Kabanata 46

1.1K 32 1
                                    

Paper Bags

Nagising akong may mabigat na pakiramdam. Pagkarating ko rito kagabi sa bahay ay nag-alalang mukha ni Mama ang bumungad sa akin. She didn't utter words, kaya nilagpasan ko nalang siya at nagpaalam nang matulog.

It's eight AM and I barely get enough sleep o kung nakatulog ba talaga ako. Parang buong magdamag na gising ang diwa ko habang namananhid ang buong pagkatao ko. Dahan-dahan akong bumangon at hinilot ang makabilang sentido nang makaramdam ako ng kirot.

Nilingon ko ang envelope sa bed side table ko. A wedding invitation, huh? Funny how this damn envelope arrive in an unexpected time. Sobrang aga. Nagmamadali.

Ayokong tanggapin 'to bilang katapusan naming dalawa. Kahit hindi ko siya maalala, sa kabituuran ng puso ko, alam kong mahal ko siya. At kahit patuloy na humahadlang ang utak ko, hindi ko hahayaang mag-isang lalaban ang puso kong matagal nang naghihintay na maalala ko siya.

Pagkababa ko ay si Inday at Manang ang nakita ko bulwagan. Nang malingunan ako ni Manang ay may pag-alala itong tumingin sa akin.

"Gising na po ba si Mama?" tanong ko sabay lapit sa dining.

"Umalis kaninang madaling araw kasama ang mga teachers. May seminar silang dadaluhan at malayo-layo pa ang biyahe kaya umalis sila nang mas maaga," sagot ni Manang at sumunod sa akin sa dining.

Ngayon pala ang balik nila sa Cagayan? Tinanguhan ko si Manang at umupo na. Wala akong ganang kumain pero kailangan lalo na at marami pa akong tatapusin sa DA.

"Anong gusto mong umagahan, Ri?"

"Bacon at egg po tapos kaunting rice..."

Ipinatong ko ang magkabilang paa ko sa inuupuan ko at inilagay ko ang baba sa tuhod. Nakatingin ako kay Manang habang hinahanda ang almusal ko.

Nakalagay nga sa invitation na 'yon ay bukas na bukas. February 14. How romantic. Damn this! And if I wasn't mistaken, he was bound to marry the princess of Sultan Kudarat.

Hindi ko namalayan na nangilid na ang mga luha kong napatitig sa kawalan. I pressed my lips together. Masakit nga itong wala akong malala tungkol sa amin, paano na kaya 'pag ibinalita sa akin ang bagay na 'to in a very normal state? Ikababaliw ko na siguro.

"Riri..." tawag sa akin ni Manang sabay dahan-dahang lapag nang plato.

Tahimik akong umupo nang maayos sabay pahid sa mga luhang nagsidaluyan sa pisngi ko. That princess is a Muslim, right? Parehas sila. Talaga bang hahayaan ko nalang ang lahat. Kung ipaglaban ko siya...p-paano si Mama? Ipinikit ko ulit ang mga mata.

"R-Riri..." tawag ulit sa akin ni Manang and pulled me for an embrace.

"M-Manang...anong gagawin ko?" hikbi ko.

"Wala akong ideya kung anong nangyayari pero sana kung anong isinisigaw ng puso mo, sundin mo..."

Tambak na mga papeles ang naabutan ko sa table ko pagka dating ko sa office at ngayon pa ako natuwa na marami akong gagawin para hindi ko na maisip iyong mga bagay-bagay. When a sound of a knock on the door pulled me out of my deep concentration, kunot noo akong napatingin sa pintuan.

"Come on in," I called out, at ibinalik muli ang tingin sa mga dokumentong na sa harapan ko.

"Dorothy..."

It's Sir Rov. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He gave me a gentle smile. Napatingin ako sa bitbit niya nang inabot niya sa akin ang isang magandang sobre.

"I've got an invitation for you," he said, his voice filled with warmth.

Kunot noo ko namang tinanggap ang envelope. As I opened it, I saw an invitation to the wedding of Sir Rov's eldest daughter, Juliette.

Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon