Kabanata 14

1.3K 55 3
                                    

Problem

Malapit na ang pasukan na hindi ko namamalayan. Parang buong summer ko ay bahay at hospital lamang kahit may mga araw ro'n na magkasama kami ni Zul. Palagi nang tumatatak sa isipan ko ang pagtutok kay Papa at hindi pinahihintulutan ang anumang bagay.

Nilingon ko si Mama at Papa na nagpapa araw sa labas ng bahay. They are talking like there's nothing really happened. May leukemia si Papa---stage three. Iyon 'yong sinabi ng doctor sa akin pagkalabas namin sa hospital. Mag i-isang linggo na simula noong nakalabas si Papa.

Gusto man naming ipanatili muna si Papa roon ay hindi naman ito pumapayag. Kumuha nalang si Uncle Dom ng private Doctor para kay Papa para ito nalang ang pupunta sa bahay kapag may emergency.

Hindi ko namalayan ang unti-unting pag ngilid ng mga luha ko. Siguro kung sinabi kaagad ni Papa ay hindi siguro aabot sa stage three ang sakit niya. Akmang lilingunin niya ako kaya kaagad kong pinalis ang luha sa mga mata sabay ngiti ko sa kanya.

He smiled back weakly on me. Iniwas ko ang tingin nang may namumuo na namang luha sa aking mga mata. Parang may maliliit din na karayom ang tumutusok sa puso ko sa tuwing inaalala ko ang disposisyon ni Papa. Sobrang sakit sa puso.

Seeing your parent that slowly dying is a torture. Big time. Kinagat ko ang pang ibabang labi at hinayaan na ang mga luhang nagbabagsakan sa pisngi ko.

Bakit kung sino pa itong mga mabubuting tao ay siyang nilalagay sa ganitong position? Maraming mga masasamang tao sa mundo. Bakit mga katulad pa ni Papa ang pinapahirapan?

Sobrang bilis umusad ng oras. Kakatapos lang naming maghapunan at kasalukuyan nang nagpapahinga si Mama at Papa sa kuwarto nila. Nagpa-iwan muna ako rito sa sala at nagpapatunaw muna ng kinakain.

Nilingon ko si Raki na ngayon ay mahimbing nang natutulog. I sighed and picked up my phone. Lumabas ako ng bahay at umupo sa wooden chair namin sa teresa.

Ilalapag ko sana ang hawak-hawak kong cellphone nang mag vibrate ito sa kamay ko. I blinked when I saw Zul's name plastered on my screen. Tikom bibig kong sinagot ang tawag niya sabay lagay ang cellphone sa tainga.

"Hmm?" ani ko.

"Kumusta ka?"

Tumikhim ako. "Ayos lang naman...Ikaw?"

"I'm good, too. Si Tito, kamusta?"

"Bumuti-buti naman siya..."

Ngumuso ako nang marinig kong parang nag change position ito mula sa pagkakahiga niya. Narinig ko pa ang marahan niyang paghila sa kanyang kumot.

"Matutulog ka na ba?" untag ko.

"Hmm. Maaga kami bukas para sa exam namin..."

I pressed my lips. Shit. Muntik ko nang makalimutan na bukas nga pala iyong exam day niya. Ipinako ko ang mga mata sa bracelet na hanggang ngayon sout-sout ko. I wonder if Zul was still wearing that cheap bracelet. I pouted.

"Good luck..." halos hindi na niya ata 'yon narinig dahil sa liit na pagkakasabi ko no'n.

Saglit pa kaming natahimik dalawa.

"Dadaan muna ako sa inyo bago ako pumunta sa exam hall bukas...if it's okay with you?" he uttered huskily.

Halos mapudpod ang pang ibabang labi ko sa pagkakagat. Binawi ako ang tingin mula sa pagkaka depina sa bracelet na sout at napatingin sa sinag ng buwan na humahaplos sa mga bulaklak na naghilera sa harapan ko.

"A-Ayos lang naman," ani ko.

Another silence passed by. Tiningnan ko ang cellphone baka na end na pero nandoon pa rin naman ang tawag.

Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1)Where stories live. Discover now