Chapter 5

83 7 11
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"H-Huh?" May pagka biglang kong tanong kay Andre.

Nagbuntong-hininga siya."I checked the cctv monitor, kanina. I asked the security to check the recording from yesterday." Paliwag niya habang isinandal ang likod sa pader.

Agad na lumaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko naman inaasahan na kaya niyang mag abala para lang dun. Hindi ko rin alam kung para saan pa?

"Why did you do that? Nadamay ka pa tuloy sa problema ko." I said to him while letting out a sigh.

Isa pa ay ayoko siyang madamay sa mga kagaguhan ko. We're new here, too. It's not good if he gets into trouble.

He just looked at me and shrugged. "What must be done must be done. I can't just let anyone get harassed. And, Maxine, you know what you need to do. You're a law student." Seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. 

Umiwas ako ng tingin sa kanya habang bumuntong-hininga. Ang daming pumapasok sa isip ko. Alam kong kailangan kong gawin ang tama. Ngunit kung gagawin ko iyon alam kong magsisimula ito ng bagong problema. Kasi may buhay din sa labas ng campus. At hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung mapapatalsik ang lalaking iyon dahil sa akin.

Muli akong napabuntong-hininga at tinignan siya ng may pagod sa mga mata. "Pagod na akong makipag-away sa mga tao, Andre. Kung irereport ko ang lalaking iyon, mas mabuti na lang na huwag na." I said calmly.

He sighed and looked away. As if not knowing what to do. "Maxine, I know this is a big problem. But will you just let him approach you and experience more of it?" Seryosong sabi niya na may seryosong mukha. Mukhang nag-aalala rin siya.

Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Thank you for your concern, Andre. Pero kahit na i-report ko ang mga nangyari sa direktor, wala siyang gagawin." I said with a laughing tone.

Saka niya ako tinignan ng mataman. Parang gusto niyang maglabas ng salita pero nanatili lang siyang tahimik.

We stayed inside the janitor room for quite some time. We didn't move and just sat quietly. The atmosphere was a bit awkward, so I decided to look at Andre.  Pero nung tumingin ako sa kanya. Nakatingin na siya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at tumingin sa baba habang nilalaro ang mga daliri ko. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. At nagsisimula na ring uminit sa kinauupuan ko. Para bang nagsisimula nang uminit ang pwet ko.

After a few minutes, Andre cleared his throat and stood up. I looked at him as I followed suit.

"Tara na, mukhang wala naman na sila." He said as he opened the door. He poked his head out of the door and looked left and right outside.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now