Chapter 20

42 2 0
                                    

Bawat bahagi ng mundong ito ay may dahilan, para mabuhay, magmahal, tumulong, at makiramdam

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Bawat bahagi ng mundong ito ay may dahilan, para mabuhay, magmahal, tumulong, at makiramdam...

It's been a month since Andre started courting me. And he is a very generous guy as I expected.

"Maxine, sunduin kita mamayang alas-singko ng hapon, get ready, okay?" sabi niya through phone call.

Napangiti ako. "Okay, po... pero nasaan ka?"

"Flower shop, nakita ko kasi na may tinda silang black tulips, and I want to get it for you," mahinahon niyang sagot.

Mas lalo akong ngumiti. "Hindi na kailangan, pero salamat,"

"Baliw, nililigawan kita, kaya kailangan kong ibigay ang gusto mo," tugon niya.

napahagikgik ako. "Mas baliw ka, hindi mo naman need na ibigay sa'kin lahat, ikaw lang sapat na," ani ko.

Natahimik siya saglit, at alam kong natutuwa siya sa sinabi ko. And with that narinig ko ang paghinga niya sa microphone. 

"Maxine..." tawag niya sa pangalan ko.

"Ano?" Tugon ko.

"Mahal na mahal kita..." malambing niyang sagot.

I was speechless, kahit through phone call ay naririnig ko pa rin ang sincerity niya.

"Ay, oo, alam ko," pabiro kong tugon.

Humagikgik lang siya. "I'm glad you know, okay, imma hung up now, see you, babe."

Nanlaki ang mata ko. "Hoy, hindi mo ako babe!" bulalas ko.

"Hindi pa," saka niya ibinaba ang tawag.

Napakatigas ng ulo niya, pero masaya ako na ipinapakita niya ngayon sa akin ang kabilang side niya. Napapansin ko rin na sa tuwing binababa niya ang tawag ay hindi siya nagpapaalam. 

Pero tatanungin ko siya mamaya tungkol diyan. At dapat maghanda na ako para sa date namin. Day off namin ngayon dahil nagtatrabaho kami nitong mga nakaraang linggo. Kaya sa tingin ko ay nararapat naman dapat na magpahinga at magpalamig kaming dalawa.

Nakasuot ako ng simpleng dilaw na floral dress at puting sandals, habang itinali ko naman ang buhok ko. Naka-light make up din ako para makita pa rin ang natural beauty ko.

It's already four thirty, so I'm guessing na papunta na si Andre. Natapos na rin akong maghanda.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mahinang katok sa pintuan ko. Excited akong tumayo at inayos ang sarili ko, at pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang isang gwapong Andre na nakasuot ng simpleng polo na pinaresan ng itim na slacks.

Halos tumigil ang puso ko, at huminto sa paghinga. Nakasanayan ko na siyang makita every day with his formal attire sa work, at nakakalimutan ko kung gaano talaga siya kagwapo, with just wearing a casual outfit.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now