at Goldie habang wala sila doon ni Thadeo.



Kaya naman para sumaya at malibang ang kambal, naisip ni Thadeo na ipasyal sa mall ang mga bata. Tanghali nang mag punta sila doon. Sa mall na din sila nag tanghaliang mag anak. Agad naman na bumalik ang magandang mood ng kambal habang namamasyal sila. Pinag laro nila ang kambal sa isang indoor playground. At talaga namang nag enjoy ang kambal sa paglalaro. Hindi tuloy niya maiwasang hindi kuhanan nang picture ang mag aama niya. Kita niya sa mga mata ni Thadeo ang pag mamahal nito sa mga anak nila. Sinisigurado lagi ni Thadeo na safe sa pag lalaro ang kanilang mga anak.



"Marami kang nakuhang picture?" Ang humihingal na tanong ni Thadeo. Naupo ito sa tabi niya habang pinag mamasdan nila ang mga anak nila sa malapit na nag lalaro ng malalaking building blocks.



Nakangiting tumango siya dito. Ipinakita niya dito ang mga larawang kuha niya sa camera ni Thadeo. Mas lumapit pa si Thadeo sa tabi bago hinawakan ang kamay niyang may hawak sa camera. Nakangiti ito habang isa isang tinitingnan ang mga picture nila kasama ang kambal. May kuha din sila kanina sa fastfood chain na kinainan nila kaninang tanghali.


"I will send this pictures to Gon. Zar has no social media account so he'll have to ask his brother if he wants to see this pictures." Ang sabi pa ni Thadeo na naka tingin pa din sa pictures.


"Mag picture din tayo mamaya sa mansion." Ang sabi niya dito. Ang mga mata ay nakatutok sa mga anak.


"Sure. " Thadeo smiled at her then wrapped his arms around her shoulder. Napangiti naman siya ginawa nito at inihilig ang ulo sa balikat nito.


Maya maya ay naramdaman niya ang pag buntung hininga ito.


"The kids are growing so fast. Naglalakad na sila ngayon. Hindi natin namamalayan, papasok na sila sa nursery school." May tinig na hindi makapaniwala ang boses ni Thadeo. Hindi niya maiwasang mapahagikhik sa sinabi nito.


"Mag da dalawang taon pa lang sila, Thadeo. Hindi pa sila pwedeng pumasok sa school." Ang natatawa niyang sabi dito.


"Well, they can go to playschool if they want too. There, they can meet new other kids they can play with. It's good for them because they will learn to socialize with other kids." Ang sabi ni Thadeo sa kaniya.



Napa isip naman siya sa sinabi nito. Naririnig na niya ang tungkol sa mga playschool. Naisip niya na maganda din naman siguro iyon para sa social  development ng kambal.



"What do you think? We can enrol them to a playschool this year or next year. That is, if you want to." Ang untag sa kaniya niya Thadeo.


Napa buntung hininga siya. Sasagot sana siya ngunit nakita niyang naglalakad si Miles patungo sa kaniya kaya nakangiting iniabot niya ang kamay sa anak. Nakangiting lumapit si Miles sa kaniya pagkatapos ay naupo sa kandungan niya. Nakatanaw pa din sila kay Goldie na mag isa nang nag lalaro.



Thadeo Alvaro EstevezWhere stories live. Discover now