Kabanata 2

1.9K 72 3
                                    

Smell

Pinaglalaruan ko ang ballpen na hawak habang lutang na nakikinig sa Earth Science na subject. I yawned and checked the time on my wrist watch at inangat muli ang tingin sa wala pa ring tigil sa pagputak ng instructor namin.

"Next week will be your midterm exam for the first semester. The pointers will be posted on your portals," our instructor announced.

I sighed and picked my things. Nang dismissal na ay hindi na muna ako bumaba para sa recess. Ashley chatted me na maghihintay siya sa akin sa cafeteria kahit sinabi ko na sa kan'yang hindi ako sigurado kung bababa ba ako. Lintik kasi iyong nangyari no'ng nakaraan.

Inisa-isa kong inilagay ang mga gamit ko sa bag at bumuntong hininga kong ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. My brow creased when I saw criminology students having a formation on the quadrangle.

Hindi mahirap tanawin sila dahil malapit sa bintana ang upuan ko. Pinatong ko ang mukha sa palad ko at ipinatong ang siko sa arm chair. My hair fell on right side of my cheek kaya inipit ko ito sa likod ng tainga ko.

"Uy, grabe ka naman makatanaw riyan, Andino!" kantyaw ng mga kaklase ko.

"Gusto mo tawagin namin si Zul for you, Dorothy?" nakangising sinabi pa nila.

Umayos ako sa pagkaka-upo sabay irap sa kanila. Naghalakhakan naman sila at hindi pa rin ako tinatantanan.

"Tawagin n'yo...papansin kayo, e," malamig kong sagot sa kanila.

The news about Zul riding with me scattered like a wildfire. Nito ko lang din nalaman na criminology student pala si Zul. I wonder kung ano hitsura niya ngayon. Lahat kasing mga criminology students sa CKCM ay naka gupit na. And they are like human matches strolling around the campus.

"Noong umangkas ba sa 'yo si Zul ay nakakakapit siya sa baywang mo, Riri?" kinikilig na sambit ni Ashley.

Kulang nalang ay batuhin ko siya ng notebook dahil may iilang mga estudyante ang biglang nagsilingunan sa table namin. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang gaga hindi nagpapatinag.

"Ano?!" hagalpak niya pa.

"Wala!" I hissed.

Talak siya nang talak tungkol sa amin ni Zul samantalang ako naman ay walang ibang tugon kundi ang sinasamaan siya ng tingin at iniirapan. Nang tungkol na sa ibang bagay ang lumalabas sa bibig niya ay doon ko na siya pinapatulan.

"May mga drug addicts raw na hindi pa naibalik sa facility.." she paused and drink some lemonade.

Nagkibit balikat siya nang inangat ko ang tingin sa kan'ya. "Kaya, hatid-sundo na ako ngayon ng driver namin.."

Tinanguhan ko siya. "Oo, kaya huwag ka na ring mag-gagala at magpapa-gabi."

Pagkatapos ng last subject namin sa araw na 'to ay naglinis na rin ako at ang mga ka groupmates ko ng classroom. Schedule kasi namin kaya dapat talagang maglinis. Lima nalang kami sa room ng biglang nag c-chikahan ang apat kong kaklase.

"Bilisan natin dito maglinis. Ayoko pa naman ditong masyadong nahahapunan.." parang takot niyang sambit.

"Hoy, Cristal...'wag ka ngang manakot!" reklamo pa nila.

Nagpatuloy lang ako sa pagwalis ng sahig at hindi na sila pinansin. Nang natapos na ako sa pag walis ay in-arrange ko na rin ang lagayan ng mga walis, bunot, at mga floor wax.

"Totoo kasi talagang may madreng nagpaparamdam dito..." untag ng isa kong kaklase.

Kasalukuyan silang nag a-arrange sa mga upuan. Iyong dalawa naman ay kababalik lang galing sa labas dahil nagtapon ito ng mga basura.

Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1)Where stories live. Discover now