Chapter 16

46 3 0
                                    

After class ay nagplano kaming magkita-kita nila Hanako para sa event

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


After class ay nagplano kaming magkita-kita nila Hanako para sa event. Unfortunately, hindi makakasama si Daisy dahil may family plan sila. Pinilit pa niya akong sumama, pero hindi rin naman pala pupunta ang loka.

"Hindi nanaman sasama ang loka?" Tanong ni Harvey.

I shrugged and shook my head. "As usual... siya pa namilit sa'kin na sumama." Tugon ko.

"So what's the plan? Tutuloy ba tayo? Mukhang madami kasing tao sa farewell e." Umupo sa bench si Harvey at tamad na sumandal.

Sumunod naman si Hanako at sumandal din. Mga pagod na talaga sila.

"Nandito naman na din tayo, guys, tara na." Yaya ko sa kanila sabay higit sa mga braso nila.

Nakarating na kami sa farewell and gosh ang daming tao kung saan-saan. Sa lahat ng dako ay mukhang puno, booth after booth, isang banda na gumaganap, at kahit na mga palaro ay hindi mawawala.

"Bakit hindi tayo na-inform tungkol dito?" pasigaw na tanong ni Harvey dahil maingay ang paligid.

"Every student that is busy can not be informed for something like this, so don't expect, Harv." Sigaw pabalik ni Hanako.

Nagpaikot-ikot kami sa buong lugar, at hindi kami nagsisi na tumuloy dahil masaya naman pala. Sinubukan namin ang iba't ibang uri ng pagkain, laro, at sumabay din kami sa mga kumakanta sa karaoke booth 

Pero nung nakatayo ako habang nanonood ng performance ng isa sa banda. May humawak sa kamay ko at nilagyan ako ng posas.

Nagulat ako at hindi agad nakareact dahil mabilis akong hinila papunta sa jail booth. 

Sinigawan ko ang humila sa akin papasok doon at tinanong kung sino ang nagpakulong sa akin. He just playfully smirked at me at saka naglakad palayo. Pero paglingon ko ay nakita akong hindi ko inaasahang nandito.

Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin habang hindi ko siya pinansin.

"I told them to lock you up here with me para walang makaistorbo sa atin. Maxine, I want to apologize." Wika ni Andre habang papalapit sa akin.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Walang dapat ihingi ng tawad, Andre..."

"No, Maxine, if I had known then that you needed me, I would not have listened to you and walked away. I wish I hadn't avoided my feelings for you and listened to my heart." Malumanay niyang sabi habang marahang hinawakan ang kamay ko. Tinitigan ko siya ng blangko at saka ngumiti.

"Andre, nakaraan na ang lahat ng iyan, let's just.... Pwede bang kalimutan na lang natin ang lahat ng iyon? We're already adults, and I wanna live a new life again without those burdens," Marahan kong inalis ang kamay niya mula sa kamay ko.

"I don't want to live every day thinking about our past mistakes... and to be honest, I've became so happy because I've recovered from those past," I added.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now