Kabanata 16

1.3K 60 4
                                    

Calculated

"Kamusta ka na riyan, anak?"

Mag-iisang buwan na simula no'ng umalis sila Mama at Papa. Wala namang palya ito sa pagtawag sa akin para ipalaam ang kalagayan ni Papa. Mas natutokan na nila roon ang ama at hindi na mas nahihirapan.

"Ayos lang naman po. Kayo po riyan?"

"We're good, anak. How's school?"

Napalingon ako sa mga criminology students nang dumaan sila sa harapan ko. It's like my eyes was searching in instant that familiar to them. Nakaupo ako sa bench kung nasaan ang barricade din ng laboratory malapit sa nasaan ako.

"Ganoon pa rin po. May mga subjects lang na medyo nakaka pressure pero kaya naman..."

May practical research pa kaming paghandaan. I am now a grade twelve HUMSS student. Last year ko na 'to as a high school student kaya pag-iigihan ko lalo. I don't wan't to disappoint my parents. Alam kong inaasahan din nila 'to.

Bumahing ako at pinakiramdaman ang sarili. Medyo uminit na nga ako. Parang nabinat siguro ako noong inisahang laba ko lang iyong mga dumi kong mga damit na naipon.

Tumayo na ako pagkatapos ng tawag namin ni Mama. And Zul, we are still keeping in touch. Binibisita niya rin ako sa bahay at minsan nakikipag kuwentuhan sandali. Gusto ko nga siyang patigilan sa ginagawa niya dahil wala siyang ka alam-alam na sa tuwing nasa ganoon kaming dalawa ay mas lalo akong nahuhulog.

Hindi ko alam kung mabuti ba 'yon o hindi. Pero sa naging kalagayan ko ngayon ay parang hindi. Ayokong pangunahan...ayoko nalang sigurong umamin. Hindi dapat ito iyong pino-problema ko. Puwede naman itong ipagpaliban muna.

"Sinong kasama ngayon ni Raki?" Kumakain kami ng lunch ni Ashley sa cafeteria.

"Nina Mang Kaloy. Dadaanan ko si Raki kapag uwian na."

Tumango siya at nagsimula nang kumain. Napatingin ako sa manipis na tela na nakasabit sa leeg niya. Kung hindi ako nagkakamali...

"Salimot ba 'yan?" tanong ko sa kaibigan. Nginuso ko iyong nakasabit na manipis na tela sa leeg niya.

She pouted. "Oo..." aniya sabay iwas ng tingin.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. I wonder if I'll use those gifts that Zul gave me. Tumikhim ako at hindi nalang kinulit ang kaibigan. Nagpatuloy kami sa pagkain nang may biglaang commotion. Kunot noo naming nilingon ni Ashley ang iilang college students ang pumasok.

My eyes darted on Tiffany. She dyed her hair black, huh? Mas lalong lumalim ang gitla ng noo ko. Like, super black. Pina rebond niya iyon at umabot ito hanggang sa baywang niya. Nawala na ang natural na wavy hair niya na kulay brown dahil sa ginawa niya.

"Anong trip ng babaitang 'yan at ginawa niyang ganyan ang buhok niya? Nagmukha tuloy siyang mangkukulam," natatawang bulong ni Ashley.

Gusto kong sabayan si Ash sa ginawa niyang pamimintas kay Tiff pero nang makita kong nakasunod din sila Zul at ang mga iilan nilang common friends ay agad ko nalang iniwas ang tingin.

Sa akin lang bagay ang ganyang klaseng buhok, gaga!

"Oh..." tumango-tango si Ash nang ibinaling ang mata niya sa akin. Pinaglalaruan niya ang straw ng lemonade sa bibig niya at nanunukso itong sumuri sa akin.

Malapit kami sa counter naka puwesto kaya lahat ng mga gustong umorder ay madadaan kami. Busy ako sa pag-irap kay Ash dahil sa panunukso niya nang may natapon na malamig na tubig sa likod ko.

I gasped and stand up in instant. Nilingon ko kung sinong mga walang hiya ang nagtapon ng tubig sa akin.

"Tangina ka, ah!" Galit na sigaw ni Ashley sabay tayo.

Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1)Where stories live. Discover now