Kabanata 47

1.2K 53 12
                                    

Life

My gaze fell to the  dusty paper bags na naka harang sa pintuan. My brows furrowed in confusion. Hindi pa ako kailan naka punta rito sa stock room at ngayon ko lang din nalaman na meron pala and it seemed like it had become a storage space for forgotten things.

Mas nilakihan ko ang pagkaka bukas sa pintuan para makapasok ako. Kinapa ko rin sa dingding ang posibleng switch ng ilaw. Nang makapa ko ito ay kaagad lumiwanag ang buong silid. I kneeled to pick up one of the paper bags, nang magsiliparan ang makakapal na alikabok ay napabahing ako.

Ingat kong binuksan ang isang paper bag na kulay itim---revealing a dusty box that slid out and dropped onto the floor. The impact caused the box to open, revealing a bracelet that looked very familiar.

Parang binundol ang puso ko sa nakitang bracelet na na sa sahig ngayon. My blood's running cold as well. Kahit nanginginig ang mga kamay ay dahan-dahan kong dinampot ang wooden carved bracelet.

Mas lalo akong nanlamig nang mabasa ang pangalang matagal ko nang gustong maalala.

"Zul..." I whispered, my voice barely audible. "Zul..."

Taas-baba ang paghinga ko when I felt a familiar chills as a wave of dizziness washed over me. Napa upo ko sa sahig nang biglang umikot ang paningin ko. I clutched my head, gasping for breath. Parang sabay-sabay pang naninikip ang dibdib at ulo ko. Hindi ko na alam kung saan sa dalawang sumasakit ang hahawakan ko.

"Please remember him..." I pleaded, my voice quivering with desperation.

I squeezed my  eyes shut. Nang biglang may kung anong parang kutsilyo na humiwa sa ulo ko,  a loud scream escaped from my ips as a blurry vision tried to force its way into my consciousness. I was trembling, my body slick with sweat.

"Singkwenta lang po itong mga bracelets, Ma'am. Free na rin po ang ipapa carve ninyong pangalan," alok sa akin no'ng babae.

Tinanguhan ko ang babae. Masuri kong tiningnan ang mga bracelets doon na gawa sa kahoy. Naka varnish din iyo kaya maganda sila tingnan.

Nang may nakita na akong magandang desinyo ay inangat ko ang tingin kay Ate. Pero nagulat ako nang bigla itong namumula at pa nakaw-nakaw itong tumitingin sa kung sino mang tao sa likuran ko.

Hinawakan ko nang mahigpit ang ulo ko nang hindi ko ma klaro kung sinong lalaki ang nasa alaalang pilit sumisiksik sa utak ko! Fuck this!

"Ano pong ilalagay rito sa 'yo, Ma'am?"

Tumikhim ako. "Pangalan ko nalang. Dorothy."

The girl nodded. "Sa iyo po, Sir?"

"Pangalan ko nalang din, Miss---Zul."

Humalukipkip ako at pinagmamasdan kung paano ginawa ng babae ang pag carve sa bracelet. Wala pang ilang minuto nang matapos iyon.

Zul handed me the bracelet. Malinis nga iyon at pulido. Tiningala ko si Zul nang nakatitig lang ito sa akin.  "Ano?"

Pinakita niya sa akin iyong kanya. "Ito iyong dapat sa 'yo."

"Huh? Pangalan ko nakasulat dito."

Ngumisi siya. "Iyon nga, akin iyang may pangalan mo."

I bit my lower lip when all I can see is a blurry face of him and I felt frustrated. Malapit na. Dahan-dahan akong tumayo as I slammed my head to a hard object. "Argh!" I screamed.  Please, r-remember him. I want to remember Zul.

When another blurry vision attempted to break through mas trumiple ang sakit. I slammed my head again as my tears streamed down my face. My body racked with sobs. Nababaliw na ako pero hindi. Gusto ko siyang maalala!

Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora