Kabanata 5

1.5K 64 2
                                    

Start

Kahit mamaya pa naman talaga ang live band ay halatang excited na excited ang mga estudyante sa school kanina. Inaayos na rin ng mga event organizers ang gym pati na rin ang naglalakihang sound systems at lights.

Saglit lang kaming nagkita ni Ashley sa skwelahan dahil kasali siya sa mga dance presentations. Wala naman akong ibang gagawin sa school kaya umuwi nalang ako. Sakto at lunch time na kaya sa bahay nalang din ako kumain.

Tuwang-tuwa pa si Raki nang makita akong maagang umuwi ng bahay. Nagluto lang ako ng kanin at sa labas na bumili ng ulam. Tatlong hitang fried chicken ang binili ko. Dalawa sa akin tapos isa kay Raki.

"Babalik ba ako sa school?" bulong ko sa sarili.

Nakapang bahay na rin ako dahil pawis na pawis ako kanina pauwi. Sobrang init kasi at medyo na traffic pa ako kanina sa Jolibee highway. Dinampot ko ang pocket book ko na pinatong ko lang sa divider namin sa sala at naglakad na palbas ng bahay.

Sakto lang naman ang bahay namin. Sa terrace namin ako madalas nagbabasa ng mga libro with a cup of coffe. Sa harapan ng terrace ay ang frontyard kung saan naka hilera ang mga bulaklak ni mama.

Sa left side namin ay ang maliit na garahe. Sa right side naman ay another walk in tamabayan ko. May dalawang puno ng pandan doon kung saan sa gitna ay nakasabit ang duyan ko. Usually mga hapon ako natatambay ro'n kasi hindi kita ng araw.

"Tao po!"

Gulat akong napatingin sa gate namin. Nilapag ko ang hawak na libro at naglakad papunta sa gate. Napatingin ako sa gate namin nang bahagya niyang inikot-ikot ang lock para mabuksan ang gate.

Pagka bukas ay mukha ni Ashley ang bumungad sa akin. She grinned at me.

"Bakit ka nandito?" sabi ko sa kanya sabay tingin sa kabilang mata niyang may kulay gold na glitters eye shadow. Sa isa naman ay kulay pink na mga glitters. Trippings na naman ang babaeng 'to.

"Eh, ikaw bakit ka nandito?" taas kilay rin niyang sinabi.

Inirapan ko siya at humahalukipkip akong naglakad pabalik sa terrace. Kaaagad naman itong sumunod sa akin.

"Raki, Ashley is here!"

Ang natutulog na Raki sa sala ay kaagad lumabas pagkatawag. He happily beamed to Ashley as my friend pet him immdiately.

Bumaling si Ashley sa akin habang ang kamay ay nananatiling nasa ulo ni Raki sabay haplos.

"I can't believe you just ignore this kind of event. Hinahanap kita sa mga kaklase mo pero nag half day ka raw."

"Na b-boringan ako kanina kaya umuwi na ako," kibit balikat kong sinabi.

"Edi sana nanood ka ng game nila Zul!" Her grinned became widely.

After what happened, nahiya na ako kay Zul. Kahit wala naman talaga siyang alam sa naging ideya ko tungkol sa aming dalawa ay hindi iyon naging hadlang para hindi ako mahiya ng husto. I should've just let myself to know him more. Bukod kasi sa alam kong Muslim siya ay wala na akong alam.

Ngayon ko lang na realized na kung patuloy kang makikinig sa mga sinasabi ng ibang tao ay para mo na ring tinatrato ang sarili mo na isa sa pinaka bobo at tangang tao sa mundo.

Mabuti nalang at kaagad kong nasita ang sarili. Those nonsense gossips from people fuels me to push something trashy. Gusto ko pa namang i-justify iyong guts ko towards Zul. Buti nalang at agad niya iyong nilinaw sa akin.

Sampal iyon sa akin. Hindi ibig sabihin na playboy siya ay magiging target na niya ako para gawing biktima. He wasn't challenged by me. He was confused. And I wasn't that attractive para mapansin ako ni Zul sa ibang paraan.

Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1)Where stories live. Discover now