Chapter 18

754 9 1
                                    


Lula's POV


"It's so good to see you again, Thadeo!"

Ngumiti si Thadeo sabay tanggap sa kamay ng kaharap. Nag yakap ang dalawang lalaki nagtapikan ng likod.

"Akala ko hindi mo na naman papansinin ang invitation ko eh. But now, you really surprise me, bro." Ngumiti ang matangkad na lalaki sa kaniya. "She must be Luella?"


"Yes. My fiancee. Luella, this is Sylvan, my long time friend since college days."

Inabot niya ang kamay na inilahad ni Sylvan bago kiming ngumiti.

"A-Ahm...nice meeting you po..."

Napatawa naman si Thadeo at si Sylvan.

"Please! Don't call me po. It's my birthday today, but I'm not that old pa naman. Mag ka age lang kami nitong si Thadeo eh. Just call me Sylvan. Or you can call me Handsome Sylvan." Pabirong kinindatan siya ni Sylvan na ikini iling lang ni Thadeo.

Natawa na din siya sa sinabi ni Sylvan.

"Don't use your flirting skill on my fiancee, man. Baka gusto mong isumbong kita kay Amelia?" Ang pananakot naman ni Thadeo dito.

"Oh no, please. Don't stress my wife now. She needs be calm and happy. It will be good for our baby." Ang nakangiting Sabi naman ni Sylvan. Bakas ang excitement sa boses nito.

" Indeed. Congratulations by the way. You guys, hit it again." Pabirong bati ni Thadeo kay Sylvan.

"Congratulations sa inyong mag asawa." Ang nahihiya pa din niyang bati dito. Inilinga niya ang mata sa paligid. Marami na ding bisita sa loob ng magarbong mansion ni Sylvan, kasing laki nun ang mansion ni Thadeo sa Hacienda.

Malapad na ngumiti si Sylvan sa kanila.

"Thanks, Lue. Can I call you Lue?Kung hindi mamasamain nitong fiancee mo?" Tinaasan Ng kilay ni Sylvan si Thadeo.

Nginitian nman niya ito sabay tango.

"Good. Doon tayo sa loob. Ipapakilala kita sa asawa ko. I'm sure mag kakasundo kayong dalawa nun." Iginiya Sila ni Sylvan papasok sa bahay.


May Ilan sa mga bisita ang bumati kay Thadeo. Ipinakilala din siya nito sa mga iyon at hindi nakaligtas sa kaniya ang gulat sa mukha ng mga iyon nang ipakilala siya nito bilang fiancé nito. Pinili niya na wag na lang bigyan ng kahulugan ang reaksyon ng mga kakilala ni Thadeo sa kaniya. Nandoon siya para suportahan si Thadeo at makisaya sa kaarawan ng kaibigan nito.

Lumabas sila sa may garden kung saan nandoon ang ibang mga bisita, maging kung saan nandoon ang buffet ng pagkain at ang mga tables and chairs.


"There she is." Mayamaya ay sabi ni Sylvan. Kinawayan nito ang Isang maliit at maputing babae na naka suot ng pink na bestida. Ito na marahil ang asawa ni Sylvan.

Lumapit naman sa kanila ang babe na nakangiti. Ngunit mas lumapad ang ngiti nito nang makita sila ni Thadeo, partikular sa kaniya.

"Thadeo! Thank you, at nakarating din kayo. Is she the new fiancee?" Ang nakangiting bati sa kanila ng babae. Saka lang niya napansin ang umbok sa tiyan nito.

Ngumiti si Thadeo dito bago matamis na tumingin sa kaniya.

"Yes. She's Luella. My beautiful bride to be." Sa kaniya nakatingin si Thadeo. Bakas ang matamis na ngiti sa mga labi nito para sa kaniya. Para bang siya lamang ang nakikita nito sa mga oras na iyon base na rin sa klase ng pagtitig nito sa kaniya. Naramdaman din niya ang pag higpit ng mga kamay nito sa kaniya. Hindi tuloy niya mapigilan ang pag iinit ng mukha niya.


Thadeo Alvaro EstevezWhere stories live. Discover now