Chapter 13

52 10 20
                                    


"I will send na lang sa gc 'yung revised chapter 1 and chapter 2, and Jade.. "

"Jesus finally! Yes anything I can do?" Agad na tanong naman ni Jade. Kanina pa kasi kami nag rerevise rito pero hindi talaga makasabay 'tong dalawa. Puro kami lang nina Harif at Radh ang gumagawa.

"You keep bragging about your money, then print all the documents that I will send to you later on." Panghahamon ko rito na siyang nagpataas ng kanyang noo. Hindi nito maitago ang saya kaya't napatayo pa.

"Anything my lady" He half bended and bowed, showing gestures like he's honoring me like a queen. Baliw talaga, siraulo.

"I'll go ahead" Walang ganang sabi naman ni Harif na nasa tabi ko. He put all his things inside his bag at hindi ko maiwasang mapatingin sa basket ng fries sa loob ng bag nito.

Kung tutuusin afford ko naman talaga ang fries but I only eat fries for two reasons. It can either be libre or if I wanted to reward myself. It becomes my motivation to do good in school, kapag ayos ang performance matic may fries.

"Ingat pre" Tumango na lang si Harif bilang tugon kay Jade at nagsimula nang maglakad papalayo.

Nagsimula na rin kaming mag ligpit ng gamit namin, I can feel the stares of Radh kaya medyo nanginginig ang mga kamay ko.

"Pogi ni Harif no ang talino pa, alam mo bagay kayo Feb-"

"Aray!" Hindi na natuloy ni Jade ang dapat niyang sasabihin dahil binato siya ni Radh ng pinag-inuman ko ng smoothie.

"Shut your annoying mouth Jade" Untag nito.

"Chill dude, nag jo joke lang eh. Seloso neto" Hindi mapigilang matawa ni Jade, dahil sa sobrang saya niya ay natabig pa niya si April na kasalukuyang naglalagay ng lipstick. Dahil sa pagkatabig, lumagpas ang pagkalagay nito sa kanyang pisngi.

Saglit na naestatwa si April dahilan para makakuha ng tyempo si Jade na tumakbo papalayo.

"Fuck you!" Hinabol naman siya ni April na inis na inis. Napailing na lang ako sa pagkasira-ulo ng dalawang 'yon.

"You're not done yet?" Radh asked and I just shook my head.

Oo teh, hindi pa kanina ka pa kasi titig nang titig sinong mapapadali ang trabaho kapag ganyan!

"Ok, hihintayin kita"

"Mabilis lang 'to, are you hungry?" Tanong ko sa kanya habang binibilisan na ang pag-ligpit.

"Medyo, ikaw?" Masigla niyang tanong.

"Hindi pa"

"Of course, inubos mo nga shawarma na dala ko. I'm glad you like my comfort food." I just gave him wide smile from what he said. Shit, paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko gusto ang shawarma?

"Tulungan na kita" Aniya at hinayaan ko na lang din na tulungan niya ako, gutom na gutom na siguro kaya ayan atat na atat na kumain.

"Where do you want to eat?" Radh asked, naglalakad na kami ngayon sa labas ng school para mananghalian.

"Kahit saan na lang"

"Are you sure?" Pilyo niyang tanong.

"No fancy, please?" I beg, ayoko talaga sa mga mamahaling resto, i really feel small kapag gano'n.

"Sorry, pero kapag usapang date ako ang boss" He uttered then smirked at me, my eyes widened at marahan siyang tanapik.

"Who told you that this is a date?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To See You SmileWhere stories live. Discover now