Kabanata 31

1.3K 42 8
                                    

Dream

Parang lahat ng mga sinasabi ni Tita Sittie ay pa lutang-lutang lang sa saang parte ng utak ko. Habang nakikinig ako sa mga kuwento niya ay mas lalo akong naniwala na wala siyang kinalaman sa issue.

"Oh, you should meet my mother. Nandito na siya!" Aniya sabay hawak sa braso ko para sabay kaming tumayo.

Kaagad kong pinalis ang luha. Tumayo ako at humarap na rin. Dumapo ang tingin ko sa matandang elegante. She's wearing a Hijab. A Hijab that there's a bit diamonds on it. Hindi pa kasama ang iilang alahas na nakasabit sa magkabila niyang tainga.

Katabi nito ay si Farah  and besides Farah was Zandra. Zandra's aura was sweet and friendly as she was greeted also the other visitors. Pero nang magtama ang mga mata namin ay kaagad iyong naglaho.

Ganoon din ang Mama ni Zul. Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang tingin niya sa akin.

Nang makalapit kami ni Tita Sittie sa kanila ay tatlong pares na mga mata ang kaagad ang sumalubong sa akin na puno ng pang mamaliit at pang-iinsulto.

"Ina, meet Dorothy. Iyong anak---" Masaya sanang pakilala ni Tita Sittie sa Mama niya ngunit pinutol siya nito.

"Zul's mistress?" taas kilay nitong sinabi na may halong pandidiri.

Parang tumakas kaagad ang kaluluwa ko sa narinig. Inawang ko ang labi nang naramdaman kong nanikip ang dibdib ko. Tita Sittie frozed when she looked at me. Kaagad siyang umiling.

"Ina, ano po bang pinagsasabi mo? She's---"

"I know how you dear this woman, Sittie. You don't have to defend her dahil iyon ang totoo," malamig niyang putol sa anak.

Nang ibinaling niya ang tingin sa akin ay kulang nalang umatras ako. I saw Zandra's smirked with Zul's mother evil and insulting stares.

"Hija, baka inakala mo na puwede kang maging second wife ni Zul just because Muslim men allowed to marry one to four wives. Mind you, Hija. 'Tsaka lang kapag pumayag ang first wife which is si Zandra."

"Ina---" Tita Sittie tried to defend me.

"Hindi po ako pumapayag, Ina," Zandra proudly uttered.

I gritted my teeth as I felt my eyes was watering. No, Dorothy. You can't just fucking cry. Trust Zul. Siya iyong nagsasabi ng totoo dito. Damn it!

"See? You are seeing my grandchild, Hija. Ano ba ang puwede kong itawag sa 'yo? Hindi ba ay kabit?" The old hag added.

Napalunok ako. Shit. Gusto ko nang umuwi.

"Hindi ka talaga nadala?" Farah butt in.

"Stop ruining my night, please. Huwag ninyong bastusin si Dorothy," may diing sinabi ni Tita Sittie.

"Sinong binabastos?" Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko sa narinig.

"Z-Zul, anak!" Kaagad nilapitan ni Farah ang anak.

"Let's go, Dorothy." Hinawakan ni Zul ang kamay ko sabay hila at hindi pinansin ang Mama niya.

"Zul Qurnain Rabbani!" ani ng isang matandang lalaking parang kulog ang boses.

Natahimik ang kabuuan ng Mansion as the visitors attention went to us. Parang gusto ko na lang tumakbo nang tumakbo paalis sa lugar na ito. Pero ayoko rin namang iwan si Zul dito at mag-isang ayusin at harapin ang gulong sangkot ako.

"This is not how you should act infront of your wife," galit na bungad sa amin ng lalaking matanda. I assumed this is Tita Sittie's father. Zul's grandfather.

"My wife is the one I am holding right now, Ama," Zul coldly uttered and tightened his hold on me.

"This is not how Islam works, Zul! Kung gusto mong mag-asawa ulit, let your first wife know! Hindi itong nambibigla ka at umaastang bastos!"

Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon