I am already suffering to forget about my feelings for him... Pero ngayon hindi ko na kayang itago na lang!

I fakingly cried and sighed. “Pagod na pagod na ako sa pag-ibig, sa tuwing sinusubukan kong kalimutan siya, lagi naman siyang nagpapakita" Tahimik kong sinabi sa sarili ko.

Ayoko talagang mahirapan kagaya ng dati, dahil kahit kailan hindi ko talaga sinubukang kunin ang atensyon ni Andre para mapansin niya ako, pero ngayon... hindi ko na alam.

Pinipilit kong iwasang mag-isip masyado, kaya naghahanda na lang ako. Nagsuot ako ng dilaw na simpleng bistida na pumupuri sa kulay ng aking balat, nagsuot ng natural na make up, at pagkatapos ay nagsuot ng Saint Laurence heals. 

Inabot ako ng dalawampung minuto para makapaghanda, at habang ginagawa iyon, iniiwasan ko ang masamang pag-iisip, siyempre para hindi masira ang mood ko para sa araw na ito.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, pero habang naglalakad pababa, narinig kong may kausap si Andre. boses yun ng ibang lalaki.

Sumilip ako at nakita ko ang dalawang lalaki na nag-uusap.

Shit, I'm fucked up...

Agad akong nakaramdam ng hiya ngayon, nakita ako ni Hiro, pero tumalikod lang siya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Natigilan ako nang hindi niya ako pinansin. 

Putangina naman. Hiro and I haven't even talked properly, tapos a new problem has come?

Tangina, akala ko matatapos na kalbaryo ko kasi nararamdaman ko nang magiging ayos na ako. Pero bakit parang ayaw ako pagbigyan ng langit sa kagustuhan kong sumaya? Kahit kaunting konsiderasyon naman, Lord, sumaya lang ako kasama ang mga kaibigan ko. Pero bakit tuwing sasaya ako kailangan may isang tao ang lalayo? Hindi ba puwedeng sumaya na wala akong nasasaktan na tao?

And now Hiro hates me, I lied to him that I am feeling sick and told him not to come here. Pero makikita lang niya akong may kasamang ibang lalaki, maganda ang suot. And what worst magkaibigan silang dalawa. 

I feel so terrible...

Tumahimik ako ng ilang segundo bago hinabol si Hiro. Tinawag ni Andre ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at dumiretso sa labas.

"Hiro, wait! Saglit lang, please!" Tawag ko, pero patuloy lang siya sa paglalakad.

Nakalabas na siya ng gate pero nakasunod pa din ako sakaniya. Dahil naka heals ako, hinubad ko ito at agad na hinigit ang kamay ni Hiro.

"What the fuck, Maxine?!" Singhal saakin ni Hiro na agad kong ikinagulat.

"Anong bang problema?!" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Ikaw! Matagal ka nang nawala, at na-miss kita! Nag-alala ako ng matagal! Iniisip ko kung okay ka lang, kung kumain ka na, kung may pakialam ka pa ba sa pag-aaral mo!" singhal ni Hiro na ikinatulala ko.

Naalala ko na hindi ko pa pala nasasabi kay Hiro ang totoong nangyari sa akin, ngayon alam ko na kung bakit parang excited na excited si Hiro na makita ako. At kung tutuusin, kaibigan ko siya.

Tahimik kaming dalawa na nakatingin sa isa't isa, kitang kita ko sa mukha ni Hiro ang lungkot. Gusto ko talagang sabihin sa kanya ang nangyari. Pero pagod na akong bumalik sa mga pangyayaring sumira ng buhay ko. 

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now